Chapter 39

7.4K 254 10
                                    


"I'm sorry. Sana maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi"

"I do, you don't trust me."

"Hindi sa ganun."

"Well, I'll tell you my secret" ang toxic niyang sinabi pagkatapos tumayo. Kaagad niyang hinubad ang suot niyang t-shirt. Tumambad sa akin ang maganda niyang katawan ngunit ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang tattoo niya sa kanyang tagiliran. Ang simbolong matagal ko nang hinahanap.

"Ikaw?" ang inboluntaryo kong natanong dahil sa gulat.

"Oo, ako nga. Ako si Crazy4Ü" ang pag-amin niya. He approached me. nagulat na lang ako nang hawakan niya ang ulo ko at siilin agad ng halik. Itinulak ko siya papalayo.

"Para saan yun?" ang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"Sinabi ko na hahalikan kita kapag nahanap mo na ako" ang pagpapaliwanag niya bago ako sillin ulit ng halik. Sa pangalawang pagkakataon ay tinulak ko siya.

"All this time, Matt. Ikaw lang pala!"

Hindi siya sumagot bagkus muli niya akong hinalikan. Itunulak ko ulit siya papalayo. "Stop kissing me or else.."

"Or else what?"

"I'll leave" ang matigas kong tugon. Hindi niya ako binatawan bagkus ay yinakap niya ako ng mahigpit at muling hinalikan. Nagpa-ubaya ako sa kanya. Napayakap na rin ako sa kanya. Napapikit na rin ako nang madala sa aming eksena. Pagkatapos ay kumals siya sa aming halikan.

"Are you still going to leave, huh?" ang tanong niya sa akin. "Kasalanan mo to. Nainlove ako sa isang katulad mo."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero na-offend ako sa sinabi niya. Tinulak ko siya papalayo; sa sobrang lakas ay napaupo siya sa sahig. Tinignan niya ako; nagtataka kung bakit ko ginawa yun.

"Sorry, Matt. Kung sinira ko ang overly perfect life mo ng highly complicated situation ko. Sige, kasalanan ko kung bakit nain-love ka sa isang silahis na katulad ko. Sorry kung ayaw mo; pero believe me hindi ko rin yun ginusto. Pare-pareho kayong lahat, ang baba ng tingin niyo sa akin!"

"Carlo, hindi yan totoo."

"Hindi nga ba? Mahal mo ako o pinaglaruan mo lang ako? Dinaan mo sa IM para tignan kung paano ako magpapakababa? Kung paano ako maghahnap ng taong maipapalit kay Aaron? na desperado ako? O baka naman gusto mo lang talagang patunayan yang pagkalalake mo? na kahit sino kaya mong kunin kahit na si Crazy4† ka pa."

"O baka naman talagang noon pa lang may gusto na ako sa'yo at ngayon naglalakas loob akong umain sa'yo" ang pagpapatuloy niya. Tears streamed from his eyes. It's a first. Natigilan ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I could see him move from my peripheral vision. Pinulot niya ang kanyang t-shirt at tumayo. "Tsaka na tayo mag-usap; kung kaya mo na akong pakinggan"

Dumeretso siya ng kuwarto samantalang napabuntong-hininga naman ako. Pagkalabas niya ng kuwarto ay bitbit niya ang kanyang unan at kumot. Linapag niya yun sa sofa bago pumasok ng kusina. Pagkalabas naman niya ng kusina ay may bitbit siyang mga lata ng beer. Nagsimula siyang uminom ng makapwesto sa sofa habang hinahaplos haplos ang likod ng natutulog na si Milo. Tahimik naman akong pumasok ng kuwarto.

Ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang sound trip ni Matt.

if i could then I would

i'm going where ever you will go

way up high or down low

I'm going where ever you will go

Bumukas ang pinto kaagad ko namang pinikit ang mga mata ko.

"Caloy, magdinner ka na, please. Huwag kang magpagutom" ang sinabi niya pero hindi ako umimik. Limang minuto siguro ang lumipas bago muli niyang sinara ang pinto, Hindi ko na minulat ang aking mata bagkus ay natulog na ako.

Kinabukasan ay nagising ako ng tama sa oras. Nasa tabi ko na ang unan at kumot ni Matt. Pagkalabas ko ng kuwarto ay wala si Matt. May nakahanda nang pagkain sa mesa ngunit hindi ko ginalaw.

Nakarating na ako ng building namin at ang sama ng timpla ng mood ko dahil nga sa naging away namin ni Matt kagabi. Dumagdag pa ang pag-alis niya ng maaga para na malamang ay iwasan ako. Sa trabaho ay naroon na siya; nag-eencode as usual na hindi na bago sa akin.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon