Chapter 25

7.9K 273 7
                                    

Mas lalo nang lumalim ang gabi; napuno ang table namin ng tawanan at kwentuhan tungkol sa sari-saring bagay ngunit pinili ko pa rin ang idistansya ang sarili ko sa usapang personal. Tamado na ako pero hindi ako lasing; hindi katulad ni Matt na nagdrinking spree sa dami ng ininom. Malamang kinabukasan na naman ay magrereklamo siya na baka magkaroon siya ng beer belly at maggygym agad para hindi siya magkaroon ng ganun. Pagkatapos makapagpaalam ay sinakay ko si Matt sa taxi para makauwi na kami at makapagpahinga. Akay-akay ko siya papuntang apartment nang makababa kami ng taxi. Pinaupo ko siya sa sofa nang tuluyan kaming makapasok. Magtitimpla na sana ako ng kape nang hablutin ni Matt ang kamay ko at pinaupo niya ako sa tabi niya. Batid kong lasing na talaga siya. Yinakap niya ako bigla sabay sambit ng call sign ko.

"Matt, bitawan mo ako. Magtitimpla lang ako ng kape para mahimasmasan ka" ang sabi ko. Ngayon ko lang siya nakitang lasing at sobrang kulit niya pala.

'Caloy, I'm good" ang wala sa sarili niyang pagtugon sa akin. Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya pang hinigpitan. We ended up on the floor. Nakapatong siya sa akin at pilit ko siyang inaalis.

"Carlo, mahal mo pa ba talaga si Aaron?" ang out of the blue niyang tanong sa akin. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tinitigan niya ako na waring naghihintay ng sagot. "Mahal mo pa siya?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya ngayon to. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa; siniil niya ako ng halik. Napatingin ako sa mga nakasara niya nang mga mata. Napapikit na rin ako at hinayaan siyang halikan ako. De ja vu. At natauhan ako, tinulak ko ang ulo niya papalayo. "Matt, let's stop this"

"Huh? Anong problema?"

ang naguguluhan niyang tanong.

"This is all wrong" ang mahina kong tugon.

"Don't you feel anything fo me?" ang tanong niya sa akin.

"Ipagtitimpla na kita ng kape; lasing ka na" ang pag-iwas ko sa tanong niya. Tinulak ko siya pagilid at kaagad akong nagtungo ng kusina nang makawala sa pagkakadagan niya sa akin. Napaupo ako sa upuan and I burrowed my face into my arms. Anong nangyari kani-kanina lang? HInalikan ako ni Matt. Magiging epokrito ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para kay Matt pero napaka-imposible; si Mateo "Matt" Rivera yun eh!. Si Matt na straight, si Matt na crush ng mga babae naming officemates. Lasing lang siya; hindi niya ginusto yun. Bukas makakalimutan din namin to. Ayokong mangyari kay Matt yung nagawa ko two years ago; naranasan ko na at ayaw kong lumuhod siya at magpakababa para lang hingiin ang tawad ni Trisha. Alam ko at nararamdaman kong mahal niya si Trisha. Sa pinakita niyang pagkasubmissive; tanga na lang ang magsasabing hindi. This is all a big misunderstanding; lasing siya, yun lang yun. Nagtimpla ako ng dalawang mug ng kape; dinala ko ang mga mug sa sala. Nadatnan ko si Matt na tulog na sa

sahig. Ginigising ko siya pero hindi na talaga siya magising. Kinuha ko ang unan at kumot niya at inayos si Matt. Pagkatapos makaligo at makapag-ayos ay pinili kong matulog sa sofa kahit na libreng-libre ang kama.

Kinabukasan ay nagising ako ng mas maaga pa sa usual waking time ko. Nakaupo si Matt suot pa rin ang long sleeve polo niya na ngayon ay kusot-kusot na.

Hawak-hawak niya ang kanyang ulo at napapailing. Napaupo ako habang nakamasid. Napatingin siya sa akin.

'Morning" ang naiilang kong pagbati sa kanya.

"Caloy, grabe tong hang-over ko"

"Ang dami mo kasing nainom kagabi"

"Yeah, did I-i ah. Did I do something off the line?"

Bigla kong naalala ang paghalik niya sa akin kagabi. Tama ang hinala ko; nagawa niya lang yun dahil sa sobrang kalasingan niya.

"Hindi ko rin maalala. Lasing din ako" ang pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ganun ba? Di bale na lang. Kung sakaling meron akong nasabi o nagawa na hindi mo nagustuhan, sorry"

"Gusto ko naman yun"

ang imboluntaryo kong nabulong.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon