Chapter 35

120 2 0
                                    

Isang linggo na ang nagdaan noong nagpropose si Stephen sa akin. I can't believe I'm going to marry the man I love, tomorrow.

Binilisan namin ang kasal dahil sa project niya sa New York, ayoko man pumayag pero sa huli naisip kong para sa amin ang gagawin niya. Ayokong pagbawalan siya sa bagay na alam kong makakabuti sa kanya.

"Nag dinner kana?" tanong ni Ate

"I can't eat ate, kinakabahan ako"

"Gaga ka! Ikakasal ka lang, kalma ka"

"Paano pag hindi siya sumipot?"

"Bobita! Sisipot 'yon! Ang mahal ng kasal niyo"

Tama si ate, church wedding iyon pero naging over prized dahil sa reception. Inarkila ng pamilya nila ang buong hotel na pag gaganapan. Naglabas din naman kami ng pera, pero mas lamang sila nahihiya ako pero hindi nila ipinaramdam sa amin na dapat kaming mag alala sa nagastos nila.

"Gandang ganda ako sa gown mo, simple pero pag sinuot mo na panalo!"

"Ate, dress lang 'yan" pagtama ko

"Ganon na din 'yon! Bagay na bagay sayo!"

Tiningnan kong muli yung isusuot ko sa kasal ko bukas, muling namuo yung luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na hahantong ako sa pagpapakasal, wala akong ideya sa ganitong bagay noon. Ang gusto ko lang ay mabuhay ng naaayon sa gusto ko, hindi ko hiniling na magsuot ng damit na pangkasal at maihaharap sa altar.

Pero ngayon, nag uumapaw na saya ang nararamdaman ko. Ganito pala yung pakiramdam ng mahalin, alagaan, at ingatan. Masarap sa pakiramdam, ayokong mawala yung ganitong saya sa buhay ko.

"Hindi ako makapaniwalang ikakasal ako bukas, ate" mahina kong sabi

"Ako rin naman, biruin mo mas matanda ako pero ikaw pa ang naunang magkakapamilya sa atin. Pero, masaya ako sa kung anong meron ka ngayon. Madaming sakit kang pinagdaanan, kaya lahat ng ito ay nararapat para sayo" niyakap niya ako ng mahigpit

"Thank you ate"

Kinalas niya ang pag yakap sa akin at umalis na ng kwarto ko. Mga ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa pinto, ng pagbuksan ko iyon ay si Papa.

"Pwede ba akong pumasok anak?" tanong niya

"Oo naman, pa"

Pumasok siya sa kwarto ko at agad na tumingin sa wedding dress ko.

"Masaya ako para sayo anak" halos garalgal ang boses ni Papa "hindi ko inaasahang magiging ina at asawa kana, kung nandito ang mama mo matutuwa iyon"

Simula nung namatay si mama, hindi na niya ito muling binanggit pa. Ngayon lang, kaya naiiyak ako ngayong kaharap ko siya.

"P-Pasensya kana kung hindi ko nagampanan ang pagiging ama ko sayo, akala ko kasi ay kaya mo. Kaya mong itayo ang sarili mong paa, kaya mong mabuhay sa sarili mong pagsisikap, kaya mong maging masaya kahit wala ako sa tabi mo. Pero nak, lahat ng akala ko mali, sobrang mali. Nagtiis ka sa trato ni Yolly at Joy Cris noon, marami kang kailangan pero hindi ko maibigay dahil nakatuon ang pansin ko sa kapatid mo. Pero anak, walang araw na hindi ko ipinagdarasal sa Diyos na maayos ka. Wala man ako sa tabi mo, sana ay bantayan ka niya"

"Mahirap para sa akin nung mawala ang mama mo, sobrang hinagpis ang naranasan ko. Pero sa tuwing nakikita kita, nakikita ko ang mama mo sayo. Kamukhang kamukha ka niya nak, mula sa iyong mata hanggang sa hugis ng iyong mukha. Nahirapan akong titigan ka sa mata dahil sa tuwing tatama ang mata nating dalawa, may kirot sa puso ko na hanggang ngayon nararamdaman ko pa din. Kung iniisip mong hindi ko minahal ang mama mo, nagkakamali ka anak. Dahil walang araw ang lumipas na hindi ko siya iniisip. Nang malaman kong nagkaanak ako kay Yolly, aaminin kong masaya ako. Pero hindi niya napantayan ang mama mo sa puso ko, sinikap ko anak na mahalin si Yolly kahit na alam kong mahal ko ang mama mo. Kaya sana anak huwag kang magalit sa akin, hindi ko pinili si Yolly para sa sarili ko, pinili ko siya dahil iyon ang bagay na alam kong tama. Hindi man maganda ang trato niya noon sayo, lagi ko siyang pinagsasabihan na huwag kang bastusin at mas lalong huwag kang pagbuhatan ng kamay dahil ako ang makakalaban niya" tuluyang bumuhos ang luha sa kaniyang mga bata, bagay na nagpapakirot sa puso ko

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon