"Ano may masasabi kapa!?"nang-aasar na sabi ko.

"Alam ko ang sekreto mo,hindi ko alam kung masasaktan ka o hindi pero isa lang matitiyak ko...maghihiwalay kayo ni Zian kapag nalaman nya...at titiyakin kong sa akin mapupunta si Zian"sabay tawa nito.

Kwinelyohan ko ulit sya "anong sekretong pinagsasabi mo!,sabihin mo!!"galit na sabi ko.

"Yung Deal nyong magkakaibigan sa Bar,kaya kung ako sayo wag na wag mo akong palalapitin kay Zian kung hindi malalaman nya iyon"natigilan ako at napalunok ng sariling laway.

Bakit?,bakit alam nya iyon!!!

Sa sobrang galit ko pinaulanan ko ulit sya ng suntok,kahit anong ilag nya nasasalo padin ng mukha nya ang lahat ng suntok ko.

"Zian may dapat kang malaman!"sigaw ni Max habang naka tingin sa likod ko,bigla akong kinabahan at tumingin din doon ngunit walang Zian na nandoon,malakas akong tumulak ni Max at tumayo.

"Oh my gosh Mark!"nag-aalalang sabi ni Xandra,kadadating lang ni Xandra sa hallway at nagulat sa kanyang nakita,Agad na lumapit si Max kay Xandra at hinawakan sa buhok.

"Wag kang lalapit!"sabi ni Max sakin habang onti-onting umaatras kasama si Xandra,lumapit naman si Felix sa amin.

"Mark natatakot ako"naiiyak na sabi ni Xandra,wala akong masabi,kinakabahan ako para kay Xandra,sa babaeng napupusuan ko."ahh!!"sigaw nito dahil sinabunutan ito ni Max.

"Babae lang ba ang kaya mo?"saad ni Felix iyon,tumawa naman si Max.

"Oo babae...madaming babae"masayang sabi ni Max sabay tulak kay Xandra palapit sa amin at takbo paalis,agad naman itong hinabol ni Felix.

"Natatakot ako"sabi ni Xandra sabay yakap sa akin,gusto ko mang alisin ay hindi ko magawa dahil naaawa ako sa kanya

"Magpahinga kana"ang tangin nasabi ko,at hinila sya papunta sa tapat ng doorm nya.

"Never ko payung naranasan"sabay yakap ulit nito sa akin.

"Sorry kung naranasan mo iyon ngayun"sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya,naamoy ko tuloy ang bango nya pero may something sa akin na ang amoy ni Zian ang hinahanap.

"Huhuhu"umiyak ito sa dibdib ko,hinayaan ko nalang para mabawasan ang takot nya "Mark mahal mo ba ako?"bigla akong natigilan sa sinabi nya.

"Bakit mo naman yan natanong sa gantong sitwasyon?"sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod.

"Paano kung namatay ako kanina?...gusto ko malaman ang sagot mo bago ako mawala sa mundong ibabaw...kase ako?,mahal na mahal kita"sabay yakap nito ng mahigpit sa akin.

"Mahal din kita"pabulong na sabi ko,hindi ko alam kung narinig nya o hindi.

Zian (Vallid) Santos pov

Ilang oras na ang lumilipas ngunit wala pading Mark ang dumadating,nag-aalala na ako sa kanya.

"Alex aalis na ako"paalam ko kay Alex.

"Pero ang sabi ni Mark wag ka daw aalis nang hindi ka nya sinusundo"

"Ano kaba ok lang ako...babalik ako kapag kailangan ko ng tulong"sabay ngiti ko.

Agad ako lumabas at naglakad pabalik sa doorm,hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay bigla akong natigilan...

It's Mark....with Xandra?

Bigla nalang may namuong mga luha sa mga mata ko dahil sa nakita ko,si Mark at si Xandra magkasama habang magkayakap ng mahigpit,hindi ko alam kung ang dapat kong maramdman ngayun.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon