Chapter 4 - Pets and Legends

Start from the beginning
                                    

"Ang cute-cute niya, Tine! Ang lambing pa!" sabi ni Ellie habang tumalon naman ito papunta sa kaniya. Hindi na yata matatanggal ang ngiti ko. Ang mythical pet ko lang naman ay isang cute na cute na baby tiger. Sa sobrang cute at liit niya ay kaya niyang umupo sa isang palad ko.

"Name him na, Tine!" sabi ni Sage.

"Hmm . . ." Magmula nang makita ko siya ay alam ko na agad ang ipapangalan ko sa kaniya. "I now name you Roar!"

"Hi, Roar! Na-scam mo kami, ha? Akala namin stuffed toy ka. Apir!" manghang komento ni Ellie.

We laughed in harmony and played with her. Nakakaaliw ang mini balls of fire na lumalabas sa bibig niya. Marahil ay dahil baby tiger pa siya kaya't maliliit din ang nailalabas nito. Tuwang-tuwa ako sa tuwing ginagawa niya 'yon. Ang dapat tuloy na pagkain namin ng dinner ay napurnada nang ilan pang oras.

Nang mukhang mapagod na si Roar makipaglaro ay inihiga ko na siya sa kama ko saka kinumutan. Lumabas na kami para kumain ng hapunan at napagpasyahang dumayo sa Kierre's Hub. Ito ang pinakamalaking open cafeteria dito na ipinangalan sa head guardian. Pagkarating ay kumuha na agad kami ng makakain saka naghanap ng mapupuwestuhan. Habang bitbit ko ang tray ay tinitigan ko ang aking order at napagtantong walang-kaibahan ang pagkain dito sa mundo ng mga tao.

"Ano kaya'ng itsura ni Kierre? Narinig ko sa mga sabi-sabi na guwapo raw 'yon, eh," kuryosong tanong ni Ellie habang kumakain.

"Hindi n'yo pa ba siya nakikita?" tanong ko.

"Nope. Balita ko nga, isa rin siya sa mga sumusundo, eh. Dapat pala, nagpasundo ako, 'no? Ako kasi mismo ang pumunta sa gubat na 'yon. Nang matanggap ko ang sulat ay agad kong tinakasan ang bruha kong stepmom." Napuna ko ang hilaw niyang ngiti. Natahimik kami nang ilang sandali bago ko naisip na pagaanin muli ang usapan.

"Ah, siya naman ang sumundo sa 'kin," kuwento ko bago sumubo.

Halos mabilaukan naman si Ellie sa sinabi ko kaya inabutan agad namin siya ng juice. "Grabe ka, Tine! Ano'ng itsura? Sobra bang pogi? Yummy?"

Napatungo kami ni Sage sa hiya dahil sa lakas ng boses ni Ellie. Nagsitinginan tuloy sa puwesto namin 'yong ibang kumakain.

"I mean, yummy ba 'yang in-order mo?" sabi ni Ellie habang nag-iimpit kami ni Sage ng tawa.

Ikinuwento ko sa kanila ang mga nalaman ko tungkol kay Kierre. Nang malaman nga ni Ellie na may asawa na ito, bigla siyang animo'y batang inagawan ng kendi sa pagkalungkot. Napapailing na lang kami ni Sage habang natatawa.

Few moments later, two girls approached us with deadly glares. "Kay bago-bago, lumalandi agad? Hindi ako aware na pinahihintulutan pala rito ang mga mahaharot na nilalang," sabi ng isang babaeng akala mo kung sino makaasta. Inirapan pa nito si Ellie matapos magsalita.

Gayunman, napanganga kami nang biglang tumayo si Ellie at nakipagsabayan ng pag-irap doon sa babae. "Excuse me? Masama na bang pag-usapan kung kanino ipinangalan ang lugar na ito? Kaya nga namin pinag-uusapan si Head Guardian Kierre, kasi bago kami. Ano'ng gusto mo, ikaw ang pag-usapan namin?" Tiningnan pa ito ni Ellie mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakakabuwelta ang babae ay tuloy-tuloy siyang niratratan ni Ellie.

"Eh, wala namang kainte-interes sa 'yo, 'te! Sabog 'yang buhok mo at mukha kang trying hard wanna-be sosyalera. 'Tapos ano'ng gusto mong marinig? Iyon bang pangit ka o 'yong hindi ka naman maganda? Pili ka na lang kasi ayoko talagang manlait, eh. Pero hindi rin ako sinungaling. Kaya sige nga, ano'ng pag-uusapan namin tungkol sa 'yo?" Taas-noo pang nakapamaywang si Ellie habang 'yong babae ay nag-aalab na sa galit. Nagtatawanan na kasi ang ibang nasa paligid. Napabilib naman ako sa fighting spirit na mayroon si Ellie.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now