Chapter 01

1.9K 60 1
                                    

"THIS IS your last chance Ms.Lao! If you failed again, well, I'm sorry but i need to fire you." sigaw ng boss ni Honey sa kaniya.

"Copy that, Boss." ani niya kahit gusto na niyang irapan ng mga oras na iyon ang boss. Tumalikod na siya para maglakad pabalik sa department niya.

"Tsk. Such an embarrassment." Narinig niyang bulong ng boss niya bago siya maka-labas.

Nang maka-labas si Honey sa opisina ng boss ay napabuntong-hininga na lamang siya. Ito na ang huli niyang pagkaka-taon, kung hindi niya pa aayusin ay mawawalan siya ng trabaho.

"Bwisit na lalaki 'yon! Magaling naman ako ah. Magaling ako!" sigaw niya sa sarili.

"Nababaliw ka na naman." muntik na siyang mapatalon sa boses ni Lyka na kaibigan niya.

"Nakakagulat ka naman! Ang sakit ng puso ko sa'yo." sigaw niya sa kaibigan.

"Gulat ka sa kagandahan ko gano'n? OA mo, bangasan kita d'yan e."

"Tsk." ani niya at inirapan ito.

"Bakit badtrip ka? An'yare?" tanong nito.

"Bwisit kasi 'yong boss mo. Akala mo naman kung sinong kagwapuhan." naiinis na saad ni Honey.

"Wow! Boss ko lang? Tsk."

"Hindi ko naman itinuring na boss ang Mr. Garciano na 'yon. Nakakabadtrip siya, promise. Magaling naman akong photographer e. Siya lang ang hindi nakaka-appreciate sa'kin!" reklamo niya sa kaibigan.

"Bes, alam mo kasi. Si Mr. Garciano, crush ka no'n. Kaya nagpapapansin." bulong ni Lyka sa kan'ya.

"Ayan ka na naman sa mga tsismis mo. Lumayas ka nga sa tabi ko! Naiistress ako sa'yo!" pagtataboy niya rito.

"Hoy, Honey!Ikaw ang lumayas. Bansa ko 'to. Pilipinas 'to. Ikaw, Chinese ka! Kaya lumayas ka rito. Hindi ka welcome dito, ninanakaw ng mga kalahi mo ang West Philippines Sea namin! Kaya bumalik ka roon sa China." naiinis na inirapan ni Honey ang kaibigan.

Lagi na lamang nitong sinasali sa usapan ang pagiging tsina niya. Naiinis na lamang siya dahil wala siyang maibato rito pabalik. Naiinis pa naman siya kapag may wala siyang naibabatong pang-asar sa kaasaran, ayaw niya ang natatalo siya.

Dumiretso si Honey sa Department nila para magligpit ng gamit dahil aalis rin siya ngayong araw na ito. Pupunta siya sa isang lugar, na magiging solusyon niya para hindi siya mawalan ng trabaho.

"Hoy! Where ang go natin?" anang isa niyang kaibigan na si Denice.

"Saan pa ba? Edi, lilibutin ang buong mundo." aniya na hindi ito tinitignan.

"Hoy, Sama me! Sama me!" pangungulit nito.

"Pwede ka naman sumama, pero pagbalik ko rito at nabigo ko na naman ang boss niyo, sigurado ako na tatanggalan na ako ng trabaho, at dahil kasama kita, kasama rin kitang mawawalan ng trabaho. Ano? Sasama ka pa?" pananakot niya rito.

"On my second thought, i rather stay here and relax. Am i right?" napailing na lamang siya sa kaibigan.

Nang matapos siyang magayos ay nag-book na siya nang flight online at sumakay sa kotse niya.

Haist.. Another list on my book of life.

"Malilibot ko na 'ata ang buong mundo."


"BABE, CAN you pick me up here in Bohol? My car kasi, nasiraan. Then sobrang little lang ang dumadaang cars dito kaya walang maka-help sa'kin." anang boses ng nobya ni Kairus sa kabilang linya.

"Okay, I'll send Hans the--"

"Why Hans? I want you, babe. Are you busy na naman?" maarti nitong saad.

"I'm busy right now, babe. Can't pick you up this ti---"

"Let's fucking break up then!" ani nito at pinatayan siya ng tawag.

Napahilot na lamang sa sintido si Kairus, bago tumayo para lumabas ng opisina. He have lot of works on his plate right now, but his girlfriend doesn't understand his fucking situation!

Ano pa ba ang magagawa niya? Edi ang sunduin ang nobya. Kahit sabihin nitong hiwalay na sila, alam niyang kapag pinuntahan niya ito ngayon at nagkita sila ay sila na naman ulit.

"Ah! Fuck this life!"

NAKARATING NA si Honey sa Bohol, ilang oras din ang naging biyahe niya kaya napagod talaga siya. Nagpahinga na siya kanina at ngayon ay lalabas siya para simulan ang pagkuha ng litrato.

Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant dito sa Bohol kung saan kitang kita niya ang ganda na tanawin ng Chocolate Hills. Maganda ito ngayon, dahil dry season kaya nababalutan ito ng berdeng damo. Siguro kung tag-ulan siya pumunta roon ay maabutan niya ang pag-kulay tsokolate nito.

Habang hinihintay niya ang order niya ay may umupong lalaki sa 'di kalayuan mula sa kinauupuan niya. Gusto niya alisin ang tingin sa lalaki ngunit hindi niya magawa.

The man looks like adonis to her eyes. His pointed nose, stubborn jawline and those pinkish lips. She bet, he have those delicious lips.

Napailing na lamang siya sa naisip. Aalisin na sana niya ang tingin sa lalaki nang makita niyang hinilot nito ang sintido na para ba'ng problemadong-problemado ito.

His eyebrows met and his forehead knotted but still, he had these adonis look.

Hindi namalayan ni Honey na pinwesto na pala niya ang camera niya para kunan ang lalaki. Kuha lamang siya nang kuha at ng matapos siya ay tinignan niya iyon lahat.

Maganda ang pagkakakuha niya dahil kita ang mukha nito at nasa gilid nito ang chocolate hills.

Aesthetic. That's how she define the picture. Aesthetic.

Habang tinitignan niya ang mga larawan ay may nakasuot na malapad na ngiti sa labi niya.

"Ang pogi niya naman." wala sa sariling sambit niya.

Nang ilipat niya sa huling larawan ay muntik niya ng mabitawan ang camera niya dahil nakatingin ito sa kan'ya! Nakitingin ito sa camera niya!

Napa-angat siya ng upang tignan muli ang gawi nito ngunit isa yata'ng pagkakamali ang ginawa niya. Dahil nakikita na niya ito sa harap niya ngayon.

"I really hate it, when someone taking a picture of mine. It boils my blood."

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Where stories live. Discover now