Kinagat ko ang pang-ibabang bahagi ng labi ko at onti-onting naglakad papunta sa kanila ngunit bago yun napatigil ulit ako dahil sa narinig ko.

"Paano kung namatay ako kanina?...gusto ko malaman ang sagot mo bago ako mawala sa mundong ibabaw...kase ako?,mahal na mahal kita"sabi ni Xandra sabay yakap nito ng mahigpit kay Mark habang nakatingin at nakangisi sa akin.

Hindi ko alam ang naging sagot ni Mark basta nakita ko nalang na mas hinigpitan pa ni Mark ang pagkakayakap kay Xandra,it means yes?

Bigla nalang nagsibagsakan ang mga luha ko at mabilis na umalis sa lugar na iyon,kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang hagulgol ko habang nasa daan.

"Zian?..."rinig kong sabi ni Ian ngunit nilagpasan ko lang ito at hindi pinansin.

I need a fresh air...

Dinala ako ng paa ko sa Groundspace,umupo ako sa upuan at tumingin sa langit,kasabay ng pagpikit ko ang pagpatak ng luha ko

Bakit ganun?

I dont know the word L-O-V-E simulat sapul,si Mark lang ang magparamdam sa akin nun kaya masakit sakin ang nakita ko kanina,gaya nga ng sinabi ko hindi ko alam ang word na L-O-V-E kaya hindi ko alam ngayun kung dapat ba akong magselos?,mabait akong tao...hindi ko alam kung magagalit ba ako o pagpapasensyahan nalang.

"Hey bakit ka Umiiyak?"dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin si Ian na nakaupo sa tabi ko.

"Napuwi lang"sabay ngiti ko at pahid ng mga luha ko.

"Masakit ba?"nag-aalalang sabi nito.

"Oo masakit"usal ko na may ibang tinutukoy,tinutukoy ang puso ko.

"Wag mo nga akong lokohin kase hindi naman umuubra sa akin...so tell me what's wrong?"

"I..I-i saw Mark and Xandra together while hugging tightly"sabay pikit ko ulit "hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman,mababaw lang naman yun right?"kahit anong pigil ko tumutulo talaga ang luha ko.

Sino ba naman ang matutuwa?, your boyfriend has a woman in his arms tightly,the worse he loves it before you come :(

"Kausapin ko sya"komento nito.

"Wag mong sabihin sa kanya na umiyak ako dahil nakita ko silang magka yakap ni Xandra,wag mo ding sabihin ang sinabi ko ngayun bagkus kalimutan mona lang...kung hindi"tumingin ako dito "hindi kita papansinin"

"Kung ayaw mong ako ang magsabi edi ikaw nalang para maliwanaggan ka,for sure may dahilan kaya sila magkayakap"

Ano pa ba ang magagawa ko?

Ang makinig...

Ang umintindi...

"Yeah kaya nga lagi akong naniniwala sa mga sinasabi nya eh"

Kinausap ako ni Ian tungkol sa mga bagay-bagay,pinayuhan nya din ako,maya-maya pa ay napagdesisyonan na namin ni Ian'ng pumasok na sa loob,tahimik lang kaming naglalakad sa hallway hanggang sa may humarang sa amin,its Mark y'all.

"Saan kayong dalawa galing?"bungad na tanong nito,may sugat ito sa baba ng labi,huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Sa labas lang nagpahangin"sagot ko buti nalang hindi halata sa boses ko na kagagaling ko lang sa iyak.

"Tsk!,kayong dalawa!?"galit na sabi nito "bakit may new lovers na bang nabubuo!?"tinignan nya kaming dalawa ni Ian,hindi ko magawang magsalita at baka maiyak lang ako "magsama kayo!"sabay bangga sa amin ni Ian at alis.

Pretty Nerd & Casanova PrinceWhere stories live. Discover now