"Sige, take care"

Hinding-hindi ko malilimutan ang ospital na 'to, halos naging tahanan ko na ito noon. Dito ako nagpagaling at patuloy na magpapagaling.

I was about to open the door of car when my phone vibrated.

Unknown Number calling...

"Hello? Who's this?"

"Are you free tonight?"

Naestatwa ako ng marinig ang baritonong boses na iyon. Dalawang taon ang lumipas nagbago na din ng kaunti ang boses niya, pero yung accent niya nandoon pa din.

"O-Oo naman, bakit?"

"Let's have a dinner at my house. I'll pick you up"

"No need, I have my car. Text me your address, I'll go there–"

"Same address, I'll wait for you. Don't ditch me"

What the?! Hindi man lang niya ako pinagsalita! How rude of him! Do I look like I can ditch someone?

Inis akong pumasok sa kotse ko bago pakalmahin ang sarili ko. I didn't know what to say, I was so dumbfounded when I can't say no to him.

"Nakamove on na ako, nakamove on na ako"

I am trying to convince myself. So that he can't take advantage of me anymore.

He's a jerk, irresponsible, and a coward. Hindi na ako magpapauto sa kaniya. Never!

Nagmaneho na ako papunta sa bahay niya, mabuti nalang at traffic. Hindi ako makakapunta kaagad doon. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pakikinig ng radyo.

I was in the middle of driving when I heard my phone ringing. Sinagot ko iyon gamit ang wireless earphone ko.

"Yes?"

"Asaan kana?"

Nagulat ako sa boses na narinig ko. Hindi ba siya makapaghintay?

"I'm still driving!" irita kong tugon

"I'm waiting"

Binabaan na niya ako ng tawag. Naiinis ako sa inaasal niya, siya pa ang may ganang babaan ako ng tawag. After 30 minutes of driving nakarating ako sa subdivision kung saan siya nakatira. Kumatok yung security guard sa bintana ng kotse ko.

"Ma'am checking lang po, sino po pupuntahan niyo?"

"Miller"

"Ah sige po–Hala! Ikaw pala yan Ma'am ganda!"

Napatingin ako sa security guard na nagsalita.

"Mang Rico! Kumusta po?"

"Ayos naman ho, hindi ko kayo nakilala ah"

"Nako, Mang Rico alam mo namang nagpagupit ako"

"Oo nga Ma'am, pero di ko naman inaasahang magkukulay ka ng buhok–Sige na Ma'am, baka hinihintay kayo ni Sir"

"Salamat po"

Pinagbuksan niya ako ng gate, ilang blocks lang naman ang daraanan bago makapunta sa bahay ni Stephen. Pinarada ko sa tapat ng bahay niya ang kotse ko, hindi ako kaagad lumabas at tiningnan lang iyon.

Ito yung bahay na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdaman. Ito rin yung bahay na ayoko ng balikan.

Natawa nalang ako ng maalala yung mga bagay na ginawa ko noon. Nung tuluyang gumaling ako, walang araw na hindi ako pumupunta dito. Umaasang makikita ko siya at lalabas sa pinto ng bahay na ito. Mukha akong tanga na araw-araw hinihintay siya, umulan man o umaraw.

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now