ENTRY #31

104 37 1
                                    

Pagakatapos namin kumain ng ramen hindi na ako nagtagal sa condo niya. nagsabi na ako sa kanya na magpapahatid na ako. Napagkwentuhan ulit namin 'yong siraulong nagsasarili pero sinigurado ko naman sa kanya na safe kami. may gumagala lang talagang baliw sa area namin at kahit pinapadampot na eh hindi ko maintindihan paano nakakabalik. Hindi kami dumiretso sa dorm we stop at 7/11 para mag ice cream.

"may subject ba na nahihirapan ka?"

Nakaupo kami sa upuan sa labas at magkatapat. Napatigil ako sa pagdila sa ice cream dahil sa sinabi niya. Hindi sa nahihirapan ako pero mukhang may ibabagsak akong exam.

"hindi naman, lahat naman kaya basta nag-aaral. diba nga sabi nila, walang mahirap kung pinagsisikapan." i smiled at him kahit sa loob-loob ko ay hindi ako sinabi kung naa-applly ko ba ang sinasabi ko.

"right" pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

"oh before I forgot, give me your phone" inabot naman niya iyon. nilagay ko ang number ko and saved as 'my lovely binibini' ewan ko nalang kung hindi magets ng makakita. "gagawan din kita ng social media ah"

"okay"

"here" inabot ko sa kanya after ko gumawa ng facebook.

"ngayon ko lang napansin, anong nangyari diyan?" marahan niyang hinaplos ang mukha ko. "bakit may mga sugat ka? napa-away ka ba?"

hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko. "hindi hinarot ko lang ang pusa sa may amin."

"bakit kasi pusa ang hinaharot mo nandito naman ako" makahulugan niyang sabi.

sabay kaming natawa noong pinalo ko siya sa balikat. "galit ako sa'yo bakit ba"

Magkahawak kamay kami na naglalakad papunta sa dorm. Tanaw ko ang land lady namin sa bintana niya at kunyare nagtatago noong nasa gate na kami.

"ba-bye na" sabi ko at isang halik sa pisngi niya.

"good luck sa exam" aniya at hinalikan ang likod ng palad ko.

Hinintay ko na makaliko siya at tuluyang mawala sa paningin ko bago ako humakbang papasok.

"carmela!" napatigil ako sa paghakbang dahil sa tawag ng land lady ko. " sino iyon? boyfriend mo?"

Tumango ako. "opo"

"ipapaalala ko lang sa iyo na bawal magpasok ng lalaki sa loob ah"

"syempre naman po hindi ko nalilimutan"

"mabuti kung ganon."

Mabilis akong pumasok sa loob bago niya pa mapansin ang pagsisinungaling ko.

Naabutan ko ang mga kaibigan ko na nasa kusina. May binabasa si angela, nag cell phone naman si regine at may hawak na sandok si kezia.

"alam ko na anong nangyari, bati na kayo ano?"  tinuro ako ni kezia gamit ang sandok.

"psychic ka 'no?"

"hindi, kilala lang talaga kita." Aniya at bumalik sa niluluto.

"'yong kaibigan mong di matatag at laging natitibag" si regine sabay tawa.

Napasimangot ako. "angela baka may idadagdag ka?"

"mas importante sa akin ang math kesa sa love life mo"

Lalo akong napasimangot, tinalikuran ko nalang sila pero rinig ko parin ang mga asar nila hanggang sa makapasok ako sa kwarto.

Binuklat ko ang notes ko after magbihis. Shit! Madali lang pala sana ang exam kanina kung nag review ako ng konti. Hindi pa ako matagal na nagmumukmok ng pumasok si kezia sa kwarto. Mabilis kong nilagay sa ilalim ng unan ang notebook ko.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon