Part:25

1.3K 65 5
                                    

it's eight o'clock in the morning pero hindi padin ako bumabangon,naka tingin lang ako sa puti kong kisame.

Nababaliw nako!

Hindi ako pwedeng ma-inlove kay Mark!,una sa lahat ay may papakasalan akong lalaki na hindi ko kilala,pangalawa hindi ko pa lubusang kilala si Mark.

Kahapon ang first day namin bilang magkasintahan pero feeling ko bumigay na agad ako kahit isang araw palang naging kami,the hell!

Ayoko pa!,hindi pa ako handa,baka hindi pa ako nito lubusang mahal tapos masaktan lang ako sa bandang huli,hindi ko alam ng plinaplano nya.

Tok!..tok!..tok!

Bigla akong natigil sa pag-iisip at agad na humarapang mukha ko sa pintuan ng kwarto ko dito sa doorm ng school.

"Binibini.."biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo at lumapit sa pinto sabay bukas,tumambad sa akin ang isang lalaki na napupusuan ko.

"Good Morning Binibini"naka ngiting saad nito sabay gulo ng buhok ko.

"Good Morning din"naka ngiting sabi ko.

Kahit ilang beses kong sabihin na hindi dapat ako mainlove sa kanya ng maaga ay para nagiging baliwala ang lahat ng yun pag kaharap ko sya.

"Alam mo bang nasa isip kita mula pa kagabi"sabay hawak ng kamay ko.

"Ako din..."wala sa sarili sabi ko "i mean...hmm,este" kinakabahan sabi ko "H-hindi lang ako makatulog kagabi,yun lang"palusot ko.

Yumuko ako habang palihim na pinikit ang mga mata,hindi kase ako magaling sa pagsisinungaling.

"Grabe talaga ang apekto ko.."pround nitong sabi "hindi ka nakatulog"sabay ngisi.

"Hindi kaya"mataray na sabi ko at lumabas ng kwarto.

"Patingin nga"sabay hila sa akin dahilan para mapaharap ulit ako sa kanya.

Hinawakan nya ako sa bewang at tinitigan sa mata,bigla naman napaawang ang bibig ko dahil sa lapit ng mukha namin,agad akong nag-iwas ng tingin.

"See?"naka ngiti nito sabi sabay bitaw sa bewang ko.

"Baliw ka!"pagtataray ko ulit at tinalikudan sya.

Pagtalikod ko ay binuhos ko ang aking kilig habang naglalakad papuntang sala,sino ba naman ang hindi kikiligin sa lalaking yun?,gwapo na tapos matamis pa ang lumalabas sa bibig,sino ang hindi kikiligin?.

Umupo ako sa sofa bed at nanood ng T.V,ilang minutong naka lipas ay napansin kong wala si Mark sa paningin ko.

umalis na ba yun?

Bigla nalang bumagsak ang dalawa kong balikat sa hindi malamang kadahilanan,feeling ko nalungkot ako bigla sa hindi din malamang kadahilanan.

umalis na ba talaga si Mark?
Bakit hindi man lang ito nag paalam sa akin?

Bigla akong natigil sa pag-iisip at bumilis agad ang tibok ng puso nang makita si Mark na kalalabas lamang sa kosina at ngayun ay palapit na sa akin habang may dalang dalawang mangkot,napa kunot naman ang aking noo.

"Sopas for you Binibini"sabay abot ng isang mangkot sa akin tapos binigyan nya ako ng kutsara "luto ko yan" bigla nanaman ako namula.

"Salamat"saad ko sabay tingin sa kanya at muli nanamang nagtagpo ang mga mata namin,nag-iwas ako ng tingin dahil mukhang hindi sya magpapatalo sa titigan namin.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon