Chapter 43

6.9K 252 4
                                    


"Di bale na, Salamat na lang" pagkatapos ay tinapos ko na ang aming pag-uusap. "Akala ko makaka-usap ko si Mama. Wala pala siya. I got only one thing left to do; ang lumapit kay Papa"

"Sigurado ka?"

"Oo, desidido na ako. Noong kailangan ko ng masasandalan, palagi lang siyang nasa tabi ko. Ito lang ang magagawa ko. At kahit pa, lumuhod ako at magmakaawa kay Papa; gagawin ko. Mahal na mahal ko si Matt."

"Alam ko yan, Carlo. Hindi na rin muna ako papasok sa opisina bukas para matulungan kita sa pag-aasikaso kay Matt. Tatawagan ko na lang si Maam Rina para maipaalam yung nangyari kay Matt tsaka mapaalam na rin kita."

"Maraming salamat, Sandra" ang pagpapasalamat ko pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Wag kang mag-alala; you and Matt will get through this"

Kinabukasan ay nagtungo ako sa Xanadu hotel kahit na walang kasigaraduhang tutulungan ako ni Papa; patay na ako kung andun si Tope na tagabulong. Kahit noon pa man ay attention seeker lalo na sa attention ni Papa. Ngarag akong humarap sa receptionist ng hotel.

"Good morning, Sir-Sir Carlo?" ang bati ng receptionist.

"Anjan ba si Papa?" ang tanong ko.

"Sandali lang po, tatawagan ko yung secretary ni Sir Wilbert"

"Di bale na lang, pupuntahan ko na siya" ang sinabi ko. I headed for the elevator. Dumeretso ako sa sekretarya niya nang makarating.

"Si Papa? I need to talk to him"

"Sir, may meeting po siya ngayon, hindi siya pwedeng disturbuhin"

"Ganun? Saan yung meeting niya?" ang painosente kong tanong.

"Sa Function C po"

"Thank you" linampasan ko ang sekretarya at nagtungo sa mga function halls ng hotel.

"Sir, hindi po siya pwedeng madisturbo ng kahit sino" ang pagbabawal ng sekretarya.

"Let me remind you na hindi ako bastang kahit sino. Anak ako ng amo mo. May karapatan at kapangyarihan akong tanggalin ka. Now, minsan mo pa akong pagbawalan and I swear bukas na bukas wala ka ng trabaho. Naiintindihan mo ba?" ang pagbabanta ko sa mahaderang sekretarya ni Papa. Napatahimik siya at humingi agad mg dispensa. Pumasok ako ng Function C at natigilan ang mga business people roon. Nanlaki ang mga mata ni Papa nang makita ako.

"What are you doing here?" ang tanong ni Papa na naniningkit pa ang mga mata.

"I just need to talk with you." ang mapakumbaba kong tugon.

"Out!" ang utos ni Papa. "Now!"

Imbes na umalis ay lumapit ako sa kanya. Nagulat ang lahat ng lumuhod ako sa harap ni Papa.

"Please" ang paki-usap ko.

"Carlo, stop this nonsense!" ang bulyaw ni Papa. Nagsimula na akong lumuha.

"Please, Papa. I need your help. Minsan lang ako humiling. Sinusunod ko naman lahat ng gusto niyo,eh. Sana naman pakinggan niyo ako. Please, I'm begging you. Kahit na ano gagawin ko para lang tulungan niyo ako."

Umalingawngaw sa Function Hall ang paghagulgol ko. Wala na akong pakialam; si Matt lang ang importante ngayon.

"Let's all have a break" ang suhestyon ng isa sa mga naroon. Tahimik naman silang nagsi-alisan hanggang sa dalawa na lang kami ni Papa ang natira.

"Halika sa opisina ko, doon tayo mag-usap" ang matigas niyang sinabi. Kaagad akong tumayo at sinundan siya papalabas ng Function Hall. Pagkapasok na pagkapasok namin sa opisina ay tinapunan niya ako ng masamang tingin.

"What the hell are you thinking, Carlo?" ang galit na tanong ni Papa. "You don't have to create a scene"

"I'm sorry. Alam kong hindi niyo ako pagbibigyan kapag dito ako dumeretso" ang pagpapaliwanag ko.

"Ano bang kailangan mo?" ang tanong ni Papa.

"I-i, uh"

Pautal-utal kong sinabi kay Papa ang problema ko at ang halagang kailangan ko para sa operasyon ni Matt.

"Look at you, Carlo. Hindi kita pinalaki para magpakababa at sa kapwa lalake mo pa!" ang sigaw ni Papa.

"Please, I'll do anything just to save him"

"Anything?"

"Yes"

"Sige, pagbibigyan kita" ang pagpayag ni Papa na nakaluwag ng damdamin ko. "Pero I have terms"

"Okay"

"Una, hihiwalayan mo yang kung sino mang Matt na yan. Aalis ka sa apartment niya, bahala ka kung saan mo gustong tumira. Hinding-hindi ka na makikipagkita sa kanya. Magreresign ka sa trabaho at dito ko lilipat. Yun, yun ang mga kundisyon ko."

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon