Chapter 6 - Fortress High

Start from the beginning
                                    

"Good idea! Para may makalaro naman itong si Whistle."

Nandito rin si Leaflet, ang black cat ni Daniel na ipinakilala rin sa amin ni Yuan. Ngayon ay hawak siya ni Sage at gumagawa sila ng leaf house.

"Mga anong oras dumadating si Val dito, Yuan?" tanong ko.

"Kapag gabi kasi, karaniwang nasa labas ang isang 'yon. Eh, palubog pa lang ang araw kaya sa tingin ko, mamaya pa siya babalik."

For a room of boys, malinis at minimal ang kalat. Naupo ako sa isang kama sa gitna. Na-distract ako nang may kung ano akong naramdaman na dumidila sa kaliwang paa ko. Pagkasilip ko ay siyang sulpot ng isang aso.

"'Uy, Shih Tzu!" manghang sabi ko.

"Best friend 'yan ni Whistle. 'Di ba, Whistle?" sabi ni Yuan sa kaniyang alaga na lumapit dito sa cute na Shih Tzu.

"Siya si Sweet Sue," pakilala ni Yuan.

Humalakhak si Ellie. "Seryoso?"

"Oo. Si Val nagpangalan n'yan. Natatawa nga ako kasi ang tagal niya pang pinag-isipan," kuwento pa ni Yuan.

Kinuha ko si Sweet Sue at kinalong. Na-amaze akong may lumabas sa bibig niya nang siya'y tumahol—parang si Roar. Mini balls of light naman ang lumalabas sa kaniya. Napaka-cute!

"'Ayan ang kakayahan ni Sweet Sue. Ito namang si Whistle ay nakakalutang. Whistle, float, dali! Magpa-impress ka sa girls."

Sabay-sabay kaming na-amaze nang magpalutang-lutang ito na parang balloon.

Oh, what a fluffy ball! Ang taba-taba pa naman niyang rabbit.

"Leaflet, ikaw rin, dali! Tabunan mo sila ng dahon!" Natatawang binuhat ni Yuan ang pusang si Leaflet at nagpaulan nga ng dahon ang napaka-cute ding pusa ni Daniel. Nakipaglaro pa kami sa kanilang mga alaga hanggang sa ma- realize ko ang element ni Sweet Sue. Lights! So related ito sa fire!

"Yuan, fire ba ang element ni Val?"

"Yep! Light rays ang kaniya."

"Hala, baka injured siya? Naaninag ko kasi kanina na parang nanghihina rin siya habang naglalakad palayo," kuwento ko.

"Noong nasa mortal world ka ba, 'pag nababasa ka, nanghihina ka? Pa'no ka naliligo?" Nagsimulang mabuo ang pilyong ngiti kay Yuan.

"Hindi naman. Pero kapag naliligo ako ay may halong hot water. Kapag natatagalan lang ang contact ng katawan ko sa tubig, pakiramdam ko, nanghihina ako. Depende sa intensity."

"Ah, akala ko, 'di ka na naliligo, eh." Ang lakas ng tawa ni Yuan na siya namang ginatungan pa ni Ellie. True friends!

"But don't worry, Tine, malakas 'yong si Val. He's a Nix Soverthell Guardian."

I suddenly froze knowing that Val is a guardian. "Mabait ba siya? Kasi parang ang misteryoso niya," nagtatakang tanong ko.

"Oo, mabait, pero mas guwapo ako," taas-noong pagmamalaki ni Yuan sabay kindat. Binatukan ko nga, pero mahina lang naman.

"'Uy, si Tine, curious kay Val!" nakangiting pang-aasar ni Sage.

"'Wag nga kayong ganyan. Nagseselos ako," naglungkot-lungkutan pa ang lokong si Yuan at may pagnguso pa.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Daniel. Nagbatian lang kami, pero hindi ako nakaligtas sa pang-aasar nila.

"'Uy! Akala niya, si Val na . . ." Kiniliti ako ni Ellie.

Loko talaga 'tong mga 'to.

"'Wag kang mag-alala, Tine. Malapit na rin naman ang pasukan kaya paniguradong mas magkikita pa kayo madalas n'on," pang-aalo ni Sage.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now