Chapter 23

71 2 0
                                    

"You kissed me!" sigaw niya

"Oh? E ano naman ngayon?" tanong ko

"That means you like me"

"Hindi yon ganon, mamatay ka sa pag iisip kung ano man meaning non"

"But you kissed me!" nakanguso niyang sambit

Ano bang nangyayari sa lalaki to? Parang akala mo ngayon lang nakatikim ng kiss! Kaninang pag gising pa siya ganyan. Nagpumilit pang matulog na kasama ako...kesyo nung lasing daw ako niyakap ko pa daw siya, pumayag ako pero may harang na apat na unan sa pagitan namin

"Hey!! You kissed me!!" sigaw niya ulit

"Alam mo, ayusin mo gamit mo. Binook na tayo ng flight ng daddy mo kaya hindi na tayo mag-i-stay dito"

"Ayoko! Sabihin mo muna kung ano ibig sabihin ng kiss na yon"

"Para kang tubol, wala lang yon!"

"T-Tubol? I'm tubol? Sa gwapo kong to tubol ako?" hindi makapaniwalang sabi niya

"Oo! Tubol ka! Kaya manahimik ka diyan, kung hindi iiwan kita. Mamayang alas-kwatro yung flight natin, alas-onse na kailangan dalawang oras bago yung flight natin nakaalis na tayo" sambit ko at sinara ko na yung dala kong maleta "ano? hindi ka pa kikilos?"

Umiling siya at padabog na naglakad papunta sa closet niya. Umupo ako sa couch at nagbasa ng mga mails niya na puro pagbati dahil successful yung event. December twenty na, ilang araw nalang pasko na. Nakaka excite dahil uuwi na kami, mabibisita ko na ulit si papa, sabi din ni joy cris may pag uusapan kami ng mama niya

"Why are you smiling? It's really creepy" sabi ng ugok na amo ko

"Wala kang paki"

"Halikan kaya kita? For sure magkakapaki ka" ngumisi siya

Binati ko siya nung throw pillow at sumakto yon sa mukha niya

"Hey! Bakit mo ako binato?"

"Trip ko lang" sambit ko at umupo siya sa tabi ko

"Hindi mo talaga sasabihin kung bakit mo ako hinalikan?" tanong niya

Ano isasagot ko sa kaniya? Hindi ko din alam kung bakit ginawa ko yon, hindi ko naman yon pinagsisisihan dahil alam ko sa sarili kong ginusto ko naman yon

"Kasi...ano...ano...diba hinalikan mo din naman ako, nagtanong ba ako ng dahilan ha?"

"I kissed you because I like you" diresto niyang sagot "so now" lumapit siya sa mukha ko "why did you kissed me?"

"L-Lumayo ka nga!!" tinulak ko siya dahilan para matawa siya "a-anong nakakatawa ha?!" sigaw ko

"You're blushing" nakangiting sambit niya

"A-Ano?"

"You're blushing"

Hinawakan ko kaagad yung magkabilang pisngi ko, jusko! ang init! kinuha ko yung cellphone ko para tingnan yung mukha ko at namumula nga iyon! Depungal naman!

"Let's go" bumalik kaagad yung atensyon ko ng magsalita siya

"S-Saan?"

"Kakain muna tayo tapos aalis na tayo. Pero gusto ko bumili ng regalo para kay yaya thelma, manong felix, sa tita mo, ate mo, and of course sa papa mo"

"At bakit pamilya ko nadamay dyan?"

"Kasi pamilya ko na din sila. Remember, girlfriend na kita" pagkasabi niya non ay kumindat siya at sabay na hinila ang maleta niya at yung sakin

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon