ENTRY #17

408 44 5
                                    

KEZIA

"diba tapos na 'yan" sabi ni ma'am.

Nakatayo lang si carmela habang nilalaro ang kamay niya sa kaba.

"diba presentation ni cindy 'yan" sigaw noon isa sa mga alipores niya.

Tinignan ko sila ng masama.

Gumanti naman sila ng tingin.

Sinenyasan ko sila ng tila naghahamon. Subukan lang talaga ng mga talipandas na ito.

"Carmela bakit kapareha ng presentation ni cindy ang iyo?"

"h-hindi ko po alam" namumutla si carmela.

Maging kami ay hindi namin alam paanong parehas ang presentation nila.

"I think we are done here." Tumayo na si ma'am. "you have to explain to me bakit parehong-pareho kayo ng presentation.. Class dismiss."

"ma'am hindi na po ba ako magpre-present?" habol ni carmela kay ma'am na malapit na sa pinto.

"to tell you honestly isa ang presentation mo sa inaabangan ko, but I'm very disappointed na ganito ang nangyari.. pag-iisipan ko ang tungkol sa presentation mo." 'yon lang at iniwan na niya kami ng tuluyan.

Nagtayuan na ang mga classmate ko si carmela nasa harapan padin.

Ang isa namin classmate ang nag ligpit ng projector at iba pang ginamit.

"di ko akalain na gaya-gaya ka carmela." Lumapit pa talaga si cindy at ang tropa niya sa kaibigan ko.

Tila nakabawi naman si carmela at tumaray ulit ang mukha.

"nagtataka nga rin ako eh, paanong ang bobong gaya mo nag come up sa idea na iyon."

"di mo lang matanggap na talo ka." Bakas sa mukha ni cindy na nainsulto siya sa sinabi ng kaibigan ko.

"ay ate gurl? Hindi mo naman ako ininform na gusto mo pala ng competition sa'kin, sana nag effort manlang ako." Humalukipkip siya at nag taas ng kilay.

"puro ka naman salita! Hindi mo lang matanggap na hindi ka ngayon makakasama sa highest!"

"bakit may resulta na ba? ang sabi lang naman magpaliwanag ako paano nangyari 'yon wala naman siyang sinabi na hindi na ako pwede mag present. Bobo ka talaga"

Lahat kami napatili ng hindi inaasahang sabunutan niya si carmela.

Syempre, pababayaan ko ba? Syempre hindi. Sumugod din ako at hinila ang buhok niya.

Nakisali din 'yong dalawa niyang kaibigan pero sinipa ko ang isa at tumalsik, sinampal ko naman ang isa habang hindi padin binibitawan ang buhok ni cindy.

Si carmela ay hinahatak din ng isang kamay niya ang buhok ni cindy ang isa naman ay nakikipag laban ng kalmutan sa babae.

Lalapit sana ulit ang dalawang babae pero hinila ni regine ang ulo nila kaya ang ending 2 versus 1. Pero winagayway ni regine ang ulo nilang dalawa kaya napabitaw sila sa buhok nito at nagtilian nalang.

"tatawag ako ng prof. tatawag ako ng prof." nagpapanic na sabi ni angela.

"WAG MO MASUBUKAN TUMAWAG NG PROF!" sigaw ko sa kanya at di naman siya nakakilos at nakatanaw lang samin.

Kami nalang ang nasa room kaya walang naawat.

"tangina bitaw!" sabi ko kay cindy na sige padin ang paghila sa ulo ni carmela, ganoon din ang isa.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon