CHAPTER 43

79 9 0
                                    


Diana Ezia Salvatorie POV


(Music Background: E.S Posthamus – Moonlight Sonata)


"Imposible ang sinasabi niyo." Hindi makapaniwalang sambit ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Imus.


Ito ang ginintuang ahas ng Solteroz.


Tanging mga orakulo o priestess lamang na katulad ko ang maaring makakita o makausap nito.


"Totoo ang lahat ng sinabi ko, Diana. Isang anak na lalake ang iyong isisilang. Siya ay bunga ng isang kahayupan. Isang kahayupan na magiging dahilan upang hindi siya makaranas ng kahit katiting na pagmamahal mula sa iyo. Ang iyong anak ang siyang nilalang na magdudulot ng pagkawasak ng mundong ito." Ulit nito sa propesiya.


"Pero isa akong banal na orakulo, paanong magkakaanak ang isang katulad ko!?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Kailanman ay hindi ako nagkamali saaking propesiya, Diana. Huwag mong subukan takbuhan ang iyong tadhana, sapagkat tumakbo ka man, trahedya lang din ang patutunguan." Banta nito.


Sukat doon ay bigla kong naalala ang hula saakin ng mangkukulam sa kakahuyan na minsan ko nang tinakasan.


"Mama."


"Mag-iingat ka sa batang lalake na isisilang mo. Wala siyang idudulot kundi kamatayan sakanyang paligid. Ang sinumang nilalang ang mag nanais mapalapit sakanya ay trahedya ang kahahantungan." Si Imus.


Matalim ang tingin na nilingon ko ang batang nasa propesiya.


"Prince Dirk, huwag mo munang abalahin ang iyong ina. Maraming ginagawa ang isang reynang katulad niya." Hila dito ni Sosna na personal nitong damaja sa palasyo.


"Maawa ka! huwag mong gawin ito, pakiusap!" Humahangos at luhaang pigil ko sa lalaking nasa ibabaw ko ngayon.


Subalit sa kabila ng pakiusap ko ay naramdaman ko ang isang matigas at mahabang bagay na pumasok sa pagkababae ko. Sa sobrang kirot ng naramdaman ko kasunod nun ay halos mapaliyad ang katawan ko at mapatingala ako sa kawalan.


"Mama, hindi pa ba tayo babalik ulit sa mundong pinanggalingan natin?" Tanong nito.


"Dirk, halika na muna sa labas." Pilit na hila dito ni Sosna.


"Gusto ko na ulit bumalik sa Earth, Mama." Wika muli nito sa halip.


"Ikaw ang magdadala ng anak ko, Diana. Isisilang mo siya sa ayaw o sa gusto mo man." Wika nito sa pagitan ng hayuk nitong pagkilos sa ibabaw ko.

The Devils King 2Where stories live. Discover now