Chapter 34

90 3 0
                                    

"Ano bang nangyari dito? Kayo Obay at Tantan ha. Hindi kayo basta-basta nakakasira ng gamit dito" mahinahon kong sambit sa dalawang kasama ko dito sa cafe sa Batangas

"Pasensya na madam, alam mo naman ang mga bakla. Hindi perpek" sabat ni Oba

"Hay nako Louisse,  hayaan mo na sila. Hindi ko kasi na orient about sa mga switches" si Caril ang branch manager dito

"Ayos lang. Sana sa susunod hindi na 'to maulit"

Nag double check pa ako para masigurong okay ang lahat. Nakakapagod ang araw na 'to. Ngayon lang nagka-aberya ng ganito katindi sa cafe, minsan kasi ay nasirang coffee brewer lang o di kaya kinulang sa stocks na mga ingredients. Ang isang ito ay malala, lahat ng switches ay sira pati na rin ang mga stocks ay ubos na. Hindi ako makapaniwala dahil kilala ko sila Oba, Tantan, at Caril dahil nakatrabaho ko sila noon. Malinis sila magtrabaho at walang palya.

"Louisse, umuwi kana. Baka abutan ka ng gabi" sambit ni Tantan

Louisse ang tawag nila dito sa akin dahil ang dami na daw tumatawag sa una kong pangalan, gusto daw nila na unique ang tawag nila sa akin.

"Sige. Ingat kayo dito ha" paalam ko

Sumakay na ako sa kotse ko at sinabi kay Betty na pauwi na ako, dadaan pa ako sa cafe dahil ako ang magsasara non. Busy din si Stephen kaya doon ako sa bahay uuwi ngayon.

Habang nasa biyahe ako ay medyo traffic, pauwi na kasi yung mga galing sa trabaho. Nagpatugtog lang ako ng kanta sa playlist ng cellphone ko.

I'd rather...

'Yan yung pinapatugtog ko ngayon, naging favorite ko na kasi ito simula nung kinanta ni Stephen sa akin iyon. Gumalaw na ang ibang sasakyan kaya nakapokus na ako sa daan, pero habang nagmamaneho ako nakaramdam ako ng pagkahilo. Iiling iling lang ako kahit na hindi ko na kaya ang hilo, nagsearch ako ng pinakamalapit na hospital dito at sakto namang ilang metro lang ang layo non sa kung nasaan ako.

Paglabas ko ng sasakyan napahawak ako sa side mirror ng kotse ko, nagdodoble na ang paningin ko. Feeling ko ay nagiging dalawa ang daan, umiikot ang paligid ko.

Nagising ako sa pamilyar na amoy ng alcohol, at gamot. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, may nurse na nagchecheck sa akin. Nakangiti naman itong tumingin sa akin.

"Mabuti naman po at nagising na kayo. Saglit lang po, tatawagin ko lang si Doktora" anang Nurse

Hindi na ako nahihilo, medyo malabo lang ang paningin ko. Agad naman akong nakabawi ng lakas kaya naman nakaupo na ako, ilang minuto ang hinintay ko bago dumating ang doktor. Maganda, maputi, sakto ang tangkad, parehas kami na hanggang balikat lamang ang buhok ang pinagkaiba lang ay may kulay ang buhok ko at brown iyon.

"You're awake" nakangiti niyang bati

"What about my condition doc? Ahm...kasi may complication ako sa ulo, well hindi sa utak. My head damaged because of the accident—"

"I know"

"Y-You know? How?" takang tanong ko

"My father was the one who performed the surgery for your case. And I'm all aware of everything, the moment I saw you passed out at the parking lot akala ko ay dahil iyon sa kumplikasyon sa ulo mo"

What does she mean? Ang sabi sa akin ng doctor ko ay makakaranas ako ng mga ganitong sitwasyon. Tapos maririnig kong hindi iyon dahil sa ulo ko? Weird.

"Well, yung tungkol sa ulo mo tinawag ko kaagad 'yon sa father ko. And he says that you're definitely fine, ayos naman ang check up mo. And the big wound on your head fades away, meaning to say ay nag hilom na"

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now