Kabanata 1

148 27 22
                                    

Ika-11 ng Junyo taong 1983

Kabanata isa

Sumpa

Third Person's POV

Nanginginig sa takot ang babaeng kapapanganak lamang.

Sinubukan niyang tumayo ngunit dala ng takot at panghihina ay wala siyang nagawa kun'di mahiga at panoorin ang komadronang buhat ang sanggol, sanggol na anak niya.

“Kalokohan 'yan! Ano ang pinagsasasabi mo?!” takot na tanong nito.

Pilit na isinasantabi ang sakit na nararamdaman para lamang malinawan sa nais iparating ng matandang babae.

Halata ang takot at pangamba na namumutawi sa mukha nito. Kahit na nakakaramdam pa rin siya ng sakit dulot ng bagong panganganak ay parang hindi na niya ito napapansin, dahil sa pagkabigla sa sinasabi ng komadrona.

“Kakaiba itong anak mo. May hindi tama sa kaniya,” sagot ng komadrona na tumulong sa kaniya.

Halata ang pagkalito sa mukha ng matanda at ang takot din na halatang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Hindi siya mapakali at nais nang bitawan ang batang bagong silang sa mundo.

Alam niya na hindi maganda ang kaniyang nararamdam kaya't takot at pangamba ang nangingibabaw sa kaniyang nararamdaman kahit na nalilito siya sa nangyayari ngayon.

“A-ano ang mali? Paanong kakaiba? Sino ka ba? Ba-bakit ganito ang iyong mga salita?” takot na tanong ng Ina.

Pilit niyang iniaabot ang kaniyang anak na hawak at buhat-buhat ng matanda na tumulong sa kaniya para maipanganak niya ang kaniyang una at nag-iisang anak.

Anak ng kasamaan at kalibugan.

Pero, tinanggap niya pa rin dahil dumadaloy na sa sanggol ang dugo niya. Kahit na araw-araw siyang binabangungot, tinitiis niya para lang mabuhay ang bata.

Pero ngayon ay halatang pinagsisisihan na niya na binuhay pa niya ang sanggol.

“Magbibigay ng kamalasan ang bata na ito! Diyos ko po! Tama ang aking nararamdaman!” takot na sigaw ng matanda.

Inilapag nito ang sanggol na kanina pa walang tigil sa kakaiyak. May bahid pa ng dugo ang buong katawan ng bata ngunit siya ay nakabalot ng mainit na lampin upang hindi malamigan.

Kinuha ng kawawang Ina ang kaniyang madungis na anak at tinitigan ito, “Hindi maaari, ano ang nangyayari? Ano ba ang ginawa ko para mangyari ito?” tanong niya sa kaniyang isipan at naguguluminahan.

Lumandas ang isang butil ng luha sa kaniyang namumulang pisngi.

Tumitig siya sa kawalan at napatingin na lamang sa labas nang magsimulang mahulog ang malalaking patak ng ulan sa bubong na yari sa yero.

Nilingon niya ang kumadrona na walang ginawa kun'di umikot nang umikot sa buong k'warto. Hawak ang kaniyang ulo at nag-iisip, halata na hindi mapakali ang matanda at nanginginig pa ang kaniyang kulo-kulubot na mga kamay.

“H-hindi kita maintindihan, manang! Kausapin mo naman po ako at huwag kang mag-isip mag-isa. Anak ko ito, eh,” naguguluminahang pagmamakaawa ng babae na nanganak.

Pilit na sinasabi niya sa kaniyang sarili na panaginip lamang ito at walang pawang katotohanan.

Nagsisinungaling ka ba? Huwag naman po ganiyan.” Mangiyak-ngiyak na tanong niya at napailing ang matandang babae.

Sana nga, sana nga nagsisinungaling lamang ako, ngunit hindi!” Pinipilit ng matanda ang babae upang masolusyunan agad ang pagsumpa sa anak nito.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 01, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Deadly CurseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang