Chapter 17

8.4K 294 1
                                    

Sa ilang linggong nakasama ko si Matt ay marami na pala akong alam tungkol sa kanya. Size 41

ang sapatos niya, pinipilit kong favorite color niya ay turquoise at hindi sky blue; pareho silang kulay blue pero iba ang shade, vegetarian siya kaya minsan pinipilit ko siyang kumain ng kahit unting meat, mas gusto niya ang FIFA kaysa NBA, siya mismo ang naghahandwash ng neckties niya at hindi niya talaga pinalalaba sa laundry shop, favorite band niya ang "The Calling" at "The Fray", dumagdag sa listahan ng favorite niyang singer si RnB Singer Mario pagkatapos kong iparinig sa kanya ang ilang kanta niya tulad ng "How Do I Breathe", "I Choose You", "Crying Out For Me" at "Falling Down". Bago siya matulog ay nagbabasa muna siya ng Reader's Digest o kung ano mang magazine. Allergic siya sa squid; ano mang luto lalo na ang sariwa. Madalas niya ring napagpapalit ang tawag sa deck shoes, moccasins at topsiders kasi pare-pareho raw ng itsura kaya sa brand niya na lang dinaraan. Bukod sa mga ganung sapatos ay chucks lang ang ginagamit niya kapag casual wear. Polo Sport naman ang gamit niyang pabango. Heto ang nakakatawa, takot siya sa gagamba; gaano man kaliit o kalaki; nagtatago siya sa likod ko kapag nakakakita ng ganun; hindi niya gaano maalala kung saan nagmula ang arachnophobia niya.

Lumipas ang oras at natapos din ako sa aking trabaho; yinaya ako ng mga ka-opisina ko na gumimik pero kaagad ko silang tinanggihan upang maasikaso ko kaagad ang naiwang may sakit sa apartment. Nakakakonsensya naman na naroon ako nagsasaya habang yung isa na sa apartment at inaalagaan ng katabi naming mga apartment leaseholder. Sumakay ako ng taxi as usual at nagpahatid sa amin. Pumasok ako ng apartment, kaagad kong naamoy ang kung ano mang linuluto sa kusina. Pumasok ako ng kusina pagkatapos mailapag ang aking body bag sa sofa. Kaagad kong binati ang mag-asawang busy sa pagluluto.

"Ano pong linuluto niyo?" ang tanong ko.

"Ah, sinigang sa miso" ang tugon ni Mrs. Ledesma; nasa kwarenta na siguro ang edad; katabi niya ang kanyang mister.

"Makakabuti to kay Mateo"

"Pasensya na po kung kayo ang gumagawa niyan."

"Wala yun. Sino-sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo rin"

"Salamat po" ang pagpapasalamat ko sa mabuting mag-asawa.

"Kapatid mo si Mateo?" ang tanong ni Mr. Ledesma.

"Hindi po. Magkatrabaho po kami; tsaka matalik na magkaibigan" ang tugon ko.

"Ganun ba? Anong trabaho ng mga magulang mo?"

"Mga negosyante po sila"

"Anong negosyo?"

"Nagpaparenta po ng mga kwarto" ang tugon ko.

"Nasaan sila? Bakit hindi mo sila kasama?"

"Nagkasamaan po kasi kami ng loob ng mga magulang ko; pinaalis ako kaya narito ako"

"Kung ano mang yang hindi niyo pagkakaintindihan; sigurado kong hindi ka matitiis ng mga magulang mo; baliktarin man natin ang mundo; sila pa rin ang mga magulang mo at ikaw pa rin ang anak nila"

"Sana nga po. Namimiss ko na rin po sila,eh. Sila lang naman ang ayaw pa akong tanggapin"

"Kunting tiis lang; makikita rin nila ang mga pagkakamali nila"

"Salamat po"

Pagkatapos nilang magluto ay yinaya ko silang sabayan na ako sa hapunan. Iniwan ko muna sila sa kusina para asikasuhin si Matt. Linapag ko sa side table ang hapunan niya. Natutulog siya. Dahan-dahan ko naman siyang ginising at inalalayan papaupo.

"Dinner time" ang anunsyo ko sa kanya.

"Hows work?" ang tanong niya.

"Ganun pa rin. Anyways, napagpaalam na kita"

"Thanks"

"Kain na" ang sabi ko sabay subo sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin habang sinusubuan ko siya. Medyo nailang nga ako sa sitwasyon namin at lalo na sa titig niya.

"Anyways, kinukuha ng mga officemate natin yung address mo. Hindi ko binigay kasi wala naman ako sa lugar para ibigay yun."

"Dito ka rin naman nakatira; okay lang"

"Mabuti naman kung ako yung bibisitahin;eh, ikaw. At tsaka yung mga patay

na patay sayong mga katrabaho natin ang bibisita sa'yo"

"Ganun ba? Sige, huwag na lang." ang nanghihina niyang tugon. Medyo bumaba na ang temperatura niya di tulad kaninang umaga. I tucked him to bed after he's done eating and took his meds.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon