5: Doing a lot of things to forget the past

13 0 0
                                        

Saturday.

After my volunteer at the hospital, I got a call from Eric and we decided to have a light dinner in a nearby restaurant.


"Cee, are you sure about this?" Eric looked so worried. "May trabaho ka na on weekdays, volunteer works every Saturday, and now you're accepting gigs every Sunday? Anong plano mo?" 


"Hehe. I know why you're worried pero okay lang ako, Eric. Mas mabuti na yung busy ako kesa nasa bahay lang at kung anu-ano na naman ang maiisip ko. Mahirap na." 


"Hindi mo pa rin ba makalimutan yung panaginip mo?" 

"It's fading away." I don't want to, but I have to forget about it and live at the moment. It's painful but I have to accept it.


Eric sighed and placed his arm on my shoulders. "Okay lang yan, girl. Nandito lang kami. Tandaan mo yan." 

He said and I just smiled at him. "Thanks ah." 

"No problem. Siya nga pala, do you need someone to drive you on Sundays?" 

"Oh? Ihahatid mo ko?"

"Haha, duh. Nakita mo bang may sasakyan ako? Si Jeremy meron." 

"Ha? Huwag na."

"Akala ko ba okay na kayo?"

I nodded. "Yeah...kinda...pero alam ba niya ang sinasabi mo?"

"Hahaha! Kung alam mo lang. Siya tong may balak na ihatid sundo ka. Na-guilty siguro sa mga kasalanang nagawa sayo."

"Oh? Eh bakit ikaw ang nagsasabi sakin nito?"

"Busy yung engineer nating kaibigan."

"Ha. Sana all." 


-----------


Sunday.


"Uy, ate. Yung sundo mo nasa labas na." Here comes Ivan with his teasing grin.

"Nanliligaw ba yan sa'yo, Cee?" Seryosong tanong ni Papa.

I laughed at his question. "Magkaibigan lang po kami niyan. Bumabawi lang sa nagawa niya sakin dati." 

"Kung si Jay yan, paniniwalaan kita."

"Jay? Sino yun?" I asked. Mayroon pa ba akong mga taong nakalimutan?

"Nakalimutan mo na si Jay?" My mom said as she placed a bowl of soup on the table. "Playmate mo yun dati. At kapit bahay din natin. Pumunta siya dito last week, di ka ba niya kinausap?" 

"Ha? Parang wala naman akong nakausap last week. Hay, di bale na. Ma-le-late na ako eh. Sige po. Bye!"

"Bye, Cee! Text mo kami kung pauwi ka na." 

"Okay po." 


I went out and saw Jeremy patiently waiting outside his black pick-up car.


"Ay, iba nga naman talaga ang nakakaluwag na sa buhay. Ganda ng sasakyan ah." 

"Ha. Hanggang ngayon talaga hindi ko pa rin alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi mo o hindi?" 

"Ako nga rin hindi makapaniwala na nagawa mo akong hintayin ng ganito katagal." 

"Wala na ba talaga akong karapatang magbago?" 

Diary of an Introvert 2Where stories live. Discover now