Kapitulo 9

106 11 1
                                    


Trieven

Malungkot ko lang siyang nginitian saka tahimik nang humarap. Ilang sandali pa ang lumipas at kaagad niya ng hininto ang sinasakyan naming electric golf cart. Lumabas din agad ako saka hinintay siya sa gilid nito.

"Hindi na kita masasamahan kay Vourvoon, pupuntahan ko kasi si Zheliegh."

Tumango siya.

"Sure. No problem! Just approach me there if you decide to go back home after checking her," sagot niya.

"Mga bandang alas-sais na siguro tayo uuwi. Kailangan ko rin suriin ang iba pa rito pati si Vourvoon pero sige pupuntahan kita pagkatapos ko."

Nasa kuwadra na ang mga gamit. Hindi ko kasi iyon nadala dahil sa pagpunta ko sa bahay nila Tay Emuelto kahapon. Nakita ko naman ang pagsenyas ni Trievin sa akin na mauuna na siya. Hindi ko agad ito natugunan dahil bigla akong natigilan sa naalala. Sa bahay ni Tay Emuelto. Paulit-ulit iyang rumihestrado sa isipan ko. Nagpunta nga ako roon? At kahapon nangyari iyon? Pero paanong hindi ko naalala? Naguguluhan akong lumakad papasok sa kwadra.

Sandali akong huminto sa bakod at roon inilagay ang kaliwang kamay. Pinikit ko ang mata saka pinilit ang sariling alalahanin ang nangyari pero ganoon nalang ang pagbuntong-hininga ko nang maramdaman na sumakit lang ang ulo ko sa aking ginawa at kahit ni bahid na kaunting eksina ay walang rumihestro. Siguro ay naguguluhan lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin kaya imbes sa kwadra pumunta ay lumabas ako ng bakod.

Magpapahangin muna siguro ako. Kaya naman lumakad-lakad ako sa kalupaan nila Tita, at grabeng pagkamangha ang naramdaman ko nang makita ang kalawakan ng rancho. Bigla ay nakalimutan ko ang aking iniisip dahil sa nakikita.

Kaagad akong lumiko nang makakita na parang pormang daan, ito lang ang sinusundan ng paa ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at puno ng mga bulaklak ang nakita ko. Nasa likod ata ito ng kwadra kasi nang tumalikod ako para tingnan kung nasaan, nakita ko ang likuran nito. Malapit lang pala. Mamaya nalang siguro ako pupunta d'on. Check-up lang naman ang gagawin ko.

Humarap ako sa aking unahan at may nakita agad akong nag-iisang puno at iyon ang nilapitan ko. Sa ilalim ay may nakahandang upuan, gawa sa matibay na kahoy. Umupo ako nang makarating saka wala sa sariling tumingin sa kawalan.

Bumalik agad sa aking isip ang nangyari kanina. Kung panaginip lang ang nangyari... ibig-sabihin nasa bodega ang mga gamit, doon kasi ito nilalagay nila Tay Emuelto pagkatapos kong gamitin. Malapit lang naman ito nasa unahan lang ng kwadra, ang problema lang ay nakakandado ito at hindi ko naman alam kung nasaan sila Tay Emuelto para kunin ang susi. Ang pagkakaalam ko kasi ay sila ang humahawak nito. Mayroon pa namang isa pero na kay Zekeil naman at ayaw ko siyang makita ngayon o kahit sa mga sumusunod, kaya lang imposible naman atang mangyari ang naiisip ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at napaisip na naman ng tungkol sa panaginip, pero... talaga bang panaginip lang ang nangyari? Bakit parang totoo iyon? At hindi lang ito basta-bastang panaginip? Napapilig ako ng ulo saka isinalya ang likod sa sandalan. Nandito ako para magpahangin at para tuluyan ko ring malimutan ang kanina pang gumugulo sa isip ko, hindi ako pumunta rito para mas alalahanin ang nangyari kanina. Kung bakit naman kasi naghahanap pa ako ng sagot.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ng lagaslas ng tubig. Tumayo ako at nagtungo sa aking unahan, ganoon nalang ang pag-awang ng labi ko nang makita ko ang nasa ibaba. Hindi ako makapaniwala na may lawa rito.

Sobrang linaw ng tubig at berdeng-berde ito kung tingnan. Nagliliwanag ito dahil sa init na tumatama. Ang tubig na nahuhulog paibaba ay nagbibigay alon sa lawa. Sobrang sarap siguro sa pakiramdam kapag lumubog ako riyan. Pero natatakot naman ako dahil baka may mga ahas diyan at bigla nalang akong tutuklawin. Napanguso ako dahil sa naisip.

Uncontrollable ObsessionWhere stories live. Discover now