"Wow. Good mood ka ba ngayon?" asar ko sa kaniya

Naging okay din kami ni Kuya matapos kong pormal na ipakilala si Aki sa bahay nila Dad. Hinihintay niya lang palang mag effort ako para pansinin niya.

"Rinding-rindi na ako sa boses ng babaeng 'yon! Wala nga siya dito sa pinas pero grabi kung makatawag sa akin. At kung tatanungin mo ako kung good mood ako, well slight lang"

Natatawa ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng kaganapan sa buhay niya. His a damn bachelor and single, parang naipamana ko nga yung ugali ko noon sa kaniya. Kung noon ako yung harot dito harot doon, ngayon ay siya naman.

"Finally! Dumating ka din!" singhal ni Erica

"What?" angal ko

"Alam mo boss, kanina pa nangungulit itong si Mr. Sy at Mr. Chua"

"Tell them, shut the fuck up!"

Padabog akong pumasok sa loob ng opisina ko. What should I do? Ayokong umalis, it's a big opportunity for me. But how about Aki?

Sobrang naguguluhan ako, at ang tanging nagawa ko lang ay pumirma ng mga documents, magbasa ng reports, mag lunch ng five minutes, at magtrabaho ulit.

Pumasok si Erica na bitbit ang isang brown envelope.

"What's that?"

"Proposal nga para sa project sa US"

Here we go again. Binasa ko 'yon lahat, malaking project ang gagawin doon. Magpapatayo ng tech company malapit sa New York, at Atlanta. Na assign na si Kuya sa Atlanta, at gusto nilang ako ang mag asikaso sa New York. Mas malaki ang gagawin sa New York, sa Atlanta kasi ay tapos na kaya naman pabalik balik lang doon si Kuya pag may time siya.

"Alam kong gusto mong kunin yan boss"

"Sino ba namang hindi? Look, it's one of the big project of our company. Kaya lang—"

"Kaya lang natatakot kang magalit si Aki sayo—Boss, hindi naman sa bad influence ako ah. Pero kasi mas mabibigyan mo ng magandang image ang company pag ikaw ang nag asikaso niyan"

"I know, what should I do then?"

"Give her assurance na babalik ka"

"W-What do you mean?" takang tanong ko

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin boss. Hindi na kayo pabata, oo nga't bente singko ka palang at bente kwatro palang siya, pero kaya niyo naman ng buo ng pamilya"

Nagulat ako sa sinabi niya. Yes, I'm planning to get married as soon as possible but how about her? Is she ready? Baka mas gusto pa niyang enjoyin ang buhay na mayroon siya ngayon.

"Do you think it's fine?"

"Oo naman! Mahal ka naman niya. Atleast doon mapapanatag siyang uuwian mo siya"

Ilang oras ko ding pinag isipan ang sinabi ni Erica bago tawagan si John, Drew, Carlos at Dylan.

"What's with the fuss?" tanong ni Drew

"Yeah. Ano bang meron? Nagpaalam pa ako sa misis ko para dito" si John

Two weeks na ding kasal si John kay Betty, beach wedding ang sistema nila at syempre invited kami.

"Sus! Ang sabihin mo naudlot ang chukchakan niyo ng asawa mo" biro ni Dylan

"Chukchakan your face! Palibhasa hindi ka makamove on sa ex mo"

"Hoy! Pasmado ka ah!"

"Stop it already" seryosong awat ni Carlos

Kung tatanungin kung sino ang talagang nag mature sa aming lahat, si Carlos 'yon. Dati puro salitang kalye ang sinasabi niya, pero ngayon madalang nalang. Palabiro pa din naman pero hindi tulad ni Dylan na ubod ng kagaguhan sa katawan.

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon