Kapitulo 2

156 16 0
                                    

Isla Rosverde

Umagang-umaga ay mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko inakala na hinatid lang pala ako ni Mama rito. Kagabi ay bumyahe pala siya pauwi nang maynila pagkatapos nilang mag-usap ni Tita. Hindi man lang niya ako kinausap sa huling sandali. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of reach ang phone niya. Nakapagtataka, kagabi lang siya bumyahe pero walang signal ang cellphone. Naalala ko ang pag-uusap kagabi. It ended with my approval. Pumayag ako kasi naisip ko ang effort ni Mama at Tita. Saka nakakahiya siyang tanggihan.

Napailing ako, si Zekeil... nakakatakot siyang pakisamahan rito. Naalala ko kagabi na nag-iiba ang takbo ng puso ko, nakakakaba ang titig niya na sobrang lalim. Umiling ako, I should stop thinking. I took a deep breath before standing and face myself on the mirror, matamlay kong nginitian ang sarili roon.


I put the comb and decided to open the door. Someone just knocked on it. Kaagad kong nakita ang nakangiting labi ni Tita nang mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto.

"Hi! Uhh... g— good morning, Tita."


Napasulyap siya sa aking mukha saka sa suot ko, mayamaya lang ay ngumiti siyang ulit sa akin.


"Magandang umaga rin. Come downstairs if you're finish with your routine, the table is ready for us to eat," pag-aaya niya.

"Sabay nalang po ako sa inyo. I have nothing to do anymore," except the examine later. Ngayon ang una kong check-up sa mga hayop nila rito.

Sabay nga kaming bumaba at dumiretso sa dining table nila. Last night I met Tita Elis' husband and I can say that he is nice, he even welcomed me warmly. Magkahiwig ng mukha si Tito Sin at Zekiel, ang pinagkaiba lang nila ay pala ngiti si Tito samantalang si Zekeil ay hindi.


We entered the dining with the guys already there, siting. I guess they are waiting for us. Bigla naman akong namula nang maalalang nahuli ako, I should come here early so everyone won't wait me.

"Good morning!" I flashed a smile to hid the shyness I felt. Palagi nalang yata akong nahihiya.


Nakita kong tumango ang ibang lalaking naroon pero si Kierchoff ay nag-abalang tumayo para pag hilaan ako ng upuan.


"You can sit here." The dimple on his cheek became visible right after he smiled. I said thank you to him for his kindness.


Tumango naman siya. "You're welcome," aniya.

"Naks!"


Tumingin ako kay Jeuliuz nang marinig iyon galing sa kaniya. Umayos ako sa pagkakaupo at nilibot ang tingin sa lamesa. Wala pala si Zekeil. Siguro nasa kaniyang silid parin, but I bet he's at work now. He's a business man so I think he's early person. Ako kasi ay nasanay na akong malapit nang magtanghali gumising dahil ang mga schedule na napupunta sa akin ay madalas sa hapon na, kahapon lang ata ang naging maaga.



Tahimik kaming nag-umpisang kumain roon nang makaupo na si Tita sa tabi ni Tito, ang mga lalaki naman ay paminsan-minsan kong nasusulyapan tuwing nag-aangat ako ng tingin para uminom ng tubig.

"Hija, maayos lang ba sa'yo kung dito ka nalang pansamantala. Tutal your mother is at home now. Inaalala lang namin ang kapakanan mo," umpisa ni Tita, pagkatapos niyang nguyain at malunok ang sinubong pagkain.

Naalala kong sinuhestiyon ko pala kagabi na sa hotel nalang ako tutuloy, bago kasi ako pumayag ay tinanong ko sila kung may hotel ba rito at sa kabutihang palad mayroon naman pero pag mamay-ari parin nila ito. But that's okay, at least maging malayo ako sa kaniyang anak na lalaki. At para narin hindi mangyari ang pinaplano ni Mama sa akin.


Uncontrollable ObsessionWhere stories live. Discover now