"Ahm ano po kasi."- shets hindi ko talaga alam sasabihin ko.

"Pareho kaming susubok sa audition, ang makapasok edi siya ang partner ni Ravelyne."- maangas na sambit ni Khent habang nakatingin kay John Mark, napapalunok ako.

"Ah may ganun? Oh sige kayo na ang uunahin ko, maghanda kayo."- utos ni ate Annabelle at sabay panik sa stage.

Tumingin ako kay John Mark, tsk galingan mo! Huhu, ikaw ang gusto kong maging partner ko if ever makakapasok tayo as lead character. Huhuhu!

Kinabisado kong mabuti yung line ko, yung dalawa rin seryosong kinakabisado nila amg kanila. Napapahinga ako ng malalim, bahala na.

After that ..

"Handa na ba ang lahat?"- ate Annabelle ask

Nag-oo naman ang lahat.

"Bago natin umpisahan ang audition, gusto kong panuorin nyo 'to para naman madama nyo ang pag-deliver ng script."- pagkasabi nun ni ate Annabelle nag-play sila sa big screen ng scene from A Walk to Remember.

Heto pala yung scene na kinakabisado namin sa script.


Jamie: "I'm sick, i have leukemia."

Landon: "No, you're 18. You're perfect!"

Jamie: "I found out 2 year's ago and i've stopped responding to treatments."

Landon: "So why didn't you tell me?!"

Jamie: "The doctor said i should go on and live life normally as best i could. I don't want anybody to be weird around me."

Landon: "Including me?!"

Jamie: "Especially you! You know, i was getting alone fine. I accept it.. and then you happen. I do not need a reason to be angry with God."

OOOMMMGGG!!!! NAIIYAK AKO!!!

Ilang beses muna sa aming pinanuod 'yung clip then after that ..

"Ang unang sasalang sa audition ay sina .."- tumingin sa amin si ate Annabelle.

Napatingin naman ako kay Khent na tumayo na.

"Let's go."- hinawakan nya ang kamay ko, lumingon ako kay John Mark. Tumango sya sa akin at ngumiti lang ng slight, napahinga nalang ako ng malalim. Hays, bahala na.

Pagpanik namin sa stage halos nag-tilian naman ang lahat. Tssh!

Nag-harap naman kaming dalawa ni Khent.

"Handa na ba kayong dalawa?"- ate Annabelle ask

"Yes."- Khent answered

"Y-Yes."- i said

"Okay, let's start."

Lumayo muna kami sa isat-isa ni Khent, pareho kaming tumalikod. Huminga muna ulit ako ng malalim. Okay kaya mo 'yan Ravelyne.

Game!

Humarap ako at naglakad palapit sa kanya, sinimulan ko nang maramdaman kung ano ang nararamdaman ni Jamie sa scene kanina.

Iniisip ko .. ako ngayon, si Jamie.

Si Khent din, seryoso ang mukha nya ngayon habang nakatingin lang sa akin.

(JOHN MARK POV)


Nakita kong nire-ready ni Ravelyne ang sarili nya, huminga siya ng malalim at humarap kay Khent.

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon