"P-Patawarin niyo po ako...hindi ko po g-gusto ang nangyari...kung...kung alam ko lang hindk ko hahayaang mangyari sa kaniya ito. P-Patawarin niyo po ako"

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita dahil sabay silang umiyak.

"K-Kung pwede lang, kung pwede lang na ako ang pumalit sa posisyon ng lahat ng tao na nasa operating room ngayon ginawa ko na...hindi ko ito hiniling – m-mahal ko siya...mahal ko si Aki" yan na lamang ang nasabi ko habang nakaluhod at umiiyak pa din

Nakita kong gumalaw si Joy Cris at nilahad ang kamay niya.

"Tumayo ka diyan. Kung mahal mo ang kapatid ko, magpagamot ka. Siguraduhin mo lang na gigising siya, dahil pag hindi ako mismo ang kikitil ng buhay mo. Wala akong pakialam kung mayaman ka, may kapangyarihan ka. Sinabi mong mahal mo siya, panindigan mo"

Tumayo ako gaya ng sinabi niya, sinamahan ako ni Dylan na magpagamot. Naadmit din ako dahil sa mga sugat na nasa likod ko, napakarami non. Ang ilan ay malalalim kaya kailangan obserbahan.

Nabalitaan kong umabot ng halos 15 hours ang pag opera kay Daddy,nasa ICU na siya at under monitoring. Si Eric naman ay 16 hours, at si Aki naman ay 16 hours and 30 minutes. Natagalan dahil nag bleeding daw siya sa kalagitnaan ng operasyon.

Umabot ng tatlong araw bago ako pinayagang makauwi ng doctor, binigyan niya ako ng ointments at ibang mga gamot. Umuwi muna ako para magpahinga, maligo, at kumain. Pagkatapos ay bumalik ako ng hospital.

Magkakatabi lang silang tatlo dahil malaki ang ICU area ng hospital, may harang lang na salamin sa pagitan nilang tatlo. Nasa kanan si Dad, kaliwa naman si Eric at nasa gitna si Aki. Kung ikukumpara mo silang tatlo, mas maraming nakakabit kay Aki. Tinanong ko na iyon sa doctor at ang sabi niya ay dahil may iba pang iniinda si Aki, mas kailangan nila ng bigyang atensyon ang katawan niya. Tulad kanina, tumaas ang oxygen niya at mababa ang blood pressure niya.

Days turned into weeks. Halos dalawang linggo na silang walang malay, nagiging stable na si Dad at ang sabi ng doctor anytime daw ay magigising na siya. Masaya ako dahil alam kong ligtas na si Dad, tanging si Eric at Aki nalang ang hinihintay.

Dumating ang kapatid ni Eric na si Erica, ikinwento ko sa kaniya ang nangyari at halos mawalan siya ng malay sa nalaman niya at lalo na ang naging dahilan kung bakit nasa comatose ang kuya niya ay kagagawan ng Papa nila.

Nagsasalitan lang kami sa pagbabantay, halos bumagsak na ang katawan ko dahil kulang sa tulog at kain. Pinapagalitan na ako ng lahat dahil pinapabayaan ko na ang sarili ko.

Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko nanaman ang nangyari. Nagigising akong may luha na sa mata ko, halos buong gabi ako hinahunting ng mga nangyari.

Umabot ng isang buwan ang pagkakacomatose nila Eric at Aki, si Dad ay nagising na kaya naman inilipat na ng room. Walang araw na hindi ako umiiyak lalo na pag sinasabi ng mga doctor na palala ng palala ang sitwasyon nilang dalawa.

Tatlong beses sa isang araw kung atakihin si Ako, si Eric naman pabago bago ang vitals niya. Hindi sila stable.

"Magpahinga kana, ako na ang magbabantay sa kanila" sambit ni Dylan

"Ayoko. Dito lang ako"

"Huwag matigas ang ulo, ang payat mo na! maputla na din ang kulay mo, yung eyebags mo sobrang halata na. Magdadalawang buwan na Stephen, ayusin mo naman buhay mo"

"Paano? Sabihin mo sa akin kung paano! Pag matutulog ako nakikita ko yung nangyari, pag titingnan ko yung mga kamay ko dugo yung nakikita ko. Paano?! Kasi...tangina kahit anong limot gawin ko hindi ko magawa!! Sinisisi ko sarili ko sa mga nangyari!" hindi ko napigilang umiyak

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now