12

14 1 0
                                    

Nasa parkade na kami ng Diamond Hotel at kasalukuyang hinihintay yung pito.

Napaayos ako ng upo ng bumukas yung pinto.

"Annyeong Rie-noona!" Bungad ni Jungkook sa akin.

"Annyeong, Jungkook." Ngiti ko pabalik.

"Pasok na kayo." Namjoon told them.

"Ikaw, Namjoon?" Tanong ni Jin-hyung.

"I'll be at the front. Sa tabi ni manager-hyung. Gaja."

Si Jimin at Jungkook ang nasa tabi ko.

"Annyeong Noona!" Bati ulit nila.

"Annyeong!" Bati ko ulit. Natatawa sa kanila.

"Saan muna tayo?" Tanong ni Kuya.

"Nagsearch ako kagabi, may museum pala dito. Pwede mapuntahan rin?" Tanong ni Namjoon.

"Puntahan natin yun basta kakain tayo ng Jollibee. Nakikita ko sa tweets ng Filo ARMYs, masarap daw yun." Sabi ni Hobi.

"We can do all that. Claire." I called out to her.

Tiningnan ko sa salamin at nakita kong katabi niya si Taehyung.

Nagfafangirl na ito sa kaloob-looban niya. For sure.

"Ye?" Sagot niya.

"Saan muna?"

"Molla. Wait, wait." Nagtype sya sa phone nya.

Pagtingin ko sa salamin, I got eye contact with Namjoon. Naubo ako bigla.

Hala sya.

"Noona, are you okay?" Jungkook asked. I nodded.

"Noona oh. Inom ka." Abot ni Jungkook ng bottled water.

"Thanks."

"Intramuros this morning. After lunch naman sa Manila Ocean Park tapos last na yung National Museum Complex." Pag run over ni Claire sa itinerary.

"Sounds like a plan to me." Sabi ni Namjoon.

"Okay na ba kayo doon?" Tanong niya sa members nya.

"Yeah. Yeah. Let's get it!" Halos sabay-sabay nilang sagot.

Nasa byahe na kami bound to Intramuros. The drive is atleast 10 minutes. In case there's no traffic.

"Hanggang anong oras ba Kuya?" Tanong ni Claire.

"We have to be back at 4. Then, two hours preparation. We'll be at the airport by 8."

"Oh okay. Kaya naman mapuntahan yun in that span of time." Claire answered.

"By the way, have you packed your bags?"

"Yup. Kagabi pa! Late nga ako nakatulog eh. Ikaw Unnie?"

"Oo na rin."

Pagdating sa Intramuros naikot namin yung Fort Santiago, San Agustin Church, at yung Manila Cathedral.

There's a bicycle.

"Woah, may bike pala dito." Halos sabay naming sabi ni Namjoon.

"Since you want to try it, go on. Try nyo rin yung kalesa." Suggest ni Claire.

"Kalesa?" Tanong ni Hobi kaya tinuto ni Claire yung napadaan.

Naengganyo yung anim sa kalesa kaya ayun nag-uunahan sila.

"Let's go?" Yaya ni Namjoon papunta sa bike rental shop.

Pumipili pa lang ako ng helmet ng maramdaman kong may naglagay sa ulo ko.

"Thanks." Sabi ko kay Namjoon.

Napunta kami sa Casa Manila at Baluarte de San Diego. Yung Baluarte de San Diego parang maze.

"Nawawala ata tayo." Sabi ko.

Ayan nahilo na kung asan entrance at exit.

"Hanapin na lang natin."

Nasa magkabilaan kami ng daan.

"How are you?" He asked.

"I'm okay. Thank you for asking. How about you?"

"I'm fine."

"Hindi ka napapagod?" Tanong ko.

"Oo syempre. Pero nung nagdecide ako na ipursue ito, narealize ko na part na sya. Well, we all feel tiredness in our lives. Pahinga na sa akin yung moments na ganito." Sabi niya.

"Ikaw ba? Have you decided to take the boards?"

"Hindi pa. Ewan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nafifeel yung urge. Kaya okay na rin yung mag-intern as concert staff nyo." Dere-deretso kong sabi.

"Concert staff?" Paniniguro niya.

"Oo nga. Narealize ko rin, one year na akong lowkey. Walang habit. Might as well give it a try." Natatawa kong sabi.

"Edi araw-araw mo kami niyang makikita at makakasama?" Natawa sya sa sarili niyang tanong.

"May problema ba don? Alam mo, your fans are dying to spend time with you. I should be thankful, if that's the case."

"May point. Sana mag-enjoy ka." Sabi ni Namjoon sincerely.

"Oo naman. Congratulations by the way. Your music is finally getting known in the whole world."

"Thanks." He said shyly.

We already rode our bikes nung mapansin naming malapit na kami sa exit.

"Rie, harap ka sakin." Namjoon said.

"Huh? Bakit?" Tinanggal niya yung helmet sa ulo ko at sinuklay pa buhok ko.

What the hell are you doing?

Same Skies, Moonchild [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon