Part :32

1K 46 0
                                    

KInabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga din akong nakapag-ayos ng aking sarili.

Yehey hindi ako late ngayun!

Natutuwa ako dahil hindi ako late ngayun,palagi kase akong late kahit may alarm naman ako,love alarm,hehe,Lumabas na ako ng doorm at agad na sinara tapos tinignan ang pintuan ng doorm ni Mark.

Gising na kaya to? Or kanina pa nakaalis?,ewan nalang.

Hindi ko na binalak katukin at naglakad nalang papunta sa room,6:21 palang ngayun kaya wala pa masyadong mga studyante na naglalakad.

Pagdating ko sa room ay wala pa si Mark pati rin yung mga kaibigan nya,siguro magkakasama sila ngayun?,tanging lima ko lang na kaklase ang nandidito plus the president bali anim pala.

Nagpasya nalang akong pumunta sa upuan ko at antayin ang dalawa kong kaibigan pati narin ang 5k lalo na si Mark.

Napakunot ako ng noo ng may nakita akong notebook sa ibabaw ng table ko,kinuha ko ito at sinuri.

"Guys kanino to?"tanong ko sa mga kaklase kong nasa loob ng room.

"Not mine"

"Hindi akin"

"Ewan"

Lahat ng kaklase kong nandito ngayun sa room ay puro hindi sa kanila ang sinasabi,napagpasyahan kong buksan para makita kung kanino at para nadin maisaoli ko,pero pag bukas ko....

Hello again Zian,pumunta ka sa lucker mo para malaman ang mensahe ko :)

-😊🔪


Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


"G-guys sino ang pinaka maagang pumasok ngayun?"saad ko at hindi pinapakitang kinakabahan ako.


"si James Park"saad ng babae kong kaklase.


"Ako nga why?"saad naman ni James,ang President namin at top.8 ng HighClass.

"Sino ang naglagay nito dito?"pinakita ko yung notebook."nakita mo ba kung sino?"

"May nakita akong studyante  na naglagay ng notebook na yan dyan pero hindi ko kilala at hindi ko nakilala dahil naka-mask ito at nakashades"paliwanag nito,yung iba kong kaklase nakikinig."mukha nga syang katawa-tawa dahil sa suot nya"

"Babae o lalaki?"tanong ko.

"Babae,why?,may poblema ba?"nagtataka nitong saad.

"Ahh W-wala,nakita ko kaseng para sa akin ang notebook na ito,nagandahan ako kaya gusto kong magpasalamat sa nagbigay"pagsisinungaling ko sabay ngiti para hindi nila malaman ang totoo.

Nagsibalikan sila sa kanilang mga ginagawa habang ako ay napagpasyahang puntahan ang lucker,habang tinatahak ko ang daan papuntang lucker ay napaisip ako.

Babae?

Hindi ako makapaniwalang babae ang gumawa nun,ang inaasahan ko pa naman ay lalaki dahil sa unang sulat na natanggap ko sa lucker ko nun isang araw.

Pakisabi kay Mark ibigay ka sa akin kung hindi pagsisihan nya ito hanggang sa mamatay sya.-ulit ko sa aking isip.

Umiling-iling nalang ako at naglakad papuntang lucker,dala-dala ko pa ang bag ko dahil hindi ko ito nailapag sa upuan ko kanina,pagdating ko sa tapat ng lucker ko ay agad ko itong binuksan at may nakita akong itim na envelop,kinuha ko ito at binuksan.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon