Part :33

1.4K 75 40
                                    

Dumaan ang madaming araw ay mas naging matibay ang pagsasamahan namin nila Alex,Liam,Felix at Keven,naging mas malapit din ako sa mga kaibigan ni Mark at syempre mas na-inlove at lumalim ang pagsasamahan namin ni Mark.

Araw-araw sweet si Mark mapa-klase at mapa-doorm,kulang nalang ata sa iisang doorm nalang kami matulog dahil araw-araw kami magkasama,naghihiwalay lang kami kapag tulugan na.

"Gurl bilisan mo ah"bulong sa akin ni Liam habang papaalis sa pila at papunta sa table namin.

Nauna kaseng bumili ang mga boys kanina,pinauna ko naman sila Alex at Liam sa pila kaya ngayun ako yung huli,pagdating ko sa unahan ay agad akong inasikaso ng tindera kaya mabilis na naibigay sa akin yung pagkain ko.

Agad akong umalis ng pili pagkaabot ko ng pagkain ko,pero bago ako makapunta sa table namin ay nagka salubong kami ni Mark.

"Binibini,ayaw mo ba sa table naming maupo?"ani ni Mark.

"Nako wag na,kasama ko kase yung mga friends ko"ngumuso ako sa kinaroroonan nila Liam.

"Ok fine"sabay simangot nito "by the way sasabihin ko na ito sayo bago kapa mag selos"

"Ano yun?"nagtatakang tanong ko.

"Nakiusap sa amin sila Xandra at Maica na sa table namin sila makikiupo,ayos lang ba?"nag-aalala nitong tanong.

Bigla akong napa-isip,sa ganung sitwasyon nila hindi mo maiiwasang hindi mag selos dahil si Mark at Xandra ay may gusto sa isat-isa dati bago pa ako dumating.

"Woy Zian?"bigla akong natauhan nang nagsalita si Mark "sagot mo ang kailangan ko,kung ayaw mong makitable sila sa amin ako mismo ang magpapaalis sa kanila"

"A-ah ayos lang naman,go lang"natatarantang sabi ko,baka kase sabihin nyang nagseselos ako kapag hindi ko hinayaang paupo sola Xandra at Maica don (witch's is totoo naman)

"Are you sure?,baka napipilitan ka lang pero deep inside tatagain mo na ako dahil selos na selos kana?"sabay ngisi nito.

"Sira ka talaga!"naiinis na sabi ko,tumawa naman sya "wag kang mag-alala may tiwala naman ako sayo"sabay ngiti ko.

"Ok bye,kita tayo mamaya"sabay smile nito kita dimple (hindi galit ah).

"Got it"tipid na sabi ko.

"Muah!"sabi nito habang papaalis,kinilig naman ako sa simple muah nya.

Agad akong tumungo sa table namin,pagdating ko ay wala nang bakanteng upuan bukod sa tabi ni Felix at Keven,kaya doon nalang ako naupo sa gitna nila Felix at Keven,ako yung palaman nilang dalawa,pabilog ang lamesa namin kaya medyo may distance pa naman sa mga pagitan namin.

(Keven-Zian-Felix-Alex-Liam)

Medyo naiilang ako dahil baka magalit si Mark,agad akong tumingin sa gawi nila Mark at nakita ko na nakangiti ito habang nakikipag-usap kay Xandra ganun din sa mga kaibigan nya,lahat sila ay masaya dahil magkakaibigan sila.

Magkakaibigan lang din naman kami nila Felix at Keven,pwede din naman kaming mag-usap at magibg masaya no?,nang hindi nagagalit si Mark dahil friends lang naman kaming lahat.

"Woy baka matunaw ako"rinig kong saad ni Keven kay Liam

Tinignan ko si Liam at iyon tulala pa din kay Keven,tinignan ko naman si Keven kaya nalaman ko kung bakit,bukas lang naman ang dalawa nitong bitones kaya etong si Mareng Liam ay naglalaway.

"Ehem!"saad ko kay Liam,baka kase mahalata syang bakla,agad naman itong nabalik sa bisyo,pasimpleng napatawa si Alex sa may gilid.

"H-ha?"nagtatakang tanong ni Liam sa aming lahat.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon