Chapter 44

7K 256 5
                                    

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga kundisyon niya. My tears flowed from my eyes. Hindi ko kayang mawala si Matt pero lalong hindi ko kaya ang mabuhay siyang nahihirapan. Kailangan ko tong gawin kahit na masakit; sobrang sakit.

"What?" ang tanong ni Papa.

"I'll do it" ang pagpayag ko.

"Now, let me tell you. Kapag hindi ka tumupad sa usapan natin. I'll make you and your lover's lives miserable"

"Yes, Pa. I know and I understand" ang mahina kong tugon bago kinuha ang check na linagdaan niya. Tumayo ako at bago ko buksan ang pinto ay may pahabol pa si Papa.

"I expect you here the day after tomorrow" tumango na lang ako. That soon? Ang lupit niya. Kaagad akong dumeretso ng hospital at binayaran ang kailangan para sa operasyon ni Matt. Tahimik ko lang pinagmamasdan si Matt sa ICU, hanggang ngayon ay hindi ko matanggap sa sarili ko na kailangan ko siyang iwan at iwan ng walang paalam. Sana maintindihan niya one day na kailangan kong gawin yun para sa kanya at dahil mahal na mahal ko siya. Kaagad kong inasikaso ang aking resignation letter. Nagpunta ako ng opisina nang makarating si Sandra para bantayan si Matt. Nagtungo ako agad sa opisina ng boss namin at binigay ang resignation letter.

"Is your decision final, Mr. Torres?" ang tanong ng boss ko nang mabasa ang pormal kong sulat.

"Yes, Sir. ASAP po" ang tugon ko.

"Sige, if that's your decision. Thank you for working with us, Carlo. Ipapa-asikaso ko na lang yung huling sahod mo"

"Thank you, Sir." ang tugon ko bago lumabas ng opisina niya. Kumuha ako ng karton at nagtungo sa desk ko. Sinilid ko roon ang mga personal kong gamit. Natitigilan naman ang mga colleagues ko, marahil nagtataka sa ginagawa kong pag-aalsa balutan. I left the building without any word said.

Dumeretso ako ng apartment namin ni Matt. Pagpasok na pagpasok ko ng apartment ay dumeretso ako ng sofa; I burrowed my face on the pillow and cried. Humagulgol lang ako ng humagulgol. Sobra-sobrang sakit. Parang binubuksan ang dibdib ko at pinipiga yung puso ko sa sobrang sakit. Nagpunta ako ng kuwarto at inayos ang mga gamit ko sa asul kong maleta. Sa bawat kasuotang sinisilid ko sa aking maleta ay parang bawat ala-alang dumadalaw sa aking isipan. Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya?

Dahan-dahan kong hinila ang maleta ko papalabas ng apartment namin. Ginala ko muna ang tingin ko sa huling pagkakataon dahil hindi na ako ulit makakapunta sa apartment namin na naging saksi sa pagmamahalan namin ni Matt. Kulitan, asaran, lambingan; mga bagay na itatago ng apartment na to sa kanyang apat na pader. Dumaan muna ako sa mag-asawang Ledesma para magpaalam na rin sa kanila at kay Milo. Hindi ko siya maalagaan kaya iiwan ko na siya kay Matt. Si Milo na palaging inaasar sa akin ni Matt na anak namin. Kinarga ko siya huling pagkakataon at hinalik-halikan.

"Alagaan mo si Daddy Matt-matt mo,ha? Bantayan mo siya maigi."ang bilin ko sa aso bago ako tuluyang umalis. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha ko sa sakit na nararamdaman ko. Akala ko kasi magiging okay na ang lahat. Hanggang ngayon kahit na anong gawin ko; hinahabol at hinahabol ako ng pagiging si Carlo Torres. Dumeretso ako sa apartment na binigay sa akin ni Zed nung birthday ko. Akala ko hindi ko na magagamit; now is the right time. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa ospital. Bago ako nagtungo sa ICU ay nagdasal muna ako sa Chapel ng ospital. Pinagdasal ko si Matt. Sana successful ang operasyon niya bukas.

"Huwag ka nang mag-alala, magiging okay ang lahat." si Sandra.

"Alam kong magiging okay siya" ang tugon ko. Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Matt. Bakit ba kailangang mangyari ito sa kanya? Sa amin? "Nagresign na ako"

"A-anong sinabi mo?" ang gulat na tanong ni Sandra habang nagkakape.

"Nagresign na ako" ang pag-uulit ko sa aking sinabi.

"Bakit mo naman ginawa yun?"

"Kundisyon ni Papa. Bukod dun kailangan kong iwan si Matt at hindi na magpakita pa sa kanya" ang pagpapaliwanag ko. Nanlaki naman ang mata niya at napatakip ng bunganga sa nalaman. Tumabi ako sa kanya. "Sandra, hindi ko kaya. Para akong mamatay sa sakit"

"I'm sure maiintindihan ni Matt. Ipapaalam ko-"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon