Chapter 5

12.2K 409 52
                                    

“Zed” ang pagsambit ko sa pangalan niya. “Ang lakas din naman ng apog mong magpakita pa sa akin. Linaklak mo ba lahat ng Arabica coffee sa cafe mo at ang kapal ng mukha mo?”

 

                “Carlo, I’m not here to start an argument” ang pagsisimula niya. “Gusto ko lang makipag-ayos sa’yo. We’re buddies, right? You and me? Against the world?”

 

                “FYI: It’s only me now against you and the world” ang pagtatama ko sa huli niyang sinabi. “Tigilan mo na ako, Zed”

 

                “Carlo, I’m worried about Aaron”

 

                “Wow! Eh, di lumabas din ang tunay na intensyon mo! You’re just doing this all for the sake of that son of a bitch!”

 

                “Maybe, I am” ang pag-amin niya. “He needs you back. Sinugatan niya ang sarili niya kagabi”

 

                “Pakisabi sa kanya; go ahead! Gago siya, siya na nga tong nagloko; siya pa ang may ganang magpatiwakal.” ang tugon ko. “Sabihin mo, ituloy niya; nang mamatay na siya. Sumunod ka na rin para buo ang eksena. I’m sure William Shakespeare would be very proud.”

 

                “Carlo-“

 

                “Idagdag mo na ako sa matutuwa. Sisigaw pa ako ng Encore at Bravo sa lamay niyong dalawa” ang sunod kong sinabi sa kanya; umiinit na talaga ang ulo ko. “Zed, pasalamat ka; narito tayo sa trabaho ko. Umalis ka na!”

 

                “Carlo” ang pagdistract sa akin ng department supervisor namin.

 

                “Good morning, Ma’am” ang bati ko sabay pilit na ngumiti.

                “Narito ka lang pala” ang sabi niya. “I checked on you sa desk mo”

 

                “Sorry, ma’am. Dumaan lang po ako ng HR Office, nagpalit po kasi ako ng residency” ang pagpapaliwanag ko. “But papunta na po ako sa desk ko”

 

                “Lumipat ka ng bahay?” ang pag-uusisa niya. Tumango na lang ako. “Where do you stay, then?”

 

                “I’m with Matt, Ma’am” ang tugon ko.

                “Matt? Mateo Rivera?” ang huli niyang pagtatanong. Tumango ulit ako. “I see. Anyways, kailangan ni Boss yung report mo this eleven a.m.”

                “Okay, Ma’am” dumeretso ako sa elevator at hindi na liningon pa si Zed. Muli ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago nagsara ang elevator. Nakatitig lang siya sa akin. Walang gana akong naglakad patungo sa desk ko. Binuksan ko ang aking computer. Napatitig ako kay Matt na busy sa ka-eencode ng report niya habang hinihintay kong maging fully functional ang desktop ko.

                “Huwag mo akong titigan ng ganyan. Alam kong maganda akong lalake” ang sabi niya habang nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa kanyang monitor. Napatingin ako sa isa pa naming officemate. Napakibit-balikat lang siya. Binalik ko ang tingin ko kay Matt na seryoso pa ring nag-eencode.

                “Pero sa bagay, mas nakakagwapo ang pagtratrabaho at pagiging seryoso” ang pagpapatuloy niya. napataas ako ng kilay at napabuka ng bunganga.

                “Hindi ba?” ang tanong niya bago tumigil sa ginagawa at tumingin sa akin. Kinindatan niya ako. Natawa ako sa pagpapacute niya. Napailing na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa monitor ko. Tinatapos ko na ang aking report nang mapatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. He really knows how to make someone’s day complete. Pero napaka-unusual, tulad nga ng nasabi ko; hindi niya hobby ang pagngiti.

                Ipinagpatuloy ko ang pag-eencode hanggang sa matapos ako. Kaagad ko naman itong sinubmit sa boss namin. Binabasa ko na ang susunod kong gagawan ng report nang may nagpop-out na window sa monitor ko. It’s my instant messenger.

Crazy4Ü: Hi!

                Binaba ko ang aking hawak-hawak at napaisip. Kaagad akong nagtype.

Carlo_Torres: Who’s this?

Crazy4Ü: I forgot my name, you can call me yours.

                Napangiti ako sa reply niya.

Carlo_Torres: Very cute; how did you get into my IM?

Crazy4Ü: Because I work here.

Carlo_Torres: Work where?

Crazy4Ü: Work with you.

Carlo_Torres: Huh?

Crazy4Ü: In the same company; in the same department.

                Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Kaagad akong napatayo at napatingin sa paligid. Tulad ng dati ay ganun pa rin ang eksena. Mga empleyadong may sariling mundo.

                “May problema ba?” ang pag-uusisa ng katabi kong desk. Napailing na lang ako at muling napaupo.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon