Prologue

189 34 16
                                    

Ika-15 ng Mayo taong 1977

Flashback 6 years ago

Papunta akong simbahan dahil araw ng Linggo at kailangan kong mag-alay.

Kahit na marami ang importanteng gawain, pinaka importante na maglaan ng oras sa Diyos at dapat na siya ay laging uunahin. Kailangan natin maging mabuting nilalang na sinusunod ang kaniyang mga salita at utos.

Pero, hindi tayo perpekto.

Hindi ako perpektong tao.

Nagkakamali rin ako at 'yong pagkakamali ko ay hindi ko na maitatama pa.

Minsan kasi ay hindi rin natin maiiwasan na mailabas ang masamang ugali na itinatago natin. Kagaya na lang ng nangyari sa akin noon, kanina pa 'yong taong grasa na nanghihingi ng pera sa mga tao.

Marumi siya at halata na matagal na 'yong huli siyang nakaligo dahil sa itsura nito. Kaliligo ko lang, kapag ako ay nilapitan at hinawakan nito. Baka, hindi ko makontrol ang galit ko at masaktan ko pa siya.

Pilay din siya, halata naman dahil iika-ika siya kung mag-lakad at parang iniinda niya ang sakit ng kaniyang nararamdaman tuwing aapak sa lupa ang kaniyang kaliwang paa.

Bakit ba nila binibigyan?

Alam ko na dapat maging mapagbigay tayo sa ating kapwa, pero huwag naman sa lahat! Kagaya ng mga tao na ito. Mamaya, gamitin lang 'yan sa kung anong mga droga!

Delikado na.

Nakita ko siya na papalapit sa akin at nakabukas ang palad niya.

Animo'y nanghihingi sa akin ng makakain o pera. Mukha ba akong taga bigay ng mga pagkain sa mga katulad niya? Umiwas ako sa kaniya, ngunit sinundan niya pa rin ako kahit saan man ako magpunta.

Ano ba ang gusto nito?

Bagong ligo nga kasi ako! Ayoko nga mabangasan ng kadumihan at kadugyutan nitong pulubi na ito.

Magandang hapon po. Maaari ba akong makahingi ng pera?tanong niya.

Mas inilapit niya pa ang palad niya sa akin at yumuko. Tumingin ako sa paligid at halata ang awa sa mga mukha ng mga nanonood.

Edi, sila na lang sana ang magbigay sa tao na ito!

Ang dungis-dungis ng kaniyang mukha. Punong puno ito ng mga uling at hindi lang mukha kun'di pati na rin ang buong katawan niya.

Butas-butas ang suot na damit na halatang luma na ito at buhaghag ang kaniyang kulot-kulot na buhok na parang ilang taon ng hindi nasusuklay. Wala rin siyang sapin sa paa.

Makikilimos po,” muli niyang sabi na dahilan para matigil ang pagtingin ko sa kaniyang pisikal na itsura.

Huwag mo nga hawakan ang damit ko! Ang dumi-dumi mo at kakaligo ko lang. Ayoko! Mamaya gamitin mo lamang 'yan sa kung anong mga droga!” suway ko rito.

Nakataas ang kilay na sabi ko at tinulak siya nang malakas para malayo siya sa akin. Nakita ko na masama ang tingin niya sa akin, pero binalewala ko lamang.

Iniwan ko siya na nakahandusay sa daan at hirap sa pagtayo dahil sa kaniyang pilay. Hinayaan ko na lang din ang mga mapanghusga na tingin ng mga taong nasa paligid na nakakita ng aking ginawa sa babaeng pulubi.

Hindi ko tinulungan ang pulubi at umalis nang hindi man lang lumilingon kahit isang beses sa kanila. Hindi rin ako nakaramdam ng ultimo unting awa sa kaniya.

Tutulungan naman n'yan ng mga tao na kunwari mabait, pero demonyo rin naman.

Hindi ko akalain na dahil sa pangyayari na 'yon ay mawawasak ang buhay ko. Hindi lamang buhay ko, kun'di pati na rin ang anak ko na walang kamuwang-muwang sa mundo.

At, siya pa ang naapektuhan nang todo.

The Deadly CurseWhere stories live. Discover now