"Nga pala Jamie gurl. Kailangan mong uminom ng gamot." Sabi niya. Pero nanatili lang akong tulala. "Huy!" He snap me out at ganun nalang ang panlalaki ng aking mata noong makitang malapit na malapit na ang kanyang mukha sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Nahigit ko ang aking paghinga at saka napakurap kurap at wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng puso ko hindi dahil sa gulat kundi dahil sa mas lumakas ang pagdagundong ng puso ko dahil sa pagkakalapit ng aming mukha.
Napatitig ako sa kanyang mata. Napalunok nalang ako noong gantihan niya din ako.

Napaatras ako noong bigla na naman niyang ilapit ang mukha niya. Mas malapit kesa kanina, napasinghap ako at biglang iniatras ang aking ulo upang hindi magkadikit ang tungki ng ilong namin. Naningkit ang kanyang mga mata, napalunok naman ako at wala sa sariling napatingin sa kanyang labi.

"Ok ka lang?"  He ask. Napalunok ulit ako. Paano ako magiging okay kung napakalapit niya sa akin. "You seem weird." He said at lumayo na siya sa akin. Doon lang ako nakahinga ng maayos. Actually doon lang ako nakahinga dahil hindi ko na namalayan na napatigil na pala ako sa paghinga kanina. Nag exhale inhale ako para sumagap ng hangin. Tinignan ko si Quiro ng masama may balak ba siyang patayin ako! Gosh! Napaka ano niya.

'He isn't doing something wrong Jamieya. Ikaw lang itong OA.'

Pero sinamaan ko pa rin ng tingin si Quiro.

"O ano na naman ang kasalanan ko sayo gurl ba't ang sama mo makatingin?" Tanong niya na akala mo walang ideya pero ang bakla ngingisi ngisi naman. Mas lalo ko siyang sinimangutan, inirapan ko pa siya na siyang ikinahalakhak lang niya.

"Quiro patayuin mo ako." Utos ko sa kanya kaya natigil siya sa pagtawa.

"Diyan ka muna gurl. Di pa ako tapos maghugas."

"Patayuin mo nga ako." Pamimilit ko.

"Maya na gurl." Sabi niya ulit. Napasimangot ako. Ayaw niya talaga kaya ako nalang ang tatayong mag isa. Kaya ko naman siguro. Basta gusto kong tumayo rito at aalis na ako.
He is so focus washing the dishes. Napapaaray nalang ako ng mahina. Hindi ko lalakasan baka makuha ko ang atensiyon niya. Napahinga nalang ako ng malalim noong makatayo ako. Inirapan ko muna siya kahit na hindi niya nakikita at dahan dahan akong naglakad papunta sa may sala.

Pagkarating ko doon ay napatigil na naman ako sa paglalakad at saka napahawak sa tapat ng puso ko. Napailing ako at saka kunot noong napalingon sa may kusina kung saan ko iniwan si Quiro.

Hindi pa din kasi bumabalik sa normal ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ko na hinintay si Quiro na matapos sa ginagawa niya pumanhik na ako sa taas dahil inaantok na ako. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakarating ako sa taas. Akala ko hindi ko kakayanin ang pumanhik eh. Dumiretso na ako sa kwarto ko.

Naririnig kong hinahanap ako ni Quiro sa baba yun nga lang hindi ko siya sinasagot kung nasaan ako. Sa halip ay dumiretso ako sa banyo para sana makaligo na ako dahil nanlalagkit na rin ang katawan ko.

Pagkalabas ko ng banyo dito sa aking kwarto ay natigilan ako noong lumanding ang mata ko kay Quiro na prenteng nakaupo sa aking kama habang nakasandig sa headboard. Masama ang tingin na ibinibigay nito sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Teka may nagawa na naman ba akong mali?

He sigh. "Jamieya gurl, naiinis ako sayo."

"Bakit?" I ask.

Tinignan niya ulit ako ng masama. Sabi ko nga dapat hindi ko na tinatanong dahil obviously ay nakakainis nga naman talaga ako. I know hinahanap niya ako sa baba kanina pero hindi ko man lang ipinaalaam na nandito na ako sa taas.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now