Chapter 47

6.9K 256 9
                                    


"Mabuti na lang dumaan ako rito kung hindi baka hindi na kita naka-usap habang buhay at wala ka nang balak magpakita sa akin."

"Sorry"

"Nga pala,si Matt dumaan ng cafe nung isang araw" ang balita ni Zed na nagpahinto sa akin. Sobra ko na siyang namimiss and I really wanted to be with him. "Tinatanong ka sa akin. Iyak siya ng iyak, nagmamakaawang sabihin ko sa kanya kung nasaan ka. Hindi ko naman alam kung nasaan ka kaya wala akong masabi. Ano bang pumasok sa kokote mo at iniwan mo siya ng ganun-ganun? Walang paalam. Awang-awa ako sa tao"

Naluha ako sa nalaman. Ipinaliwanag ko naman kay Zed ang lahat, kung bakit kailangan kong umalis ng ganun.

"You should have called me. Tutulungan naman kita"

"Alam ko but you're not around at hindi ko alam kung nasaan ka. I'm trying to call you pero hindi mo sinasagot yung phone mo"

"Sorry. May inasikaso lang ako"

"Hindi nga pala kita matawagan. Kinuha ni Papa yung dati kong phone tapos pinalitan niya ng postpaid para i-trace ako"

"Ito ang gamitin mo" inabot niya sa akin ang isang phone niya. "Huwag ka lang magpapahuli"

"Salamat, bespren!"

"Malakas ka sa akin,eh"

"Nga pala anong balita kay Aaron?" ang tanong ko nang maalala siya.

"Wala pa rin. Hindi ko alam. Pabayaan mo siya sa gusto niya sa buhay niya"

Sumapit na naman ang araw ng trabaho. Kasalukuyan akong naglilinis ng pasilyo nang makarinig ng komosyon sa isa sa nga function hall. Dalian naman akong nagtungo roon. Nasaksihan ko si Papa na nakahandusay sa sahig. Linapitan ko siya at inalalayan papaupo ngunit wala siyang malay.

Tumawag kayo ng ambulansya! Dalian niyo" ang utos ko sa naroon. Habang hinihintay namin ang ambulansya ay tinatapik-tapik ko ang mukha ni Papa. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol sa kalagayan niya. "Pa, gumising ka. Pa"

Hindi nagtagal ay dumating ang paramedics. Sumakay na rin ako sa ambulansya; bago kami umalis ay binilinan ko ang sekretarya ni Papa na tawagan si Tope at ipaalam ang nangyari. Kaagad namang itinakbo si Papa sa pinakamalapit na ospital. Nang makarating ay kaagad siyang tinakbo sa emergency room. Lumipas ang ilang oras ay linabas na si Papa at dineretso sa isang private room. Nalaman ko sa doktor na naatake sa puso si Papa dahil sa stress at pagod sa trabaho pero okay na siya. Tumawag ako sa bahay para tanungin si Mama pero wala pa raw siya. Pinasabi ko na rin ang nangyari kay Papa sa mga katulong. Ako na ang umasikaso kay Papa dahil wala pa sila. Ako ang tumatakbo para sa kung ano-anong kailangan ng doktor o nurse. Umaga na pero walang Tope at Mama na nagpapakita. Kachecheck lang ng doktor kay Papa. Nakatulog ako sa upuan habang nakasandal ang ulo ko sa kama niya. Nagising na lang ako ng maramdamang gumalaw ang kamay ni Papa. Gising na siya.

"Pa, okay ka lang ba? may masakit ba sa'yo?" ang agad kong tanong.Umiling lang siya.

"Dumating na ba ang mama mo?" ang tanong niya sa akin.

"Hindi pa po. Wala rin po si Tope, Ako lang po ang narito. Sorry po" ang paghingi ko ng paumanhin. Alam kong ayaw niyang ako ang magbantay sa kanya.Hindi siya umimik. "Gusto niyo na po bang kumain, susubuan ko na po kayo"

"Sige" kinuha ko ang tray ng pagkain na ibinigay ng nurse kani-kanina lang at sinimulan kong subuan si Papa. Tahimik lang kami at hindi nag-uusap. Bumukas ang pinto at iniluwa si Mama at Tope. Kaagad kong itinigil ang pagsubo kay Papa.

"My God, Hon! Are you alright?" ang nag-aalalang tanong ni Mama kay Papa.

"I'm okay" ang tugon ni Papa. Nagtungo ako papunta sa bandang pinto at pinagmasdan sila. Ngayon ko naiintindihan kung bakit mas okay ang wala ako sa pamilya. They are perfect; ako lang ang panira. Binuksan ko ang pinto at kaagad lumabas. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman kong nagbukas ang pinto.

"Carlo, anak" ang tawag sa akin ni Mama. I turned around and watched her approach me. "How are you?"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon