Nakapameywang naman si Kelsy.

"Sino ka?" tumaas pa kilay niya.

Abnoy, kanina mang-iyak ngiyak lang ngayong parang walang nangyari uh!

Inirapan ni Supremo si Kelsy kaya tinaasan siya nito ng kilay.

"I have to go." paalam niya.

Mabilis itong lumabas kaya napatakbo ako para hawakan ang pulsuhan niya.

Huminto ito pero hindi ako hinarap.

Napataas tuloy ang balahibo ko, parang umurong ang dila ko, shit.

"I just want to say...uh....t-thank you." nilingon niya ako. "Your welcome." nabitawan ko ang pulsuhan niya at natulala.

Para akong naistatwa na nakatingin sakanyang bulto na papalayo.

Nang biglang....

"Huy!" Napatalon ako sabay hawak sa dibdib ko.

"Ano ba?! Nakakagulat ka!" nakita ko ang panunuksong tingin ni Kelsy.

"What?" I raise my brow.

"Sino 'yon?" inirapan ko siya at pumasok sa loob.

Nang sundutin niya tagiliran ko. "Sino nga 'yon?!" ugh nakakairita.

"Si Supremo!" sigaw ko kaya nagsitinginan 'yong dalawa sa'min.

"Luh? Siya 'yon? Ampogi" napasapo ako sa noo.

"Sana ayos ka lang, naka mask nga cdi ba? ampogi..." nag make face ako. "Nyenyenye mas pogi ako."

"Kj." nginisian ko lang siya.

Narinig ko ang pagdaing ni Troy, ginagamot siya ni Theo sa muka, kaya mabilis ko siyang nilapitan sa sofa. May malay ma siya.

"Bobo, ikaw kaya lagyan ko ng pasa tapos pisilin ko." tinulak ko si Theo at inagaw ang bulak.

"Ay sorry naman." ngingiti ngiti pa siya.

Tinaliman ko ang tingin ko kaya tuluyan na tumalikod siya at naghimas ng batok.

Dahan dahan kong dinampi ang bulak na may betadine 'ata ito? Ah basta, biglang hinawakan ni Troy ang kamay ko.

"Hmmm?"

"Okay lang ako." halos hindi marinig ang tinig niya, malakas na inagaw ko ang kamay ko at ginamot ang muka niya.

"Mabuti pang lumipat kayo, do'n kayo sa kwarto para pagtapos mong gamutin 'yan, makapagpahinga na." si Klein

Aba, akalain mo nga naman, umaandar din pala utak niya?

Napatingin kaming lahat sakanya.

"Ano?" nakakunot ang noo niya.

"May utak ka pala?" natatawang saad ni Kelsy.

"Natural!" depensa niya.

Lumapit si Theo sakanya at pinakita ang palad niya.

"Kita mo 'to?" si Theo, hinawakan ni Klein ang kamay niya at sinuri ito.

"Asan? Wala naman."

"Parang utak mo wala naman." malakas na tawanan ang namagitan sa'min kahit si Troy nakitawa ng mahina.

"Ulol men." binatukan ni Klein si Theo gumanti naman ito.

"Hoy! Ano ba?! Magsitigil na nga kayo." sita ni Kelsy. "Buhatin niyo na si Troy."

Nakita ko ang pagtulis ng tinginan nilang dalawa bago nagkalayo.

Dahan dahan nilang binuhat si Troy.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now