Chapter 36

8K 262 5
                                    

Sinugod ni Trisha si Matt at pinaghahampas ng bag. Hindi pa rin tuluyang rumirihistro sa aking sistema ang mga konprontasyong nagaganap sa pagitan naming apat. Natauhan na lang ako nang marinig at masaksihan ang pagdapo ng palad ni Trisha sa pisngi ni Matt bago umalis. Tinapunan naman ni Aaron si Matt ng masamang tingin bago gayahin ang pagwawalk-out ni Trisha. Tahimik namang sinara ni Matt ang pinto at napatingin sa akin. Iniwas ko agad ang aking tingin at binitiwan ang kamay niya. Dumeretso siya sa sofa at umupo. Sinimulan niyang paglaruan si Milo. Napasandal naman ako sa pinto at napaupo. Isang buntong-hininga ang napakawalan ko. Nangyari na ang pinakakinakatakutan kong mangyari; ang madamay si Matt sa mga kamalasan ko sa buhay. Napatayo ako agad at hinawakan ang door knob. Bubuksan ko na sana ang pinto nang tawagin ni Matt ang pangalan ko. Napahinto ako pero hindi ko magawa ang humarap sa kanya.

"Saan ka pupunta?" ang tanong niya sa akin.

"Hahabulin ko si Trisha. Ipapaliwanag ko na malaking misunderstanding ang lahat"

"Huwag na, Carlo. Hindi ka niya pakikinggan"

"It's worth the try. Aayusin ko to; ako naman ang dahilan ng lahat nito" ang pagpapaliwanag ko. Naguiguilty talaga ako sa mga nangyari. "Pati ang relasyon niyo ni Trisha nasira dahil sa akin."

Tumabi sa akin si Matt at kaagad akong inakbayan.

"Wala sa pinto ang kausap mo." ang pagpuna niya sa hindi ko pagharap sa kanya. Inikot ko ang door knob. Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan ni Matt ang kamay ko at alisin mula sa pagkakahawak sa door knob.

"Huwag kang masyadong malupit sa sarili mo. Hindi kita sinisisi sa nangyari sa amin ni Trisha. Hindi ko alam kung bakit pa siya pumunta rito"

"Anong ibig mong sabihin? Girlfriend mo yun!" ang pag-papaalala ko sa kanya.

"Correction. Ex-girlfriend"

"Huh? Anong nangyari?"

"Mas masayang makipagkwentuhan kapag nakaupo at umiinom" ang komento niya. He lead me to the sofa. Dumeretso siya ng kusina at pagbalik ay may dalang four cans ng beer. Inabot niya sa akin ang isa at naupo sa tabi ko.

"Ano na? Anong nangyari sa inyo" ang pangungulit ko.

"Walang masyadong drama. Naging unfaithful lang ako at siya"

"Ha? Nangtwo-time kayong dalawa ng sabay?"

"Parang ganun na nga. Bottomline is nasaktan namin ang isa't-isa. "

"Sino yung babaeng ka-affair mo? Kilala ko ba?"

"Kilala mo. Nagkagusto ako eh. Akala ko mapipigilan ko ang sarili ko, akala ko imposible pero sa tuwing kasama ko siya, mas lalo akong nahuhulog"

"Sino?" inisip ko ang mga babae sa opisina namin.

"Si Erika? Si Sandra? O baka naman si Chelsea?" ang tanong ko sa kanya. "Huyy, Matt; sumagot ka nga."

"Basta. Malalaman mo rin. Sana nga lang kapag tuluyan na akong nainlove sa kanya; kaya niya rin akong mahalin kahit na ba hindi ako sigurado kung sasaya siya sa akin."

"Have faith, Matt. Have faith" ang payo ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya. At gusto kong gawin ang lahat para sumaya siya lagi dahil alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya"

"Una sa lahat, hindi ka Clown para magpasaya ng tao. Happiness, nasa mismong tao yun at wala sa ibang tao. Kailangan niya munang sumaya gamit ang sarili niyang kakayahan para hindi maaksaya ang effort ng iba para lang pasayahin siya."

"That' the problem"

"Sino ba siya? Sabihin mo na Matt-matt"

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong ikaw"

"Ayan ka na naman, nangangalaska ka na naman"

"Minsan naiisip ko kung paano ka magmahal" ang sabi niya na nagpatigil sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Ako? I'm not perfect but I'll strive to make my love one's life perfect. Faithful ako and I would give anything for that person"

"Naks,"

Lumipas ang mga araw at sumapit ang seminar namin. Nakasakay na kami sa shuttle pero wala pa rin akong kaide-ideya kung saan gaganapin ang seminar.

"Sandra, saan ba yung venue?" ang tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Sa isang five star hotel raw"ang tugon niya.

"Hotel? Pwede naman sa conference room" ang hirit ko,

"Hindi available. Earth calling Carlo" ang sarkastiko niyang tugon. Tumabi ako sa kanya at iniwan muna si Matt.

"Kayo ba ni Matt?" ang bulong ko sa kanya.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon