ENTRY #50

97 31 0
                                    

"hello"

"si zander?"

"naliligo" walang gana kong sagot

"anong ginawa niyo?"

"none of your business"

"tumupad ka sa usapan carmela." bakas sa boses niya ang pagdududa.

"hindi ako gaya mo, may isang salita ako."

narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya naman mabilis kong tinapos ang tawag at binalik ang cell phone kung saan ito naka-pwesto kanina.

tama. ang lahat ng ito ay isang palabas. bago palang kami pumunta ng baguio sinabihan ko na ang ate ni zander sa plano ko. alam ko na magmamatigas si zander kaya naman ako mismo ang maghahatid sa kanya sa kanila. palayo sa akin.

inayos na ng ate niya ang lahat ng kailangan sa pag-alis niya bukas at siya nalang talaga ang kulang. kaya naman kailangan namin agad bumalik para sa flight niya. si jenica ang huli kong kausap tungkol sa bagay na ito hindi ko man gusto na kasama siya pero sa kabilang banda nagkasundo kami na kailangan ni zander ayusin ang buhay niya dahil umaasa sa kanya ang lahat sa hospital na iyon.

maging ako naman ay kailangan ko ayusin ang buhay ko dahil umaasa ang pamilya ko sa akin.

"sa labas ako matutulog."

"no! dito na"

nakangiti siyang umiiling " alam ikaw--"

"i want to spend this night with you walang kahit ano gusto lang kitang makayakap buong gabi at makasama sa bawat sandali."

mukhang kumbinsido naman siya sa sinabi ko. hindi ako makapaniwala na parang ako pa ang nagpupumilit pero ayos lang dahil baka ito na ang huli ayuko man isipin pero tanggap ko na, na sa ngayon hindi siya para sa akin.

pagkahiga namin ay niyakap ko agad siya at hindi na nagsalita pa. walang namagitan na usap sa amin hanggang sa narinig ko na ang malalim niyang paghinga. nakatulog na siya. dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakapalibot sa akin.

umupo ako at tumunghay sa kanya.

"pasensya ka na ha, kung hindi ko kayang ilaban ka ngayon. alam mo ba, ang dami kong iniisip. nagsunod-sunod ang kamalasan sa buhay ko. parang sasabog na nga itong utak ko e. " hinaplos ko ang buhok niya. para akong siraulong ngumingiti pero namumugto ang mata. "nakangiti lang ako pero deep inside i'm really struggling."

"kailangan mo rin naman gawin ang responsibility mo sa daddy mo at sa pamilya mo. sabi ng ate mo matagal nang nakaplano ang pag-alis mo pero ngayon biglang nagbago ang isip mo. narealized ko noon nakipag break ako sa'yo hindi pala buo ang loob ko noon. may pagsisisi ako kasi namimiss parin kita eh. tsaka ang nasa isip ko rin magkikita pa naman tayo pero ngayon"

nagsimula nang tumulo ang luha ko na mabilis kong pinahid dahil baka tuluyan iyong mahulog sa mukha niya at magising siya.

"ngayon naisip ko na baka hindi na tayo magkita at hindi na kita makasama ang sakit pala. ang sakit kapag kailangan mong pumili sa parehong gusto mo na kailangan mo alamin kung ano ba dapat ang laban na uunahin mo."

pinakalma ko ng konti ang sarili ko dahil hindi na ako makahinga mula sa pag-iyak.

"sana maintindihan mo ako. gagawin ko ito para hindi tayo mas mawasak pa, hindi natin pwede ilaban ang isang bagay na hindi tayo buo baka hindi maganda ang kalabasan. hihilingin ko nalang siguro na sa dami ng pagdadaanan natin magkikita parin tayo sa dulo."

tumingala ako, hoping na sana tumigil ang pagtulo ng luha ko pero masagana parin silang umaagos. gusto kong sumigaw, gusto kong isisi sa mundo ang lahat ng sakit pero ano pa ba ang magagawa ko? 

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon