Chapter 23

7.7K 291 3
                                    


Kaagad niyang hinablot ang aking kamay na nakapatong sa aking tuhod at hinawakan ng mahigpit. Pagkatapos ay inangat niya para iapakita sa officemates namin. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya. Bumenta naman sa kanila ang kalokohan ni Matt. Binawi ko ang aking kamay at hindi na muling pinansin si Matt. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtritripan ngayon.

"Hala ka, nagtampo na" si Jeric. "Ikaw kasi; linaglag mo"

"Carlo"

ang pagtawag niya sa aking atensyon pero hindi ko siya pinansin. "Carlo"

"Ano?"

"I Love You"

ang tugon niya habang matamis na nakangiti. Napanganga ako sa narinig. Bumilis ang tibok ng aking puso. Matagal akong nakatitig sa kanya bago pumasok sa isip ko na nangangalaska na naman siya.

"I Love You too" ang pagsakay ko sa kanya with matching sweetness.

"Good evening, guys" ang pagbati ng bagong bokalista sa stage. Napatingin kaming lahat at nasaksihan ang isang gwapong lalake na nakahawak ng mic at matamis na nakangiti. "Hi, we are "THE HEART LINE". I'm Mark, the vocalist. May makakasama ako mamaya sa pagkanta kaya hindi ako lonely ngayon pero mamaya ko na siya ipapakilala. Kung may mga request kayo; we'll be very happy to play them for you. Kahit na anong genre, we'll try to play them; walang basagan ng trip.

Tumugtog ang keyboard.

"For our first song, para to sa mga kontento na sa buhay and inspired dahil may someone sa buhay. Sa mga wala pa, I'm sure na sa tabi mo lang naghihintay na mapansin mo"

Nagkatinginan kami ni Matt; kaagad naman naming binawi ang aming mga tingin sa isa't-isa. Binaling ko ang atensyon ko sa gwapong bokalista.

Lying in the dark, listening to the rain

Smiling just to see the smile in your face

These are the moments i thank god that I'm alive

These are the moments i remember all my life

i found what i waited for

and I could not ask for more.

The audience was hooked by the band's version of

I Could Not Ask For More ni Edwin McCain.

Nakadagdag pa ang natural Charm ng vocalist. Tama nga si Matt; nakakarelax yung place and the music is right.

"Nga pala, Matt" si Sandra. "Nung nagsick leave ka; we interviewed Carlo about you and surprisingly; marami siyang alam sa'yo"

"Really?"

ang na-aamaze na tanong ni Matt sabay tingin sa akin. Umarte ako na hindi ko naririnig ang kanilang usapan kaya hindi ko pa rin inaalis ang aking tingin sa banda.

"Yeah" ang tugon ni Katrina. "So, ikaw ba? Can you share something about Carlo?"

"Thinking about it."

ang singit ni Jeric. "Besides from being very out spoken and friendly; wala na kaming alam tungkol sa kanya. His family background, kung saan siya nag-aral. Of course, a part of his love life, alam na namin kasi naikwento niya na"

"Hindi ko rin alam yang mga yan. Just like you; love life niya lang ang alam ko. Yung mga simpleng bagay lang yung napapansin ko, sa tuwing magkasama kami"

"Like?"

"Uh, well"

napaisip siya at napakamot ng ulo. "Ayaw niya ng itlog pero sarap na sarap siya sa egg pie. He hates Filipino Drama Series; ginagawa kasing tanga yung mga manonood dahil sa walang kakwenta-kwentang plot pero inaabangan niya yung mga ganung show pag gabi. Wala raw siyang club life pero halos lahat ng kanya sa playlist niya; puro club music. Grabe siya kung makapanglait ng taong daig pa ang christmas tree sa dami ng kulay sa katawan pero he's wearing bright colored shirts. Ayaw na ayaw niya ang mga pangbatang cartoons pero design ng mga mug niya ay puro spongebob. Left-hahded siya pero yung right hand niya yung madalas niyang ginagamit sa pagkain. And, ultimate crush niya ako"

"Proof?"

ang singit ko. Nakatuon pa rin ang aking atensyon sa banda.

"Palagi niya akong sinusulyapan during work time" ang pagpapatuloy niya. Napatingin kami sa isa't-isa. Hindi ko alam na alam niya na patago ko siyang pinagmamasdan. "Caloy, alam ko. Busy ako sa trabaho but I can feel it when someone stares at me"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon