3

24 2 0
                                    

"Ano ba yan Unnie! Bakit hindi mo ko ininvite." Hampas ni Claire sa akin.

"Clairey, I already told you why. At uulitin ko yun ngayon. Ni hindi ko nga kilala yung mga yun. Malay ko bang sila yung pinag-uusapang bagong boy group dito sa South."

"Seryoso ka ba Unnie? Ni minsan walang nabanggit si Hyung?"

Napabuntong-hininga ako. Grabe.

Fan pala sya nung mga ayun. Grabe ulit. Sikat na agad sila.

"Ang alam ko lang, sa entertainment company nagtatrabaho si Hyung. Yun lang."

"Ibig sabihin sa Big Hit Entertainment sya nagtatrabaho! Yun ang company na nag-hahandle sa BTS Unnie!" Excited niyang sabi.

"OMO! Pwede ko kayang pakiusapan si Jerwin-hyung na ihingi ako ng autograph sa kanila?" Pagkausap niya sa sarili nya.

"Oh stop daydreaming. Have you packed your bags already? Mamaya ng 3pm ang flight natin."

Pag-remind ko habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"Kagabi pa Unnie. Excited na nga ako eh! First time kong mag-aaral outside South. Alam mo na --- new environment, new people, new experience."

"Ibang-iba ang traditions sa Philippines compared dito sa South Clairey. Baka manibago ka."

"Okay lang yun Unnie. Sa una lang yan, makaka adapt naman ako doon. Andon ka rin eh."

Ang jolly talaga ng babaeng ito. Sana ganyan rin ako. Friendly, outgoing, adventurous, tapos very optimistic ang point of view.

Nakakatakot sumaya masyado. Ang bilis mapalitan ng lungkot. Malinaw pa sakin lahat.

We could still be a complete family, if only appa didn't cheat on eomma. Masakit pa rin. Hanggang ngayon.

Nakakatakot na tuloy magmahal.

Nakakatrauma.

Paano ako magtitiwala sa iba kung yung unang lalaking akala ko hindi ako kayang lokohin, sya pang unang nagloko?

- - -


*FLASHBACK*

"Talagang pipiliin mo yung babaeng yun kesa sakin?"

Sigaw ni eomma. Nasa kwarto sila pero rinig na rinig ko dito pa lang sa may pinto.

"Jun Ho, ano bang naging problema? Pano na mga anak natin? Hindi mo man lang ba naisip si Anrie? She's just fifteen!"

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto nila na may dalang maleta si appa.

I can't believe I am witnessing what I thought only exists in movies.

"Jun Ho!" Pagtawag ulit ni eomma habang nakahawak sa bisig ni appa. Humihikbi na siya.

Appa went down the stairs and he stopped when he saw me near the door.

"Appa..." Bulong ko.

Nilapitan niya ako, niyakap.

"I'm sorry princess." Yun ang huli niyang linya sa akin bago niya kami tuluyang iniwanan.

Eomma suffered depression because of that. Hindi niya kinaya yung ginawa ni appa. He was her first and last love.

Until one day, nagulat na lang ako ng makita ko si eomma sa kisame. Lifeless. Too much love killed her.

- - -

"Unnie..." untag ni Claire sa akin.

"Unnie, are you okay? You're crying." Pagpapakitang concern niya sa akin.

I touched my face and felt the hot liquid running down from my eyes.

"Is something wrong?"

"Nothing Claire. I just --- miss eomma." She let out a sigh.

"I don't know how to comfort you Unnie. Alam ko na the scars are still there. But, I'm sure wherever auntie is, she's happy for you."

"Thank you Clairey." I hugged her.

The scars are still here. Hindi lang halata, pero andito pa rin talaga. It's been 4 years but it feels like it only happened yesterday.

P.S.: Sabaw na update 🤧

Same Skies, Moonchild [ONGOING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें