Part:27

1.2K 55 12
                                    

Mula kagabi ay hindi na ako nakatulog ng maayos kakaisip sa mga sinabi ni Xandra sa akin kahapon.

What if hindi nya ko type?

What if pinaglalaruan nya lang ako?

What if lahat ng matatamis na salitang lumalabas sa bibig nya ay puro pagpapanggap lang?

What if si Xandra naman talaga ang totoo nyang mahal dahil mas nauna ito kase sa akin?

Yan lang naman ang mga tanong sa utak ko simula pa kagabi kaya hindi ako nakatulog ng maayos,Isa lang ang naiisip kong paraan para hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano,i need to break Mark sa ayaw at gusto nya.

Siguro kung maghihiwalay na kami ni Mark ng maaga ay hindi ako nag-iisip ng madami ngayun,siguro payapa ang buhay ko,siguro walang galit sa akin na babae,siguro parang bula nalang ako sa mga studyante,siguro hindi ako nag-iisip ng malalim kung mahal ba ako ng isang lalaki.

Agad akong naglakad palabas ng doorm ko,naka-uniform na ako at nakakain nadin ng almusal,agad kong kinatok ang katapat kong doorm witch is kay Mark.

I need to break you Mark habang maaga pa.

Naka-ilang katok na ako pero wala pading lumalabas hanggang sa tumunog ang speaker na hindi ko alam kung saan nakalagay pero rinig na rinig ko ang sinasabi.

All students go to the gym because we have an announcement,right now! -saad ng isang babae sa speaker.

At dahil mukhang wala naman si Mark sa loob ng doorm nya ay napagpasyahan ko nalang pumunta sa room,sakto namang paalis na sila Alex at Liam kaya sumabay na ako sa kanila papuntang gym kase wala din naman si Mark sa loob ng room pati na rin yung mga kaibigan nya.

Bigla tuloy nag-flashback sa akin yung panahong pinahanap ako ni Mark sa loob ng gym tapos sasabihin lang na papatayin nya ako,how crazy!, grabe kaya ang takot ko nun makatapos nyang sabihin sa akin yun.

Pagdating namin sa gym ay madami na ding mga studyante,ang ilang High-Class naman ay nasa stage pero wala ang 4k,kaya 4k kase hindi naman kasali si Ice sa High-Class.

"attention students"saad ng babaeng guro na matanda sa mic.

Lahat ng studyante ay nabaling ang atensyon sa kanya at nanahimik,lahat ata kaming nandidito ay nagtataka kung bakit kami pinatawag lahat.

"Gaya nga ng narinig nyo sa speaker ay may-announcement kami ngayun at pangungunahan ito ni Sir.Leries"sabay turo sa akin este sa bahaging likod ko,lumingon ako sa likod ko para din makita si Mark at nanlaki ang mga mata ko nang nasa likod ko sya.

"M-mark kanina ka pa ba nandyan?"tanong ko,tumango naman ito,tinignan ko naman kung nasaan ang dalawa kong kaibigan at ayun nasa gilid habang naka tingin din sa amin.

Hinawakan ako ni Mark sa kamay "tara sa stage"naka ngiting sabi nito,maglalakad na sana sya nang pigilan ko sya."hmm?"

"May sasabihin ako sayo mark....."saad ko sabay kagat ng pang-ibabang labi.

"Ano yun?"nagtataka nitong tanong habang naka taas ang isang kilay.

"Ahmm..."

Mag-break na tayo.

Parang tinahi ang bibig ko dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko,ayokong sabihin ang salitang 'break'

Kahit dalawang araw palang kami ni Mark ay tumibok na agad ang puso ko para sa kanya at gusto ko na syang makasama araw-araw pero hindi naman ako sigurado kung ganun din ang nararamdaman nya para sa akin.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon