Final Chapter

12.4K 358 84
                                    


Masaya ako dahil okay na ako ng pamilya ko; salamat kay Mr. Andrada na nagsilbing fairygod father ko.Kulang na lang ay si Matt at si Milo. Pero huli na ang lahat, nakamove-on na siya. Masaya na siya at nakamove-on na. Pinagdarasal ko na lang na sana masaya siya. Matatagalan pa bago ko siya makakalimutan dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na nasaan siya magtungo, kahit na makalimutan niya na ang pinagsamahan namin, palaging nasa puso ko ay siya. And even if I fall in love with someone else, I still be looking into the past and find him.

Kinabukasan ay ang una kong araw bilang Executive Operations Manager ng Hotel Xanadu. Nagpaparty pa sila Mama bilang pagwelcome sa akin sa kumpanya. Everyone was looking forward for me being the next President. Isa-isang binigay ng pamilya ko ang regalo nila. Men's bracelet ang galing kay Tope samantalang kotse naman ang galing kay Mama. Inabot naman ni Papa ang ang isang maliit na kahon. Binuksan ko yun at nakita ang isang susi.

"Pa, para saan to?" ang tanong ko.

"Puntahan mo para malaman mo. Naghihintay na yung driver sa labas" ang instruction ni Papa.

"Now?"

"Yes."

Kaagad akong lumabas ng hotel at sumakay sa kotseng nakaparada doon. Bumyahe na kami. Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay tumigil kami. Pinababa ako ng driver. Tumambad sa akin ang isang malaking bahay. May malaking ribbon sa pinto. Binuksan ko naman yun gamit ang susi na binigay ni Papa. Maganda ang interior ng bahay. Natigilan ako nang makita ang mga painting na naka-display doon. Kamukha ng mga painting ni Matt. Gumala ako sa sala, at kusina pagkatapos ay umakyat ako ng second floor. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng isang Pomeranian breed na aso. Si Milo!

"Baby Milo!" ang sigaw ko sabay karga sa aso. Dinilaan niya ng dinilaan ang mukha ko. "Paano ka napunta rito ha? Si Daddy Matt-matt mo? kamusta siya?"

Sinama ko siya sa paglilibot ng bahay. Umaasa ako na isa sa silid doon ay naghihintay si Matt. I checked every room pero walang Matt. Bumaba ako at nagtungo sa likod. Pinagmasdan ko ang garden at ang swimming pool na naroon. Nagulat na lang ako nang may mga kamay na yumakap sa akin ng mahigpit.

"Akala ko, hindi na kita makikita pa, Caloy ko" ang paglalambing ni Matt.

"Hmmf, bakit ka narito? Hindi ba pinagpalit mo na ako kay Erika?" ang naiinis kong komento, masakit para sa akin ang narito siya. Tumawa naman siya na ikinainis ko.

"Hindi naging kami kasi umaasa akong magkikita ulit tayo. Hinanap kita"

"Prove it!" ang sabi ko. He turned me around and then kissed me.

"Namiss kita" bago palang ako sumagot ay siniil niya ako muli ng halik. Kumawala agad ako. "Thank you sa ginawa mo para sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit mo ako biglaang iniwan. Your father came to me last night. Siya ang may pakana nito"

Muli niya kong siniil ng halik; tinulak ko siya papalayo.

"Stop kissing me or else" ang pagbabanta ko.

"Or else what, Sir Carlo Torres?"

"Or else, I'll kiss you back" ang nakangiti kong tugon. Kaagad niya akong hinila at hinalikan. I kissed him back. Bumuhos ang malakas na ulan at bumalik sa aking ala-ala ang mga pagkakataong nasa ulan kami. Malamig ang tubig ngunit ang alab ng pagmamahalan namin ni Matt ang tanging nararamdaman ko sa ngayon.

"I love you" ang sinabi ko sa kanya.

"I love you too" ang tugon niya.

-FIN-

Date Started: September 15, 2012

Date Finished: November 07, 2012

-ELIXIR JOHN(Signed)-

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon