Chapter 2 - Welcome

Start from the beginning
                                    

Hindi kaya ito ang nilalang na tinutukoy ni Nanay na nakausap niya?

Pumunta siya sa kusina para ikuha ito ng makakain. Naiwan kaming dalawa at sa totoo lang, gusto ko na lamang lamunin ng lupa.

"Ano'ng pangalan na ibinigay sa 'yo sa mundong ito?" baling niya sa akin.

"Cristine Aria Sylvestre."

Ngumiti siya uli. "Simple, kakaiba, at maganda."

"S-Salamat po." I felt shy and a bit awkward at once.

"'Wag ka nang magsabi ng po. Bata pa naman ako." Natawa siya at kumamot sa ulo.

"Ilang taon ka na ba?"

"Actually, hindi na ako nagbibilang, eh. Pero siguro . . . less than 300 years," seryoso niyang tugon.

My jaw dropped in shock at agad din akong napalunok ng laway.

"Tama ang narinig mo," natatawa niyang sabi.

Ang tanda na pala niya, pero mukha lang siyang nasa late 20s!

"Matagal na, 'no? Pero baby face pa rin," dugtong pa niya.

Bahagya akong napangiti. May pagkapilyo rin pala ang mga guardian.

"Pero alam mo, may mga pagkakataong nagsasawa na rin ako sa buhay at sa paggawa ng tungkulin ko bilang guardian, kaso gano'n talaga. Kapag tinanggap mo ang sarili mo, doon ka lang lubusang sasaya."

I incrementally absorbed what he was trying to make me understand. But despite these words, I still didn't know what to choose.

"Literal akong imortal dahil hindi ako tao. Pero figuratively speaking, hindi unli ang buhay ko dahil limitado pa rin ang span nito. Nakakonekta ang buhay ko kay Supreme Majesty Diamond. I'm his guardian. Naku, basta, mahaba-habang paliwanagan, eh. Malalaman mo rin 'pag nandoon na tayo."

"Ayoko po sana talaga," giit ko, pero mataman niya akong tiningnan na parang hinihigop ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko sa tingin niya—kung hini-hypnotize niya ba ako o sadyang napakasinsero lang talaga niyang tumingin.

Even without my permission, he stomped his scepter to the ground, then all of a sudden, vague moving images of his predictions magically hovered in the air. Mga prediksiyong kapag may makakita sa akin gamit ang kapangyarihan ko, kukuyugin kami at maaari pang magkaisa ang mga tao na gawan kami ng ikapapahamak, hindi lamang ako kung hindi maging nina Nanay at Ate.

"Hindi mo matatakasan kung sino ka. You're not ordinary, and you'll never be. There's a place where you really belong, and it's not here. The mortal world is too toxic for magical creatures like us. Ngayon, tatanungin kita: Hahayaan mo bang mapahamak ang mga malalapit sa 'yo?"

Umiling agad ako.

"That's right. You have to think of them. Likewise, you have to save us, too. Para sa iyong kaalaman, kasalukuyan pa rin naming hinahanap ang iba pang gaya mo—the lost souls. Now, you have to choose. You can't have the best of both worlds. Ngayong alam mo nang kaisa ka namin."

Natigil lang ang usapan namin nang dumating na si Nanay. Pinanood ko siyang ilapag sa mesa ang dalang sandwich at juice. Tama si Kierre . . . mapapahamak sila. I couldn't afford to risk them, and the only way to make it possible was to be away from them. I had to embrace my real identity and let my family live like normal people. Now that I had learned these things . . . danger was indeed like my shadow. I couldn't be selfish. I needed to protect them in all ways.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

MABILIS na lumipas ang isang linggo. Naubos na ang araw na ipinakiusap kong palugit para mag-stay pa rito sa mundong kinalakihan ko. Kagabi pa rin namamaga ang mga mata ko kaiiyak sa pamamaalam kina Nanay. Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng kapangyarihan, eh parang sobrang hina naman ng loob ko.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now