Part:24

1.2K 69 8
                                    

"Binibini gising na"rinig kong saad ni Mark habang tinatapik ako sa balikat,agad ko namang dinilat ang mga mata ko "malapit na tayo"

Nagmuni-muni muna ako at tumingin sa daanan,siguro mga 7:00 na ngayun,napa kunot ako ng noo dahil pamilyar ang dinadaanan namin.

"Pupunta ba tayo sa bahay ko?"nagtatakang tanong ko dahil ito ang daan papuntang bahay ko.

"Hindi binibini"sagot naman nito,hanggang sa madaanan namin ang bahay ko at nilagpasan lang namin.

Tumahimik nalang ako at tinignan nalang ulit ang dinadaanan namin,hmm?, pamilyar din ito,hanggang sa tumigil ang sasakyan ni Mark sa isang mala-mansyong bahay.

"Kaninong bahay to?"

"Sa parents ko"naka ngiting sabi nito sabay tanggal ng seat belt ko at seat belt nya.

Maging grabe ang gulat at kaba ko dahil sa sinabi ni Mark.

Paano kung hindi ako gusto ng Stepmother nya?,paano kung ayaw sa akin ng Daddy nya?,or mga kapatid?

"Huwag kang kabahan Binibini ko habang tulog ka kanina ay tinawagan ko ang mga parents ko na dito tayo kakain"naka ngiti nitong sabi sabay baba ng sasakyan at pumunta sa pintuang tabi ko para pagbuksan ako ng pinto,naglahad din sya ng kamay sa akin na agad ko din namang kinuha at bumaba.

"Mark,kinakabahan talaga ako"pagsabi ko sa kanya ng totoo "paano ku--*"hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Shhh..."sabay lagay ng isa nyang darili sa bibig ko "ang Stepmom ko ay hindi ako pinapakeelaman sa mga disisyon ko kaya wala tayong magiging poblema sa kanya"

"How about your dad?"bigla naman syang napabuntong hininga,kinabahan ako.

"i don't know whats my daddy reaction dahil may gusto nga syang ipakasal sakin na babae pero ang sabi nya ay gusto ka parin nyang makita"paliwanag nito mas hinigpitan pa ang kapit sa kamay ko.

"Paano kung ayaw nya sa akin? kinakabahan ako".

"Ok lang yan,Smile Binibini"

Dahil sa sinabi ni Mark ay nagkameron ako ng onting lakas para harapin ang mga magulang nya,sana balang araw ay madala ko rin si Mark sa mga magulang ko.

Magkahawak kami ng kamay ni Mark habang tinatahak ang daan papunta sa loob ng bahay nila,pagdating namin sa loob ay sinalubong kami ng isang babae at lalaki na matanda,mukhang sila ang parents ni Mark,nginitian ko naman sila kahit kinakabahan ako.

"Hi iho"saad ng babaeng matanda kay mark sabay beso sa pisngi "buti at naka-abot kayo"naka ngiti nitong sabi samin.

"Dad.."tawag ni Mark "sya po yung babaeng sinasabi ko sa inyo"sabay tingin sa akin,tinignan naman ako ng Daddy nya,kinabahan ako lalo.

"S-siya ba?"tanong ulit nito habang gulat na gulat,bakit kaya?,tumango naman si Mark "napaka ganda mo iha"naka ngiti nitong sabi "bagay kayo ng anak ko"

Parehas kaming nagulat ni Mark dahil sa sinabi ng kanyang Daddy,buong akala namin ay magagalit ito.

"Dad napaano ka?"nagtatakang tanong ni Mark "buong high school life ko ay ayaw mong maggirlfirend ako dahil may ipapakasal ka sa akin pero ngayun..."

"Kase bagay kayo"saad nito.

"Kahit hindi sya gaanong mayaman?"sagot ni Mark.

Mark mayaman ako,isa akong anak ng Vallid.

"Huh?"nagtatakang tanong nito "hindi sya mayaman?"

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon