"Sa katunayan, sa dami ng mga sports na alam ko ay nahirapan akong mamili kung ano ang sasalihan ko noon sa university. Basketball sana ang sasalihan ko kaso umiral ang pagiging loko-loko ko." Anito sabay ngisi na parang may naalala itong kalokohan.


"Bakit? Anong ginawa mo't nauwi ka sa soccer?" Tanong ko dito.


Tumingin ito saakin.


"Ang yabang kasi ni Gladys noon na kesyo siya daw ang magiging kapitan at magiging number one soccer player. Sa lahat daw ng sports ay dun lang niya ako matatalo kaya naman ipinakita ko sakanya kung sino ang totoong ace-player ng soccer." Kibit balikat na sagot nito.


Apaka sama talaga ng ugali nito!


Very competitive!


"Alam ko nasa isip mo." Naiiling habang nakangising wika nito. "Pero masisisi mo ba ako kung buong buhay ko ay wala nalang ako ginawa kung di makipag kumpitensya sa mga nilalang na nasa paligid ko?" Tanong nito saakin sa muling pinaka seryosong mukha.


Natigilan ako.


"Kumpitensya sa kapatid ko, kumpitensya sa mga kaibigan ko para makuha lang ang atensyon ni mama at kumpitensya sa sarili ko para makuha ang atensyon mo." Kwento nito.


Natigilan nanaman tuloy ako sa sinabi nitong yun.


Kung ganun, mortal na kaaway na rin pala ang tingin nito sa sarili nito dahil lang sa pakikipag kumpitensya nito na hindi naman na dapat nito gawin pa dahil umpisa palang ito naman na ang panalo.


Talaga ba, Dallas?


Tanong ko sa isip ko nung maalala kong kasama nga pala ako sa ini-impress nito.


"Nandito ba tayo sa university natin para mag emo o mag saya?" Pag-iiba ko nalang sa usapan naming dalawa.


Subalit sa halip na sagutin ay mabilis na itinaas nito ang kaliwang kamay nito para takpan ang mga mata ko. Nananatiling nakatayo pa rin ito sa harapan ko habang nakapamulsa ang isa nitong mga kamay sa pang-ibaba na suot nito.


"Ikaw?" Tanong nito saakin. "Ano ba ang gusto mong gawin nating dalawa?" Tanong nito na parang nagkaroon ng laswa saakin.


Sukat dun ay mabilis na kumawala ako dito para bigyan sana ito ng malakas na sipa ng makaiwas ito.


"Green minded ka pala." Naiiling at bahagyang natatawa na anas nito matapos nitong maiwasan ang sipa ko at magets kung para saan yun.


"Aba!" Palag ko. "Ayusin mo naman kasi mga sinasabi mo 'tsong! Nakakatakot eh." Anas ko.


"Ano bang gusto mong gawin nating dalawa ngayon?" Tanong nito ulit saakin.


"Mag saya syempre!" Sagot ko.

The Devils King 2Where stories live. Discover now