Chapter 21

829 36 33
                                    


"EAT THIS" lihim na napangiti si Honey sa ginawa ng binata. He put a piece of beef on her plate. Just a simple gesture of him, it makes her stomach tingle.

"Bakit naisipan mo 'atang ilabas ako sa dinner? Ang gara naman nito para sa isang dinner. Puputok 'ata ang pitaka ko kapag nalaman ko ang presyo na binayad at ginastos mo rito at sa mga crew na nagayos."

"Dinner? This is just a simple dinner for you?" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya napataas ang kilay niya.

"Bakit? Anong gusto mong sabihin ko? Date, gano'n." Ani niya rito.

"Because that's supposed to be." Napa-awang ang bibig niya sa tinuran nito.

"D-date ito?" Utal na tanong niya.

"Yeah." Anito at madramang humawak sa puso. "Ouch! This is just a simple dinner for you, but for me? It's a date. You hurt me, baby." Natawa siya sa kadramahan ng binata.

"What can I do for my baby to make him feel better?" malambing niyang ani rito upang sakyan ang kadramahan nito.

Ngumiti naman ito sa kaniya ng malapad bago inumang ang kapirasong beef sa bibig niya. Agad naman niyang binuka ang bibig upang isubo ang beef na isinusubo nito sa kaniya.

"How about making love with you until you pass out?" Namula ang pisngi niya sa sinabi nito.

"Ikaw ah! Lume-level up ka. Dati sex and fuck lang ang tawag natin sa ginagawa natin tapos ngayon, making love na. Ano na ang sunod?" Hindi siya makatingin sa mga mata nito ng sabihin niya iyon.

"Well, baka sa simbahan na." Nanlalaking matang napatinign siya sa binata.

"A-ano?"

"Kidding." Naiinis na binato niya ito ng handkerchief na nasa lamesa.

"Kumain ka na nga diyan!" Naiinis na itinuon niya ang atensyon sa kinakain.

"About what you've said earlier." Napatingin siya rito ng magsalita itong muli. "I paid no one to make this rooftop." Napataas ang kilay niya sa sinambit ng binata.

"E ano? Libre lang? Ang ganda naman nito kung libre lang. Mukhang mahal pa ang mga ginamit." Buong paghanga niyang sambit habang inililibot ang tingin sa gilid gilid ng rooftop.

"I paid no one because I made this all by myself." Nabalik ang tingin niya sa binata ng sambitin niyo iyon.

"H-huh?"

"I said, I made this all." Paguulit nito.

"I-ikaw? Pa-pa'n--"

"This is our first date, it should be memorable, and when I said memorable, I should put a lot of effort on it." Napangiti siya sa sinambit ng binata. Ngiting puro, walang halong kalokohan o ano.

"Ang s'werte siguro ng magiging girlfriend mo 'no?" Wala sa sariling aniya.

If ever you will be having your true girlfriend, I will surely envy her.

"So, sinasabi mong s'werte ka gano'n?" Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.

"One week lang naman ang relasyon natin at ang tinutukoy ko ay ang magiging totoo mong girlfriend." Diniinan niya talaga ang salitang totoo sa kaniyang sinabi.

"Edi mag-extend tayo." Anito na isiniwalang bahala ang huli niyang sinabi.

"Gago!"

"Gwapo."

Naiiling na kumain na siyang muli. Nagkwentuhan pa sila at syempre naroon ang asaran at kulitan. Hanggang sa matapos sila at ng mahimasmasan ang kanilang tiyan ay inaya siya ng binata na humiga sa kama na nasa kabilang gilid.

"Dito tayo matutulog?" Tanong niya ng makahiga siya sa kama.

"Gusto mo ba?" Balik tanong nito habang humihiga sa tabi niya.

Inayos nito ang ulo niya at ipinatong sa braso nito. Ang pwesto nila ngayon ay ginagawa niyang unan ang braso ng binata habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa tiyan niya.

Romantic. That's how she define their position right now. Romantic.

"Dito nalang. Mukhang masarap naman matulog dito e." Aniya habang nasa langit ang tingin.

Walang harang na anuman ang itaas ng kama kaya malaya siyang mapagmasdan ang madilim na kalangitan.

"Really? Masarap matulog dito o masarap ang katabi mong matulog?" Natawa siya sa sinabi nito.

"Gago!"

"G'wapo."naiiling na lamang siya sa sinambit ng binata at tumingin na lamang muli sa kalangitan.

Agad lumukot ang mukha niya ng may ala-alang pumasok sa isip niya. Tinaggal niya ang pagkakayakap nito sa kanita at tinalikuran ang binata.

"What the... What is your problem, baby?" Tanong nito at sinubukan siyang yakapin muli mula sa likod ng tabigin niya ang kamay nito. "What the fuck?" Napaigtad ang tainga niya sa pagmumura nito.

"Minumura mo ako?!" Sigaw niya rito at hinarap ang binata.

"No, I'm just asking, what is the problem? Why  are you acting like that ag--"

"Sinabihan mo ako ng pangit kanina! Sabi mo pangit man ako sa harap kamera at sa mga tao, para sa'yo pangit pa din ako! Kaya galit ak--" napatigil siya sa pagsasalita ng ilapat nito ang labi nito sa labi niya. Agad din naman itong humiwalay.

"Oo, totoo ang sinabi kong mas gugustuhin ko na pangit ka na lang sa paningin nila para wala na akong kaagaw sa'yo." Bahagya itong huminto at hinawakan ang baba niya. "Nagsinungaling ako dahil sinabi kong pangit ka pero hindi, gusto ko lang isiksik sa utak mo na pangit ka para hindi ka na lumandi sa iba." Napaingos siya sa sinabi nito upang itago ang kilig na naramdaman.

"Ganyan-ganyan ka pa, one week lang naman tayo."

"I-extend kasi natin." Natawa siyang muli sa kakulitan nito.

"Gago!"

"G'wapo."sasagot pa sana siya ng may makita siya sa kalangitan.

"May falling star! Mag-wish tayo!" hindi niya hinintay ang sagot nito sa halip ay pumikit siya at humiling.

Sana mahanap ko na ang lalaking para sa akin at kung pwede, itong lalaking katabi ko nalang.

Napahagikhik siya sa malanding hiling niya.

Nagmulat siya ng tingin at tinignan ang katabi. Nahuli niya itong nakatitig sa kaniya.

"Ano ang hiniling mo?" Tanong niya rito.

"Ikaw muna." Napalabi siya sa sinabi nito.

"Ako ang unang nagtanong kaya ikaw ang unang sasagot."

"Ikaw muna." Napairap siya sa sinabi nito ulit.

"Bahala ka nga diyan." Aniya at tinalikuran ang binata. Naramdaman niya ang pagkakayakap nito sa kaniya mula sa likuran.

"Goodnight, baby."

"Good night din."

Ang rupok mo self.

----------------GimmieFries-----------------

A/N: Keep safe from the virus darlings! Always remember, Prevention is better than cure!

Thank you and have a good day:))

Captured Hearts (On-going)Where stories live. Discover now