Chapter 26

72 3 0
                                    

"Aki! Kanina pa tumutunong yung cellphone mo. Kunin mo muna" tawag sa akin ni Joy Cris

Kinuha ko iyon at nakitang puro missed calls galing kay Rendell, tatawagan ko sana siya pero naunahan niya ako.

"Thank God sinagot mo din!" sambit niya

"Ano kailangan mo?"

"Nandyan ba si Stephen?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paanong nandito yon eh nauna nga akong umalis kanina.

"Wala. Bakit?"

"Fuck!"

"Rendell—"

Inoff na niya yung tawag, nagtataka naman ako sa ginawa niya. Babalik sana ako sa kusina ng magvibrate yung cellphone ko. Nagtext siya.

From: Rendell
Tawagan mo si Stephen, please. Wala si Dad dito sa office niya, masama kutob ko kasi may nakita akong letter dito galing sa taong hinahanap natin. Baka pinuntahan yon ni Dad.

Hindi naman nawala sa isip ko ang taong nagbigay ng pulang sobre sa akin noong nasa resort kami. Tinawagan ko ang number ni Stephen pero naka off iyon. Nagsimula na akong kabahan, kaya naman nagpaalam ako at kumuha ng jacket dahil malamig sa labas. Pagkalabas ko ng pinto nagulat ako ng makita si Eric sa harap ng bahay namin. Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

"Hop in"

"A-Ano?" tanong ko

"Saka na! Hahanapin natin sila"

Wala sa uliran akong sumunod sa kaniya. Seryoso lang siya at halatang may malalim na iniisip.

"Tinawagan ka ba ni Rendell?"

"Nope"

"Paano mo nalaman?"

"It's all my fault! Hindi ako nag iingat!" sigaw niya

"A-Ano bang s-sinasabi mo?"

Hindi niya ako sinagot at mas lalo pang binilisan ang takbo ng sasakyan. Wala siyang pakialam kung over speeding na ang ginagawa niya, wala siyang takot na baka mabangga kaming pareho.

"E-Eric!! D-dahan-dahan lang!!" sigaw ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya

Naging mabagal naman na yon ng biglang tumunog ang cellphone niya at agad na sinagot iyon gamit yung wireless earphone niya.

"What?! — No! Hindi ka uuwi dito! You have to stay there please makinig ka naman sa akin! I know...Yes! It's dangerous but I have to! Please Erica makinig ka sa akin...I'll take care of everything just...just please wag ka na pumunta dito — Yeah, I promise"

Erica? Sino si Erica? Bakit naman ganon nalang ang pag aalala niya sa kaniya?

Nagulat ako ng ihinto niya sa gilid yung sasakyan at bigla niyang sinapo ang ulo niya. Halata sa mukha niyang stress siya.

"Ano ba nangyayari?" sa halip na sagutin ako at tumingin lang siya sa akin "Eric, ano ba? wala ka bang sasabihin?"

"I'm sorry" hinawakan niya ang kamay ko at pagtitig ko sa mga mata niya umiiyak na siya

"B-Bakit ka umiiyak?"

"This...this is all my fault. I'm sorry. Sorry, sorry, sorry"

Humahagulgol na siya kaya naman niyakap ko siya, wala akong maintindihan sa sitwasyon ngayon. Kinakabahan ako sa lahat, ang biglang pagtawag ni Rendell at si Eric na ngayon ay halos lumuhod kakahingi ng tawad sa akin.

"I'll fix this" sambit niya at pinunasan ang basa niyang pisngi "iuuwi natin ng ligtas sila Stephen"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Boss Series 1: Playboy BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt