"Ha? Saan mo naman nakuha iyan gurl. Kung ganun saan ako kakain kung hindi dito?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Aba malay ko. Saka iisang plato kasi ang nakahanda sa mesa." Sabi ko at saka inginuso ang plato. Tinignan naman niya iyon.

"Nag ooverthink ka masyado gurl. Kinuha ko lang yung gel donut sa sala kaya ako umalis" He said and rolled his eyes.   Kasalanan ko ba kung masyado akong nag ooverthink saka hindi talaga ako mapapanatag hangga't hindi ako nakakapag sorry ng maayos sa kanya. Basta feeling ko kailangan kong gawin iyon.

"Umupo ka na." Sabi niya at tinapik ang upuan kung saan nakapatong na iyong gel donut cussion na binili niya kanina sa isang drug store. Kailangan ko iyon if ever uupo ako.

Inalalayan niya pa ako sa pag upo. At napapamura na lang ako ng mahihina dahil habang gumagalaw ako upang umupo ay  siyang pag atake ng kirot ng aking pwetan.

"Dahan dahan lang gurl." And like a nurse he help and guide me. Napa- hu nalang ako noong sa wakas ay nakaupo na ako. He sat beside me at saka kinargahan ang plato ng pagkain but he place the plate in front of him. Litong sinusundan ko nalang ng tingin ang galaw niya.

"Here eat." He said at iniumang ang kutsara sa akin na may kanin at ulam. Hindi ako nakapagreact agad, napatitig lang ako sa kutsara at saka sa kanya. Mas nagtagal ang mata ko sa kanya dahil ngumiti siya at saka niya ako tinanguhan like signaling me to do what he want me to do. At bigla bigla ay parang nag glow siya bigla  sabayan pa ng pagdagundong ng aking puso. Napakurap kurap ako.

"Oy gurl. Ano na." Panggigising niya sa akin kaya naman natauhan ako at wala pa rin sa sarili na napanganga. Saka lang ako tuluyang  nahimasmasan noong maramdaman ko ang medyo mainit init na pagkain sa loob ng bibig ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nginunguya ko ang pagkain. Noong malunok ko iyon-

"Oy bakla hindi mo naman kailangang gawin ito. I can feed myself. Pwetan ko po ang masakit hindi ang kamay ko." I said and I even shake my hand to show him that my hand was okay. "See diba-hmpft!" Muntik na akong mabilaukan at hindi ko na natapos ang sasabihin ko  noong sinubuhan niya ako ng walang pasabi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Dami mong anash Jamie gurl. Kumain ka nalang. Just grab the chance." He said and rolled his eyes on me.
Agad kong nilunok iyong nginunguya ko dahil aangal na naman ako.

"But you also need to eat!" Angal ko. "Just give me the spoon and let me feed myself." Inaabot ko ang kutsara sa kanya pero hindi niya ako pinayagan na makuha iyon.
Napanganga nalang ako noong kumutsara siya ng kanin and put it in his mouth.

"O yan I am already eating. May anash ka pa ba gurl?" He ask me. Natahimik nalang ako at saka napakurap kurap. Kumain ulit siya and after that he scoop a spoonful and
"Say ah gurl." He said. Para na naman akong timang na napatingin sa kutsara. We are using the same spoon and plate, napakurap kurap na naman ako kasi bago ito para sa akin.

Is he being sweet right now?

Ayun nga pinakain niya ako at sa buong oras na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang ngumanga para subuhan niya.

Ilang beses din akong nabilauakan dahil hindi ko malunok ng maayos ang pagkain sa kadahilanang kumakabog ang puso ko ng malakas at saka  mga day hindi ako sanay!

Mula noong matapos kaming kumain ay pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Pinapakiramdaman ko ang aking sarili. Nawiwirdohan nalang ako sa aking sarili at napapahawak sa tapat ng aking dibdib dahil mula pa kanina ay ganito na ang tibok ng aking puso.

Naghuhugas siya ng mga ginamit namin. Pahawak hawak lang ako sa tapat ng dibdib ko inoobserbahan ko kung babalik pa ba sa normal ang tibok ng puso ko.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon