Napangise naman yung lalaki at lumayo sa amin.

"Easy pare, kinakausap ko lang siya."

"Kinakausap? Alam mo bang hindi ko pinapayagan na may kumausap dyan?"- he said with turo pa sa akin ni Jayvee.

Okay? Ngiti lang Crissa, huwag magpa-halatang kinikilig!

"Relax pre."- natawa at napailing yung halaki at umalis nalang

"Gagong 'yun, tss."- tumingin naman siya sa akin, parang nakaramdam sya bigla ng hiya.

"S-Sorry, anong sinabi nya sa'yo? Sinaktan ka ba nya?"- pag aalalang tanong nya

"Ano kaba, hindi no. Tsaka kaya ko naman 'yon."- sabi ko

Ngumiti naman siya. Lecheng ngiti!

"Y-Yung upuan akin na nga."- inagaw ko na sa kanya yung isa tapos naupo na agad ako, napapalunok ako nang wala sa oras. My god Crissa relax!

Umupo naman siya sa harap ko.

"May sasabihin pala ako."- excited nyang sabi sa akin

"Ano?"

"Bukas last hearing ko, g-gusto ko sana pumunta ka dun, pwede ba?"

Napaisip naman ako.

"Anong oras ba? May pasok kasi ako bukas."

"8am, pero kung hindi ka pwede okay lang."- halatang medyo nawawala na yung mga ngiti nya kanina

Tsk .. paano ba'to? Gusto ko rin siyang samahan eh.

"Hmm saan ba?"

Napatingin siya sa akin ng diretso.

"Pupunta ka?"- tanong nya ulit

Marahan akong tumango, hindi ko talaga sure. Pero basta! Napangiti naman siya.

"Sa Maynila, Regional Trial Court Branch 2, hihintayin kita."

Tumango naman ako at ngumiti.

"Sige, don't worry pupunta ako."

"Yes!"- kung makayes siya. Tss hahaha!

May naalala naman ako bigla.

"Hoy."

Tumingin siya sa akin.

"Ano yung sinabi mo kanina ha? Remember? Hindi pa kita sinasagot."

Natawa naman siya.

"Hindi na uso 'yon."

"Anong hindi na uso 'yon? Kayo talagang mga lalaki hindi kayo marunong manligaw."

"Bakit kailangan pa kitang ligawan eh alam ko namang sasagutin mo rin ako."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Wow! as Wow!

"H-Hoy, hindi pa nga eh."

Nilapit nya yung mukha nya sa akin sabay yakap. Hmp!

"By the way, thank you."- he said

"Thanks para saan?"

"Kasi nandidito ka, binibisita mo ko."

Lumayo ako, nakita ko naman nagpapa-cute sya. Kinurot ko ang pisnge nya.

"Huwag kang magpa-cute dyan, parang wala namang dumadalaw sa'yo dito."

Natawa naman siya, tapos napatingin ako sa isang kamay nya na hinawakan ang kamay ko.

"Wala nga."

Nagulat ako sa sinabi nya.

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon