Kapitulo 12

97 9 0
                                    

Gotcha

Bumuntong-hininga nalang ako saka humiga sa kama, hindi talaga siya aalis. Walang balak na iwan ako rito. Tumagilid ako sa kaliwa para hindi niya makita ang mukha ko.

Akmang hihilahin ko ang kumot pataas para makumotan ang bahagi ng dibdib nang maramdaman ko nalang ang kamay niyang hawak ito, kinumotan niya ako. Inayos niya ang banda ng aking paanan. Pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang inupuan at pinatay ang ilaw.

"Sleep tight, Yiahna."

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil mas nangibabaw na ang antok na naramdaman ko, unti-unting pumikit ang aking mata hanggang sa lamunin ako ng malalim na tulog.

Mga banda madaling araw, naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Hindi ko pala nakain iyong dalang pagkain ni Manang, tanging ang hinatid ni Zaeive na soup lang ang laman ng tiyan ko.

Bumangon ako saka pumihit pakaliwa para sana doon bumaba pero ganoon nalang ang pag-igtad ko paatras dahil bumungad sa akin ang tahimik at malayang mukha ni Zekeil na natutulog. Hindi ko man lang naramdaman na tumabi pala siya sa akin.

Napapahid ako sa gilid ng noo dahil bigla nalang akong nilabasan ng pawis kahit malamig naman ang klema.

Ano ba ang iniisip niya at tumabi sa akin? Akala ko ba hindi na mauulit? Bakit nangyari ito ngayon? Pangalawang beses na.

Tahimik ko siyang pinanonood sa pagtulog, ngayon ay malaya kong nakikita ng malapitan ang pilik mata niyang mahaba, ang kilay niyang makapal, matangos na ilong at perpektong hulma ng labi. Napansin ko rin ang panga niyang may maliliit na tumubong balbas, hindi ko alam pero imbis makaramdam ng pagkadisgusto ay kabaliktaran ang nangyari. Lumunok ako saka iniwas sa kaniya ang tingin.

Pinagnanaasan ko na ang lalaking may asawa na. Mabigat ang pakiramdam na umalis ako sa ibabaw ng kama, lumiko ako sa bahagi niya para suotin ang tsenilas.

Walang ingay akong bumaba ng unang palapag, madilim ang buong mansion. Nagpapasalamat nalang ako sa maliliit na ilaw na nasa gilid ng bawat ceiling wall, iyon kasi ang nagbibigay ilaw sa mansion.

Nalilito ako kung ano ba dapat ang kakainin, para kasing mas gusto ko ulit iyong soup ni Zaeive. Paano ba iyon lutuin? Lumapit ako sa kitchen counter saka kumuha ng hilaw na mangga at hinugasan ito pagkatapos ay binalatan bago ko kinagatan.

Naupo ako sa stool, nakapangalumbaba ang isa kong kamay sa ilalim ng baba ko. Gusto kong kumain ng soup pero alam kong malabo itong mangyari ngayon, kanina pa sila tulog. Kung marunong lang akong magluto n'on ako na ang gagawa.

"Damn! I thought something bad happened to you again."

Nilingon ko ang bukana ng kusina dahil sa boses ni Zekeil. Magulo ang buhok niya habang naglalakad patungo sa deriksiyon ko, mapupungay din ang kaniyang mata.

Nginusuhan ko siya nang tuluyang makalapit.

"Nagutom ako kaya kumain. Gutom ka rin, Zekeil?"

Hindi ko na iyon tinago, halata naman na sa akin kung ano ang ipinunta ko rito kaya kahit hindi siya nagtanong ako na ang kumusang magsabi n'on.

Napatitig siya sa akin nang ilang segundo bago nilipat sa kinain kong prutas.

"Yet you are eating that."

Bigla niya itong kinuha mula sa kamay ko saka binato, pumasok ito sa basurahan na nasa gilid lamang.

"Mas lalong maghihilab ang tiyan mo. Wait me here, I'll cook."

Iniwan niya ako at nagtungo siya sa unahan, kumuha siya ng tatlong klase ng gulay at iba pang sangkap sa lulutuin niya. Mabilis niya itong hiniwa. Namangha ako sa abilitad niyang pinapakita ngayon, hindi halatang eksperto siya sa ginagawa.

His Uncontrollable AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon