Chapter 10

951 39 6
                                    

GUSTONG MATAWA ni Kairus dahil sa naging reaksyon ng dalaga. Nabuga pa nga nito ang iniinom na juice sa gulat.

"A-ano?" the woman asked. Sinagot naman niya ito habang inaabutan ng tissue.

"I want you to take a photo of mine, naked." simple niyang sagot.

Kita niya kung papaano umawang ang mga labi nito sa gulat.

"I-ikaw ba, alam mo ba ang s-sinasabi mo?" utal nitong tanong.

Gusto man niyang matawa ay pinigilan niya ang kaniyang sarili.

"Yes. I know what I'm saying. I want you to take a photo of mine nak--"

"Hush! Ang ingay mo! Oo, alam ko na. Wag mo na ulitin!" anito at pinanandilatan siya ng dalawa nitong mata.

"Why? Anong masama sa nakahub--"

"Nagaadik ka ba?" inis nitong tanong sa kaniya. Hindi na niya napigilan ang sariling tawa. Humagalapak siya ng tawa dahilan para tignan siya ng masama ng dalaga.

Ikinalma niya muna ang sarili bago nagsalita muli.

"If you were talking about drugs. Well, I'm not. Pero ang kagwapuhan ko, kapag nakita mo, sadya namang nakaka-adik talaga." aniya at hinimas himas pa ang kaniyang baba.

Chinese girl scoffed.

"Kagaguhan ka'mo." anito at inirapan siya. "Bakit mo ba ako kinuha, ha? Kung iyan ang ipapagawa mo sa'kin mabuti pang umalis na ako at hindi ko tatanggapin ang trabahong binibigay mo sa'kin." Naiinis na anito sa kaniya.

"You can't leave like that." Nangungutya niyang ani.

"At bakit naman? I have my right to choose who or whom i wil--"

"Ang pangit ng ugali mo." Aniya rito dahilan para samaan siya ng tingin ng dalaga.

"Anong sabi mo?" Anito at pinasingkit ang singkit nitong mata. "Anong sabi mo? Paki ulit ng--"

"Ang sabi ko, ang pangit ng ugali mo." Paguulit niya. "Nang dahil sa picture ko hindi ka nawalan ng trabaho. You should thank me for that." Dagdag niya pa.

"A-ano?"

"You stole a picture of mine, right? Iyon ang picture na pinasa mo kay Paul, at ng makita niya iyon nagulat siya, because he knew that i hate taking a picture by someone. Because of that 'miracle' hindi ka niya tinanggalan ng trabaho, at dahil iyon sa akin at sa picture ko." Paliwanag niya sa dalaga na ngayon ay naka-awang na ang labi sa gulat. "You should thank me." Dagdag niya.

"G-gano'n ba?" Utal nitong ani. "Edi, thank you." Pabulong lamang iyon pero narinig niya.

"I won't take your thank you." Aniya rito.

"At bakit?"

"Tatangapin ko lang 'yan kapag pinicturan mo na ak--"

"Ayo'ko nga! Bahala ka diyan! Aalis na ak--"

"Okay, okay. I'm was just kidding! Nagbibiro lang ako. I don't want to be taken a naked picture too. Baka rape-in mo pa ako. O di kaya, ibenta mo ang pictur--"

"Hoy! Hindi ako gano'ng tao ah!" putol nito sa sinasabi niya.

"Tsk. Defensive much." aniya.

Tumayo siya at tinignan ang dalaga.

"Come to my office tomorrow. Let's talk about the photography on my office." aniya at naglakad paalis pero agad din huminto ng sumigaw ang dalaga.

"Pinapunta mo pa ako rito! Hindi naman pala tayo maguusap! Gago ka talaga!" sigaw nito na ikinalingon ng mga tao.

Hinarap niya ang dalaga.

"Ano pala ang ginawa natin?"tanong niya rito.

"Nag-usap." she said that make him smirked.

"Stupid answer." aniya rito dahilan para tignan siya nito ng masama.

"Gago!"

"Gwapo." aniya at tinalikuran ang dalaga.

"Gago talaga ang lalaking iyon. Papupuntahin ako rito, wala naman kaming pinagusapan." narinig niyang bulong nito bago siya tuluyang makalayo.

Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit niya tinawagan ang dalaga, at ginawang alibi ang pagiging personal photographer nito sa kaniya. Gusto niya lamang itong makita ngayong araw.

Ah! This is bad!





"Ang early mo 'ata bee? Is your meeting with your bagong kleyente is done? Balita ko handsome daw si guy." iyon kaagad ang bungad ni Denice ng makapasok siya.

"Handsome nga, 'handsama' naman ng ugali. Ang hangin pa, buti nga hindi ako tinangay." aniya at tuloy-tuloy na pumasok hanggang sala nila kung saan naroon si Lyka at nanunood ng pelikula sa netflix.

"Napa'no ka riyan? Mukha ngang ikaw pa ang masama ang mukha. Tignan mo ang itsura mo, lukot na lukot." pansin ni Lyka sa kaniya.

"Oo nga bee, bakit? Kwento naman you, about your handsome kleyente." ani Denice na kagagaling lamang ng kusina at may dalang plato na naglalaman ng hiniwa nito'ng mansanas.

"Ayaw kong magkwento." aniya at itinuon ang tingin sa T.V

"Si bee naman! Ang selfish!" Denice said and jump next to her seat.

"Bakit ba kayo narito? Dapat ay nasa trabaho kayo ngayon." aniya upang ilihis ang usapan.

"Mamaya pa ang trabaho namin. Maaga pa." si Lyka ang sumagot sa kaniyang tanong.

"Uy! Si bee, chini-change ang topic. Why ba kasi? What happened? I'm ready to listen." anito at lumapit pa sa kinauupuan niya.

Tumayo siya at naglakad paalis ng sala, pero bago iyon ay kinuha niya muna ang hawak na piggan ni Denice.

"Ayaw ko ngang magkwento." iyon lang ang sinabi niya at tumakbo na papunta sa kaniyang k'warto.

"Hey! Bee, yung apple ko!" narinig niya sigaw ni Denice pero hindi siya lumingon.

Nang makapasok siya sa kaniya'ng k'warto ay inilapag niya sa bedside table ang pinggan na dala at mabagsak na humiga sa kaniyang kama.

Tumunog ang kaniyang telepono na nasa bulsa niya kaya kinuha niya iyon. She saw an unregistered ID caller. Even she's hesitant to answer, she still pick it up.

"Hello? Honey spe--"

"Chinese girl." a familiar baritone voice came out to her phone.

"Mr. Camera hater." aniya sa kabilang linya.

"Yeah, it's me."

"Paano mo nalaman ang number ko? Stalker ka na pala ngayon." aniya rito.

"Kung stalker ako, ikaw, assuming. Paul gave me your Personal Data Sheet. I'm your client after all. Am i still a stalker to you?" Napairap siya sa hangin sa sinabi nito.

"Anong kaliangan mo?" aniya rito habang tumatayo at kumukha nang apple na nasa bedside table.

"Ayoko na pala bukas. Come to my office later, eight o'clock in the evening sharp." anito ay bigla na lamang siyang binabaan ng tawag dahilan para mapakunot ang noo niya.

Anong problema no'n?

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Where stories live. Discover now