Ang islang inaagaw ng kalahi niyang mga Tsino sa mga Pilipino. Ano naman ang konek niyon sa kaniya? Lagi na lamang siyang binabara ni Lyka gamit lamang iyon.

"Iyan ka na naman. Kung wala ka ng ibang sasabihin, ibaba ko na ito." Aniya.

"Wait lang! Eto naman, hindi mabiro. Eto na, sasabihin ko na!" Tumikhim muna ito bago sabihin ang sasabihin muli. "So, nakwento sa akin ni Denice na nakwent---"

"Hello bee! How are you na diyan in Bohol?" Biglang pagsingit ni Denice dahilan para maputol ang sasabihin ni Lyka.

"Doon ka nga Denice! Naguusap kami ng tsinang eto e. Epal ka!" Narinig niyang ani ni Lyka sa kabilang linya.

"Bee! Eto na naman si Lyka! She's inaaway me again! Uwi ka na here! Lyka always sigaw-sigaw at me this pas--"

"Manahimik na nga Denice! Naguu--"

"Why? Me naman ang first na nagtsismis to her niyan ah! Kaya--"

"Hanapin mo ang paki ko."

Napahilot na lamang si Honey sa sintido dahil nagbabangayan na naman ang dalawa niyang kaibigan. Nagsalita na siya dahilan para matigil ang dalawa.

"Ano ba? Kung nagaaway lang kayo. Ibaba ko na ito." Naiinis niyang sabi.

"No bee!"

"Tsina!"

Sabay na sigaw ng dalawa sa kaniya.

"Magsal--"

"About kay boss kasi--"

"About kanino? Kay b-boss?" Gulat niyang tanong. Nang magtama ang mata nila ng binata ay madilim ang mukha nito na ikinataka niya.

"Oo bee! About kay boss! Kasi--"

"Let's go." Hindi na naintindihan ni Honey ang sumunod na sinabi ni Denice dahil sa pagsalita ni Kairus.

"Saglit lan--"

"Let's go." Matigas na ani nito at kinuha ang cellphone niya upang patayin ang tawag.

Hindi na siya umangal dahil gumagalaw ang panga ng binata hudyat na galit ito. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam si Honey ng takot sa itsura ng binata kaya hindi na siya umangal.

Nang bumukas ang elevator ay hinila na siya nito. Gano'n na lamang ang pagtataka niya ng makitang walang pinagbago sa rooftop. Naroon pa rin ang table na ginamit nila kagabi pati rin ng kama at ang malaking box sa gilid na may pinto na hindi niya pa nakikita kung ano ang nasa loob niyon.

Dumiretso sila sa malaking box at binuksan iyon ng binata. When the door opened that was the time she knew that she was wrong. It wasn't just a simple box.

It only had a few things inside the big box but she knew, that was all expensive. Napadako ang tingin niya sa isang bintana kung saan nakatayo malapit doon ang isang napakalaking telescope. Buong paghangang lumapit siya roon.

"Whoa! Ang ganda." Aniya at hinihimas ang malaking telescope. Napatingin siya sa binata. "Gumagana ba ito?" Tanong niya rito

"Well, try it." He said and shrugged nonchalantly.

She tried but she don't know how to use, so Kairus help her. When its totally fixed up she look on it, and there, she saw a beautiful star that twinkling and shining in the dark sky. It was a satisfying moment to see every star in an inch away using a telescope.

Umalis siya roon at kinuha ang kamera niya sa leeg at sinimulang ang nakagawiang kapag may nakikitang magagandang tanawin ay kaniyang kukuhanan ng litrato. Nang matapos siya ay tumingin siya muli roon.

"Ang ganda." Buong paghanga niyang ani habang nakasilip pa rin ang mata roon.

"Oo nga, napakaganda." Napatingin siya sa binata sa biglaang pagsasalita nito. Nahuli niya itong nakatitig sa kaniya dahilan para mamula ang pisngi niya.

"Alam ko na iyon, don't menti--"

"I like you."

Nanigas ang buong katawan niya sa sinabi ng binata. Para siyang binuhasan ng malamig na tubig sa gulat. Sa kabila ng mga nararamdamang gulat. Naramdaman niya rin ang namumuong kiliti sa kaniyang tiyan. Tatlong kataga lamang ngunit naghatid ng kakaibang bilis ng tibok sa kaniyang puso.

Anong sabi niya? Hindi ba siya nagbibiro?

"I like you" paguulit nito kaya napakagat labi na lamang siya.

"Hey, stop kidding ar--"

"I'm not kidding Honey, I'm serious." Nanigas lalo ang katawan niya ng tawagin siya mismo nito sa pangalan niya tanda na seryoso nga ito.

Dahan dahan niya itong tiningala at doon niya nakita ang napakaseryoso nitong mukha at ang mata nitong samu't sari na emosyon ang makikita.

"Pero--"

"I know you don't like me too. But I'm dead serious when I said I like you." Bahagya itong natawa at nagiwas ng tingin sa kaniya upang takpan ang sakit na dumaan sa mata nito na hindi nakalagpas sa paningin niya. "Bakit ko ba ito sinasabi? Alam ko naman ang isasagot mo. I'm sorry. Iyan ang sasabihin mo dahil hindi mo ako gusto. I just confessed my feelings towards you, kasi hindi ko na kaya kimkimin iyon. I like you even though we just met each other. I like you even though you don't like me--"

Hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita sa halip ay ipinagdikit niya ang mga labi nila. Ayaw niya marinig ang mga maling sinasabi nito. Nagkakamali ito. Dahil ang totoo, gusto niya rin ito. Bumitaw siya sa halik at pinakatitigan ang binata ng matiim.

"I like you too."

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Where stories live. Discover now