09

175 19 1
                                    

[Chapter 9]


*****


Maya-maya nag-umpisa na yung orientation para sa mga mag-aaudition for the theater act.

Nakaupo kaming tatlo dito sa harapan, ako ang nasa gitna. Nasa kanan naman si John Mark at si Khent naman nasa kaliwa ko. Hindi ko alam pero hays, nakakaramdam ako ng inis kay Khent. Halata kasing pinag-iinitan nya si John Mark ko.Hays, hindi ko naman pa pwedeng sabihin na medyo on na kami ni bakla, hindi muna pwede dahil alam kong hindi pa ready si John Mark.

HAYS!!! BAKIT BA KASI PARANG AKO YUNG NANLILIGAW?!!!

"So lahat nang nandito ngayon is sasali sa theater act?"- tanong ng president council na si ate Annabelle.

Sumagot naman ang lahat ng yes.

"By the way ako si Annabelle Gavino at alam ko naman na kilala nyo na ako, ang ayoko sa lahat .."

"ANG PASAWAY!!!"- sagot ng lahat, whoaaa bakit hindi ko alam yon?

"Ang mga pasaway tinatanggal ko agad. Oo! Tama ang nadinig nyo, tanggal agad! Sumali kayo dito sa theater act dahil gusto nyong mag-perform sa harap ng maraming tao at ipakita ang galing nyo sa pag-arte. Hindi yung magpapakita ka ng kagaguhan mo sa harap ng maraming tao."

Nanlalaki ang dalawang mata ko, hindi ko inexpect na ganito pala ka-strict si ate Annabelle.

"May ibibigay kaming maikling script galing sa movie na ' A Walk to Remember' at ang script na 'to ang gagamitin nyong pang-audition. So hindi lahat mapipili, kung sino ang makakitaan namin ng potential sa pag-arte ay 'yon ang makakapasok, 15 minute's kabisaduhin nyo na ang script."

Omg, I'm so excited. After that, binigyan kami ng tig-isang script. Wait, narealize kong dalawang tao lang ang nandito. Si Jamie at Landon.

Tumingin ako kay John Mark at Khent. Wait? Paano to?!

"Okay mag-practice na tayo baby."- Khent said

Tumingin ako sa kanya, my had?

"H-Ha, eh .."- tumingin ako kay bakla

"Don't tell me siya ang pipiliin mong maging partner mo?"- masungit na tanong ni Khent

Hindi ako makasagot shets!

"Okay ganito, mauna ka. Ako ang sunod."- seryosong sambit ni John Mark kay Khent

"Sinusubukan mo ba ko? Ha?"- medyong galit na tanong ni Khent sa kanya, agad akong humarang ulit sa gitna.

"K-Khent just calm down okay."- i said

"Tss."

Huminga ako ng malalim.

"Audition palang naman 'to eh, right? So pwede tayong mag take 2, tama ang sinabi ni John Mark. Ikaw ang una Khent at siya ang sunod."- i said

Hindi sumagot si Khent, ang sungit ng mukha. Tumingin ako kay John Mark na seryoso rin ang mukha.

"Okay naman sa'yo kung sa second take tayo?"- i ask John Mark

"Yeah."- maikling sagot nya nang hindi nakatingin sa akin, hays naman!

"Kayo."- nagulat ako kay ate Annabelle na nasa harap na namin.

"P-Po?"- i ask

Tinignan nya kaming tatlo.

"Dalawa lang ang character sa kwento kaya bakit tatlo kayo? Ano 'to with kabet?"- masungit na sambit ni ate Annabelle

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon